Hey! ITSMEJENNALYN one of the aspiring writer. I love lavender color and love to write and imagine some random thoughts and wrote it to my notes. I want my peaceful alone time when I\'m writing while listening to music that I love. Love Lots 💜
Noelle Santarin, isang mahirap at hindi nakatapos sa pag-aaral. Kinupkop siya ni Beth Santarin, hindi niya tunay na magulang. Nagtatrabaho siya sa mga part time jobs na nakikita niya para kahit papaano makabawi rito sa pagpapalaki sa kanya. Gusto rin niyang makatulong sa mga gastusin sa bahay at makaipon na rin para sa kanyang pag-aaral. Gusto niyang makatapos ngunit hindi iyon madali dahil hindi na kayang tustusan ng ina inahan niya ang martikula sa kolehiyo. Isa itong GRO sa isang club sa Subic at gusto siya nitong ibenta sa isa sa mga kliyente nito. Hindi pumayag si Noelle at pinakiusapan ang ina inahan ngunit para itong bingi na hindi pinakikinggan ang kanyang mga pakiusap. Tumakas si Noelle upang makalayo ngunit pinasundan siya ng matandang lalake na bibili sa kanya, ang kliyente ng ina inahan. Ngunit natagpuan na lamang niya ang sariling katabi ang lalakeng estrangherong walang saplot na kahit na ano sa katawan.
Daver Mclarenz, isang business man. Hindi nakaranas ng paghihirap kailanman. Lahat ng gustuhin niya ay napapasakanya. Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig, ika nga nila. Para sa binata lahat ng bagay ay nabibili ng salapi at walang pinagkaiba doon ang isang tao.
A Novel By:
ITSMEJENNALYN
Napunta si Patty sa bahay ampunan noong siya'y apat na taong gulang pa lamang. Hindi siya nakikihalo-bilo sa iba. Lagi lamang siyang nag-iisa, takot sa tao dahil na rin sa pambu-bully ng ibang bata. Nakilala niya roon si Gelo, isang batang lalake na orphan din na tulad niya. Madalas siyang iligtas nito sa mga nambu-bully sa kanya dahilan para mapalapit siya rito. Unti-unti na siyang sumasaya ngunit bigla naman may umampon sa kanya. Maraming taon ang lumipas ngunit hindi pa rin niya ito nakakalimutan dahil nangako ito noon na ano man ang mangyare magkikita pa rin sila.
Nang magdesisyon ang mga magulang na umampon sa kanya na doon na sila manirahan sa manila, kinailangan din tuloy niyang magtransfer sa school doon. At doon nakilala niya si Prince, one of the Zairin's heartthrob. The serious looking guy na kung makatingin ay para kang tutunawin sa mga titig nito. After he saved her sa mga nambu-bully sa kanya sa campus lagi na niya itong tinitingnan at hindi niya mapigilan na isiping si Gelo ito. The way he speak, he move at kung paano ito ngumiti para talaga itong si Gelo. Ngunit ang binata na mismo ang nagsabi na wala siyang nakilala na Patty ang pangalan noon at hindi ito napunta sa orphanage. Nasaktan siya dahil umasa siyang natagpuan na niya si Gelo. Until makilala rin niya si Renz, ang isa sa masungit noon sa Zairin Department. Ang sabi allergy ito sa babae pero bakit lumalapit ito sa kanya? May mga pagkakataon na inaakala rin niyang si Gelo ito dahil sa napakabait nito. Naguguluhan na siya, sino nga ba kay Prince at Renz si Gelo? Hindi niya namalayan nakapalagayan na niya ito ng loob at iyon din ang simula ng mga panaginip niya. Para siyang hina-hunting ng nakaraan ng iba.
Story by
ITSMEJENNALYN