Sa simpleng buhay na kinagisnan marami ang pwedeng mangyare ng hindi natin inaasahan. Mga bagay na sa isang iglap maaaring dumating o mawala.
Maaaring marami sa atin ang nakakaharap sa mga pagsubok sa buhay na tyak naman na malaki man o maliit pare pareho tayong gustong matapos na ito.
Maaaring ang iba naman ay simple lang ang paraan para masolusyunan. Kung iisipin napaka daya ng buhay, dahil ang mga bagay na gusto natin ay kailangan pang paghirapan samantalang ang iba naman ay abot kamay lang. Iniisip ko kung parehas lang ba ng stado ng buhay ng lahat anong klaseng buhay kaya ang mayroon tayo?.
Lumaki akong hindi mayaman wala ring kaya. Kung ang pag uusapan ay pagiging mahirap, ay talagang mahirap naman talaga kami. Ngunit kahit na ganun masaya naman ako sa buhay na kinagisnan ko. Dahil kahit mahirap ang buhay nakaka pag aral naman ako at ang mga kapatid ko.
Kung minsan nakaka inggit ang iba pero ginagawa ko na lng itong inspirasyon upang lalong magpursiging makatapos ng pag aaral at makakuha ng magandang trabaho pag tanda. Pero dahil nga sa hirap ng buhay dalawang taon lang sa kolehiyo ang natapos ko at naghanap na ko ng trabaho upang makatulong.
Marami pa akong kapatid na kailangan suportahan sa pag aaral dahil tumatanda na rin ang aking ama na nag tatrabaho sa pagiging drayber at ang aking ina minsan ay nangangatulong. Pero tumigil na ito dahil mas pinili nyang alagaan at bantayan ang aking mga kapatid. Na mas gusto ko naman dahil ayoko rin syang nakikitang napapagod lalot hnd naman sapat ang kita nya base sa pagod.
Kaya naman kung kailan nating maghirap upang matotoo sa buhay ay mas gugustuhin ko. Upang kapag naging matagumpay ako tiyak kong pinaghirapan ko ito at sobrang pahahalagahan ito.
Ang buhay ay parang gulong lang sabi nga ng iba. Minsan nasa baba ka, at minsan nasa taas. Pero kung nasan ka man sa mga ito ngayon huwag kang makakalimot na maging mabuting tao.
Ano man ang mangyare maging pinaka magaling kang bersyon ng buha at sarili mo sa lahat ng araw at lahat ng pagkakataon. Upang walang kahit na sino ang aapak sayo. At maging mapag salamat sa lahat ng panahon.
Laging isipin ang buhay ay mabilis at hiram lang kaya dapat na ingatan at pahalagahan. At laging isipin na maniwala sa sarili, dahil tayo lang ang makakapag sabi ng destinasyon na ating tatahakin.
Ano man ang mangyare palaging mapagkumbaba. Huwag hanapin ang mga bagay na wala. At pagtuonan ng pansin biyayang nasa harapan. Dahil mas mabuting may kaunti kaysa wala.
At kung sa palagay mo ay malas ka, huwag kalimutan na mas swerte kapa sa iba. Huwag mong hahayaan na magapi ka ng kalungkutan at maging sakim sa iba.
Dahil ang lahat ng meron tayo pag natapos ang buhay hindi natin ito masasama sa hukay.
Siguraduhin na mamumuhay ka ng masaya at kuntento ng walang naaapakan na tao. Mas masarap mabuhay ng masaya kaysa mabuhay ng masama.
Laging mong tatandaan na kahit magtagumpay kana maging mabuting tao sa lahat ng bagay.
Dahil ang buhay ay saglit lang nang Diyos ipapahiram.
Alam nyo yung masakit?. Ayun yung nagmamahal ka ng taong hindi mo alam kung mababalik ba sayo yung pagmamahal na binibigay mo. Pero ayos lang kasi doon ka masaya. How ironic right!?. Lalo na kung iyong taong minamahal mo ay hindi mo sigurado kung kilala kapa dahil sa ilang taon na ang lumipas.
I'm Gail Sandoval magbebenta kwatro palang ako pero maraming ng problema sa buhay.
'Minsan sa buhay may mga desisyon tayong hindi natin alam kung bakit natin ginawa. Mga desisyong alam nating tama, pero bakit sa kabila ng tama nating ginawa, bakit may kapalit na sakit? Bakit parang minsan nanghihinayang tayo sa mga bagay na binitawan natin?. '
Yan ang mga nasa isip ko pagkatapos ng halos limang taon matapos ang pag uusap namin ng lalaking lihim kong minamahal sa kabila ng hindi namin kilala ang isat isa. Ang alam ko lang, sa halos araw araw naming pagkikita sa daang nagdurugtong sa lugar kung san ako nakatira at mg sa kanya. Halos sa araw araw naming pagkikita sa kalsadang ito, kahit malayo pa lang alam kong sya na iyon.
Magdurugtong din kaya ang puso ko at ang kanya?. Kailan ko kaya uli sya makikita?. Pag dating kaya ng araw na yun, pwede pa kaya?.
Pero mukang huli na ang lahat dahil ng magkita kami may kasama na sya. Hanggang dito na lang kaya kami?. Hay san kaya kami aabutin?.
O baka naman ako lang ang nangangarap ng gising. Ilang taon na rin ang dumaan baka kailangan ko na rin syang kalimutan para sa huli hindi ako masasktan.