Nagulo ang nananahimik na mundo ni Cleo nang itakda ng lolo niya ang kanyang kasal sa isang estrangherong lalaki, kay Calyx Lee na sa unang kita pa lang niya ay hindi na niya pinangarap na mahalin at makasama habang buhay.
Ngunit ang lahat ay tila batas na kailangan niyang sundin.
Ipinasya niyang tutulan iyon ngunit habang gumagawa siya ng paraan upang hindi matuloy ang kasal nila ay tila unti-unti namang nahuhulog ang loob niya rito hanggang sa ang tadhana na ang gagawa ng paraan para sa kanilang dalawa. Magaganap ang isang pangyayaring babaliktad sa kasalukuyang sitwasyon at susubok sa kanilang damdamin.
Hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa emosyong pilit na pinaglalabanan ng kanilang mga pusong nasaktan at nakalimot?