SabawUpdated at Nov 20, 2022, 18:20
(metro manila urban legend series)
(Part 1)
"Okay!"
Yan ang madalas na binibigkas ni kuya Nards tuwing humihingi kami ng dagdag na sabaw sa tinitinda nyang pares. Dinadayo at pinipilahan ang paresan ni Kuya Nards, yung iba ay nag papadeliver pa nga sa kanila mismong opisina para lang matikman ang sikat na sikat at ubod ng sarap na pares ni kuya.
Nasa mismong tapat ng farmers market sa cubao ang kariton ni kuya Nards na pinaglalagyan neto ng dalawang malalaking kaldero. Isa para sa pares nya at ang isa naman ay para sa sinangag nyang kanin na saktong sakto naman na kapares ng pares.
Yun ay nung nag sisimula palang sya noon. kalaonan ay may sarili ng stall at maayus na pwesto si Kuya Nards. halos lahat ng tiga cubao ay kilala ang pares ni kuya Nards, bukod sa mura at napakasarap, eh para bang may ibang kakaibang lasa ang pares na sa sobrang linamnam ay babalikan mo talaga. Lalong hindi madamot sa sabaw at laman si Kuya Nards, minsan pag humihingi ako ng sabaw kay kuya eh dinadagdagan na neto ng laman o taba kaya nakakatatlong kanin ako kapag kumakain ako sa paresan nya.
hanggang sa nagkaroon narin ito ng sarili nyang mga trabahador, una ay isa lang na kamag anak nya ang kinuha nyang makakatulong sa kanya. Madami ngang nagkakagusto dun sa pamankin nya na yun, maganda kasi at mabait kaya lalo pang dumarami ang mga bumili at tumatangkilik sa paresan nya. Karamihan kasi sa mga bumili ay gustong makilala sya.
Unang beses kong nakita ang pamankin nya eh parang nagkagusto nako agad sa kanya, kaya mas napapadalas ang kain ko sa paresan ni kuya. kahit walang pasok noon ay pumupunta ako. sa pag babakasakaling makilala ko na ang pamankin nya, pero matindi ang pag bantay ni kuya Nards doon. kahit yung mga matatagal nya ng customer na gustong makilala ang pamankin nya ay hindi nya ito pinapakausap, lagi pa netong sinasabi "Wag ang pamankin ko mga utoy, iba na lang"
Ako nagbabakasakali lang na baka mismo yung pamankin nya ang kumausap sakin. Eh, tyak di ko palalampasin yun.
Mahaba ang buhok neto, balinkinitan ang katawan, morena at makinis ang balat higit sa lahat masipag. Isa talaga syang birhen ika nga. Hindi rin ito masalita lalo sa mga bagong customer, kahit nga saakin na suki nang paresan nila.
"OKAY! sabaw ka pa ba utoy?"
Ang laging sabi ni Kuya Nards sa akin kapag nakikita na neto akong papalapit sa kanya habang dala dala ang mankok ng pares na binili ko.
"Opo" sagot naman lagi.
At dahil kilala at suki nako nila madalas pang may kasamang laman ang sabaw na nililibre na ni kuya Nards sakin. Hindi nako nag rereklamo libre eh.
Yun naman ang trabaho ng pamankin ni kuya nards, tiga salin ng sabaw at si kuya Nards naman ang nag seserve sa mga customer nila.
Ang ganda talaga ng muka ng pamankin nya, lagi lang itong naka ngiti habang nag sasalin ng sabaw. lalo naman akong nabibighani.
Isang beses, ginabi na ako sa trabaho ko at saktong nagugutom narin ako sa mga oras na yun. pag baba ko ng opisina ay nakita kong bukas pa ang paresan ni Kuya Nards. kaya naisip ko na dun na lamang kumain para matutulog na lang ako pag kauwi ko.
sakto naman na wala si kuya Nards noon dun at ako lang ang customer nila, at halatang mag sasara na sila kasi may mga lamesa ng nakaligpit. Pero may natitira pang lamesa doon na hindi pa nagagalaw, andun parin kasnakapatong ang mga pang timpla sa pares.
"Hi ate, pwede pa po bang kumain?" tanong ko sa pamankin ni Kuya Nards.
"Wala pong kanin eh, mami na lang po" malambing na sagot neto.
"Okay lang po, kahit sabaw na nga lang eh kakain parin ako napakasarap naman kasi ng pares ng Tiyuhin mo. Ano kayang secret ingredients nya dyan." puri ko naman sa pares ng tito nya, pero nakakagulat kasi biglang nanlaki mata neto at natigilan.
"Miss okay ka lang?" nag aalalag tanong ko.
"Ah, Opo wait po handa ko na po yung pares mami nyu" sabi neto sabay punta sa malaking kaldero na nakapwesto malapit sa kaha de yero.
Umupo nako at nilapag ang bag ko sa isang bakanteng upuan at nagsimula ng tanungin sya ng mga tanong na matagal ko ng gustong masagot.
"Umm, Ate ano nga pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Ako po?"
"Ay hindi yung kaldero, anong pangalan ng kaldero nyu?" pabirong sagot ko sa kanya. Na sinundan naman neto ng isang malakas na tawa.
"Mabilis ka lang pala pasayahin." dagdag ko.
"Amor po ang pangalan ko" sagot naman neto habang naka ngiti.
"Bagay pala sayu Amor means love, diba? ibig sabihin mahal, at mamahalin at karapatdapat mahalin" naks pati ako napa ngiwi sa pick up line ko, sagwa.
Napangiti lang ito at hinawi ang buhok patungo sa tenga nya. may balat pala sya kaliwang kamay nya. hindi ko dati napansin yun. Sa pagkakaalala ko wala syang balat o kahit anong marka sa katawan.
"Aba utoy! andito kapa pala hindi ka pa nakakauwi, over time kaba?" biglang bungad ni Kuya Nards na ikinagulat ko naman, hindi ko malaman kung saan naman sya nangaling.