Story By Arina Kiandrea
author-avatar

Arina Kiandrea

ABOUTquote
Hi! If ever maligaw ka dito sa mundo ko, paki-follow ako please. 😁🙏 Dadalhin kita sa mga kuwentong magpapatakas sayo sa reyalidad papunta sa mundo ng mga karakter na magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa, magpapa-L, at mang-iinis sayo. Char! 🤭 I hope you’ll enjoy reading my books as much as I love writing them. 💖
bc
MALICIA [SSPG]
Updated at Jun 14, 2025, 01:54
Ano nga ba ang misteryong nagtatago sa likod ng katauhan ni Malicia? Isa nga ba siyang babae na nabiyayaan ng mala-anghel na mukha, ngunit may mala-demonyong kalooban? O isa lamang din siyang biktima ng pagkakataon? •••••• Prinsesa ng mga sindikato. Iyan ang katauhang kinamulatan ni Malicia. Ngunit nagbago ang buhay niya nang makilala si Gabriel, ang bilyonaryong bihag ng kanyang ama. Na-love at first sight siya sa lalaki kaya hiningi niya ito at ginawang personal “pet”. Isang gabi, na-raid ang kanilang isla at na-rescue ng mga awtoridad si Gabriel. Si Malicia naman ay naitakas ng tauhan ng kanyang ama. Ngunit hindi siya handang mamuhay sa labas ng isla lalo pa’t nalaman niyang nagdadalang-tao siya at si Gabriel ang ama. Hinanap niya ito para humingi ng tulong. Ngunit paano kung kinasusuklaman siya nito lalo pa’t nasaksihan nito mismo ang ginawa niyang pagpatay sa fiancée nito?
like
bc
MGA LUHA NI LIWAYWAY [SSPG]
Updated at May 30, 2025, 04:43
Pinagkasundo sina Liwayway Altamero at Matteo Ricaforte na ikasal ng mga magulang nila dahil sa isang pangyayari. Ngunit kapwa sila may kasintahan na at matalik pa nilang kaibigan ang mga ito. Sinisisi ni Matteo ang dalaga sa nangyari kaya naman gusto nitong sa papel lamang sila ikasal, at ipagpapatuloy pa rin nito ang relasyon kay Bettina na bestfriend ng dalaga. Paano gagampanan ni Liwayway ang papel niya bilang asawa nito kung ito mismo ay namumuhi sa kanya at palagi nitong ipinapamukha sa kanya na pagkakamali lamang ang lahat? At paano niya rin lalabanan ang damdamin para rito na unti-unting sumisibol kung alam niyang hindi naman siya ang tinitibok ng puso nito at may mahal na itong iba?
like
bc
NINONG JAX [SSPG]
Updated at Mar 20, 2025, 02:13
They are just two troubled souls. But will they be able to find love and comfort from each other? . ••••••• . Si Shielo ay isang 18-year-old spoiled brat na lumaki sa Amerika. Simula nang makita niya ang larawan ng kanyang Ninong Jax, na-obsess na siya rito kaya’t umuwi siya ng Pilipinas upang mag-aral sa eskuwelahan kung saan nagtatrabaho ang kanyang ninong bilang isang basketball coach. She would do anything and everything para lamang mapansin nito at makita siya bilang isang ganap na dalaga, at hindi bilang isang inaanak lamang.Jax is a 34-year-old low-key billionaire who was betrayed by Shielo’s father years ago. Wala siyang balak na makipagmalapit sa kanyang inaanak lalo pa’t mukhang obsessed na obsessed ito sa kanya. Ngunit paano niya maiiwasan ang alindog nito kung parati siya nitong inaakit? At paano kung naglalaro sa kanyang isipan na gamitin ang dalaga upang makapaghiganti sa ama nitong traydor?
like
bc
PAPARAZZI [SPG]
Updated at Dec 6, 2024, 06:12
Clint Carter is a world-famous Filipino actor. Gustong-gusto niya ang atensiyon na ibinibigay sa kanya ng kanyang fans lalong-lalo na ng mga kababaihan. Iisa lamang ang kinaiinisan niya—ang makukulit na paparazzi na parating nakasunod sa lahat ng kanyang ginagawa. . Syrene Rivera is a young paparazzo. Dati siyang die-hard fan ni Clint ngunit nang malaman niya ang mga kalokohan nito, nag-iba ang isip niya. Marami na siyang scandalous photos ni Clint Carter na ipinalabas sa media kaya’t alam niyang galit na galit sa kanya ang sikat na aktor. . Sa hindi inaasahang pangyayari, na-trap silang dalawa sa isang isla at hindi napigilan ang pisikal na atraksiyon na unti-unting nabuo sa pagitan nila. . Ngunit anong buhay ang maghihintay kina Clint at Syrene pagbalik sa kani-kanilang normal na buhay gayong tila sadyang iniiwasan na siya ng binata? May pag-asa pa bang maipagpatuloy ang kanilang pagsasama o iisipin na lamang ni Syrene na isang magandang panaginip lamang ang lahat ng nangyari sa kanila sa isla?
like
bc
MALDITA [SSPG]
Updated at Oct 11, 2024, 06:27
MALDITA ALONZO embraced the nomad lifestyle para lamang maiwasan ang toxic niyang mommy na isang maimpluwensiyang businesswoman. . Ngunit nang malaman niyang ikakasal na ito sa isang lalaking higit na mas bata kaysa rito, agad siyang napauwi ng bansa. . Hindi niya inasahan na kahit siya ay ma-a-attract sa napaka-guwapo nitong fiancé na pitong taon lamang ang tanda sa kanya. . Inakit niya ito para mas lalong galitin ang kanyang mommy. . Pero nag-backfire ang plano niya dahil unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito at nalaman niyang hindi lamang ito isang ordinaryong poolboy. . May masama itong binabalak sa pamilya nila!
like
bc
The Billionaire's Slave [SPG] Filipino
Updated at Apr 30, 2024, 13:28
Athena is desperate to save her family's business. Wala na siyang ibang malapitan kundi si Jeric, ang dating tauhan ng hacienda nila, na naging ex niya. Ngunit abot hanggang langit ang pagkamuhi nito sa kanya dahil anak siya ng pumatay sa pamilya nito. Jeric agrees to help her save the hacienda on one condition: she will become his slave. Willing ba siyang lunukin ang pride para lang maisalba ang negosyo? O willing ba siyang magpa-alipin dahil matagal na rin siyang nangulila rito?
like