Bewitched Attorney (Entice Series 2)Updated at Mar 30, 2026, 09:14
Ang buhay ni Cherry ay tila sinumpa ng kamalasan... Mangkukulam daw ang kaniyang ina at maraming tao ang napasama nito sa gayuma—kasama na si Cherry na iginayuma sa isang lalaki. Hindi siya kailanman naniwala sa ina, naisip niya ay nabaliw na lamang ito sa matinding kalungkutan mula nang mamatay ang kaniyang asawa, ang ama ni Cherry.
Pero paano kung ang imposibleng bagay ay magiging totoo?
Hindi kailanman pumasok sa isipan ni Cherry na paniniwalaan niya ang sinasabi ng ina... Pero nakulam nga siya—sa isang lalaking hindi niya inaasahan, hindi niya pinili. Hindi siya tulad ng karaniwang babae na tahimik at hindi makabasag pinggan, mahilig siya sa lalaki, matigas ang ulo, sya ay isang ligaw na espiritu. Kaya ang pananabik niya sa lalaking iyon ay dapat lang niyang balewalain. Ngunit habang dumaraan ang mga araw at gabi, kumpara sa mga lalaking nakasama niya, unti-unti siyang nahuhulog kay Liveuxx Amuelo Buenaventura.
Hindi dapat mangyari ito.
Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili—gawa-gawa lang ang sumpa, kathang-isip, kasinungalingan. Paano niya tatanggapin ang sumpang ito kung siya mismo ang pinakamalaking dahilan ng kaniyang pag-aalinlangan?
Ngunit ang hindi niya alam, nasa palad na pala siya ng lalaki mula pa noong una. Nilalaro siya. Pinaikot. Ginawang alipin ng sariling damdamin.
Walang sumpa sa mundo ang makakatumbas sa sakit na dinanas niya—sa pagiging laruan ng mga taong may kapangyarihan, ng mga taong walang konsensya.
Paano niya mababawi ang buhay na ninakaw ng sumpang ito?
Paano niya kakalimutan ang lalaking sumira—at sabay namang nagligtas—sa kaniya?