Galit na galit ako ngayong araw na ito. particularly sa isang tao or rather sa isang stupidyante. Bakit ako galit? kinuha lang naman niya sa akin ang isang napakahalagang bagay na iyon, na ibibigay ko lang naman sana sa aking future husband. Pero anong nangyari? nawala na lang ng ganon ganon lang at sa isang babae pa. Magbabayad talaga siya. kulang pang kabayaran ang sampal ko sa kanya. Kulang na kulang pa iyon.
Paano kung isang araw ang tahimik mong buhay ay biglang nagbago?Paano kung malaman mo na pinagkasundo ka pa lang ipakasal ng parents mo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo?Paano kung malaman mo rin na hindi lang siya basta babae kung hindi isa mo rin syang Professor?Makaya mo kayang tumira sa iisang bubong na kasama ang isang Ms. Jane San Gabriel na ayon nga sa iyo ay pinsan ni satanas?
Ako si Daniel Montenegro isang kilalang Nerd na cute sa school na pinapasukan ko ngayon. Palagi ako ang target ng mga bully na sikat sa school na pinapangunahan ni Kathryn Monte Falco. Isa siyang Queen bee daw kuno at walang pwede na sumalungat sa mga gusto nito dahil para sa kanya siya ang Reyna ng mga bubuyog este ng Campus kaya kung gusto mo na maging matiwasay ang iyong buhay habang nag aaral ka pa lang ay huwag na huwag mong naisin pa na kalabanin ito. Samantala, ang aking mga papansin na magulang ay bigla na lang nalagyan ng tubig sa utak kaya naisipan nilang ipagkasundo ako na ipakasal sa daredevil na ito na wala ng ginawang mabuti sa buhay ko. Makakaya ko bang makisama sa katulad nito o hihilingin ko na lang sa aking mga magulang na tanggalan na lang nila ako ng mana at ipamigay na lang sa charity ang mamanahin ko na multi billion pesos mula sa kanila. Kaysa ang makasama ang isang katulad nito.
Lauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya.
Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor.