Eto ang aking kwento. Ako si Merlow. Pinanganak ng normal pero hindi naman ako talaga normal dahil galing ako sa isang pamilyang makapangyarihan. Minsan naiisip ko kung tama ba na dito ako pinanganak sa mundong puno ng paghihinagpis at gulo. Sinabi kong makapangyarihan kasi nagtataglay ng kakaibang abilidad ang aking pamilya. Hindi kami normal na tao. Kami ang tinatawag na mangkukulam o kaya mga halimaw o kaya mga mutant or superhero. Ewan ko ba sa mga tao, pero ang totoo nyan kilala ang pamilya namin kahit sa politika o business. Maraming nag aagam agam at maraming tsismis na maririnig sa paligid, pero ang masasabi ko lang hindi sila totoo at hindi rin sila mali. Totoong may kapangyarihan kami pero hindi namin yun ginagamit ng basta basta.. Akala ko sa aming angkan ay isa ako sa mga hindi pinalad na hindi mabigyan ng kapangyarihan.. Hindi pala ganun yun..