Isang araw, nagising na lamang si Darent sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog, at pansin ang ‘di pamilyar na silid. Mga pintuan at bintana’y selyado. Mga salitang nakasulat sa dingding lamang ang tumambad sa kaniya. Saad nito, “Tumakas ka sa silid na ito sa loob ng isang oras, kung hindi’y mamatay ka.”