Story By JhenBarbie
author-avatar

JhenBarbie

ABOUTquote
Frustrated Writer
bc
Don't Say Goodbye
Updated at Oct 16, 2020, 00:06
Hindi naging maganda ang unang beses na nakita ni Chann si Rence. Lalo namang hindi naging maganda ang una nilang pag-uusap, kaya maging ang ikalawa, ikatlo, ikaapat at ang mga sumunod pa hindi rin naging maganda at hindi na yata magiging maganda. Animo'y aso't pusa sa tuwing magkasama ang dalawa. Walang usapan na hindi nauuwi sa asaran, pikonan, barahan at singhalan, tila walang katahimikan kapag silang dalawa ang nagkasama. Naiinis kasi si Chann kay Rence dahil sa kulit at lakas nitong mang asar. Isang araw, nagkaroon sila ng proyekto sa eskwela at sa hindi inaasahan, si Rence pa ang naging kapares ni Chann. Sa dinami-rami ng kanyang mabubunot bakit si Rence pa? Dahil sa proyektong iyon ay kinailangan nilang magkasama ng dalawang linggo na siyang kinainis ni Chann. Sa loob ng dalawang linggong iyon, parati silang magkasama dahilan para mas makilala ang isa't-isa. At sa hindi inaasahan ni Chann, unti-unti na rin palang nahuhulog ang kanyang loob kay Rence, bagay na hindi niya matanggap at magawang paniwalaan dahil bukod sa mapang-asar si Rence at tila wala nang sinasabing tama, para sa kanya 'There is no such things as love at first sight. Imposibleng mahulog sa isang tao sa loob lamang ng maikling panahon'. Naiinis man siya kay Rence, pero hindi niya maitatanggi na nakahanap siya ng kakampi, kaasaran, kaaway, kaibigan at sandalan rito. Mitatago ba ng paniniwala ang tunay niyang nararamdaman o mababago ang kaniyang pinaniniwalaan dahil tuluyan na siyang nahulog sa bitag ng hindi inaasahang pag-ibig sa hindi inaasahang tao?
like