Kioku AcademyUpdated at Dec 28, 2020, 04:50
Siya si Hellize Blythe Zion, isa sa mga Mahou yūzā o tinatawag na magic user na nabibilang sa mundong tinatawag nilang Vlenataria. Siya'y nagtataglay ng iba't-ibang Mahou, at nangangahulugang siya'y kakaiba. Kung ang iba ay sinasabing maswerte siya, ngunit ibahin mo ang nagmamay-ari mismo ng iba't-ibang mahou. Sinasabi niyang isang malaking kabaligtaran ang iniisip ng ibang tao sa kaniya. Sapagkat dahil sa sariling mahou, isang trahedyang naganap at nag-iba ng kaniyang buhay. Sa madaling salita, hindi niya gusto ang mga kapangyarihang kaniyang tinataglay.
Isang paaralan ang magbabago sa kaniyang kapalaran.
Ang KIOKU ACADEMY...
Inilihim ang sariling mahou sa iba. Siya'y makakahanap ng mga tunay na kaibigan at mga taong magmamahal sa kaniya. Pansamantalang sasaya ang buhay niya na siya'y hiniling ng matagal, ngunit ang lahat ng iyon ay may kapalit. May mga taong lilitaw na lamang na hindi inaasahan, may mga tagong sikreto at lihim na siya'y mabubunyag. Isa-isa masasagot ang mga katanungan sa kaniyang isipan, at higit sa lahat may mga taong masasaktan at isasakripisyo ang kanilang sarili para lamang sa kaligtasan niya.
Bakit nga ba ganito ang kaniyang kapalaran?
Hanggang saan kaya matatapos ang kaniyang paghihirap?
Isang buhay nga ba ang isasakripisyo para sa kaligtasang ng lahat?
Isa lang ang kaniyang masasabi, tungkol sa kaniyang sariling mga kapangyarihan. It's a ...
Curse...