Paano kung ang isang natatanging diwata ay umibig sa isang kalahating engkantado at kalahating ahas na siyang nakatakdang pumatay sa kanya? Paano nila ipaglalaban ang pagmamahalang ipinagbabawal?
Namulat sina Aurea at Hideon sa hidwaan ng kanilang mga lahi. Mula sa mabuting pagkakaibigan ng mga ito ay sumiklab ang apoy ng galit nang dahil sa isang nabigong pag-ibig. At nang dahil doon ay kapwa sila sabik sa kalayaan at katahimikan.
Ipaglalaban nila ang pag-ibig sa kabila ng maraming balakid. Patutunayan nila na anumang sugat ng hidwaan ay hahaplusin at paghihilumin ng pagmamahal.
Maipapanalo ba nila ang digmaan kung ang kanilang mga lahi ang magkalaban?
Ang pagmamahalan kaya nila'y saan ang hantungan?
Isang mabuting reyna na ang hangad lamang ay kasaganaan at katahimikan sa lupaing kaniyang nasasakupan.
Isang ipinatapong reyna dahil sa kasakiman at malaking pagkakasala na mangangahas guluhin ang Safferia at angkinin ang lahat ng tinatamasa ng reyna nito, lalo na ang bantog na korona.
Isang magpapanggap na dayuhan upang isalba ang Safferia sa pananakop at kadiliman—upang mahanap ang naglahong kaharian at tuklasin ang misteryong bumabalot dito.
Magtatagumpay kaya sila sa kanilang mga hangarin? Saan sila dadalhin ng tadhanang pinili nilang tahakin? Ano ang kapalarang naghihintay sa tatlong reyna?
Sino ang pipiliin ng pag-aagawang korona?
Kaba ang dulot ng tahimik na gabi, sapagkat bangungot ang naghihintay sa bawat pagtulog. Sa dilim ay nagkukubli ang mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon upang pasukin ang mga panaginip at balutin ito ng lagim.
Paano ko nga ba haharapin ang aking dinaranas na takot sa reyalidad at panaginip?
Matatakasan ko pa kaya ang aking mga hindi inaasahang panauhin?
Ikaw, handa ka na ba? Huwag kang pipikit.