•••Let God takes the path. Challenges are elsewhere, but be strong enough to handle things. You can\'t be on your own, let God be with you through ups and downs. Keep a good fight with God•••
Hindi mo masasabi ang nakatadhana sa'yo. Minsan, sa buhay, babalik at babalik ka sa tadhana mula sa iyong nakaraan. Nakakalungkot mang isipin pero nandito tayo sa mundo upang masaktan at humarap sa pagsubok ng buhay. Hindi mo alam kung saan kang lupalok ng mundo dadalhin ng iyong mga paa. Kahit anong pagsubok pa 'yan, mabuhay ka lang sa mundong puno ng pagsubok at sakit na mararamdaman. Sa paglipas ng araw, makikita mo na kahit anong lakad mo sa mundong ibabaw, babalik at babalik ka sa mundong dati mo nang nilayuan. At sa kabila ng lahat ng pasakit na iyong natamo, maririnig mo ang mga salitang, "Nandito lang Ako".