Hinangad ni Vera na maikasal sa anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ama. Bata pa lamang siya ay gusto na niya si Jandrick Fedelicio, ngunit umalis ito ng bansa at nag-aral sa America, kaya naman ngayong pareho na silang tapos na sa pag-aaral at nakabalik na ang lalaki sa bansa ay hindi na mapalagay si Vera.