Story By MiRose28
author-avatar

MiRose28

ABOUTquote
Proverbs 14:29 Whoever is patient has great understanding,     but one who is quick-tempered displays folly.
bc
Unexpected Claim
Updated at Jan 24, 2022, 09:48
Hindi inaasahan ni Lesya na mapapalapit siya sa inarugang hindi kilalang lalaki. Malaking palaisipan ang pagkatao nito at handang handa naman siyang tulungan ito sa abot ng makakaya. Lalo pa sa kondisyon nitong hindi maipaliwanag kung bakit bumalik ang isipan sa pagkabata. Sa awa ay napilitan niya itong kupkupin at unti unti na ring napamahal rito hanggang nagkamabutihan sa huli.. Pagkatapos nga naman ng unang trahedya ay may sumunod pa na trahedya. Sa puntong iyon, makakaya niya kaya itong pakawalan o gagawin ang lahat mapanatili niya lamang sa buhay niya? Gayong ang sitwasyon ay so-near-yet-so-far!
like
bc
me
Updated at Jan 24, 2022, 08:50
"Ayaw ko busy ako." "Pahahatid lang eh!" "Hindi ka ba makaalis ng mag-isa para magpahatid pa sakin. Malapit lang yun. Para masanay kana." "Mainit nga kasi, dadaanan ka naman doon. Ayaw mo pa akong isabay."pagmamaktol niya. Biglang naisip ni Lovenia. "Kay kuya Jude nalang kuya. Tawagin mo baka pwede siya." "Hindi pwede, guguluhin mo pa yung tao." "Alam ko! Pero subukan mong tanungin kung okay lang kay kuya Jude."++ "Pare, busy ka ba?....ayos. Nagpapababysit itong kapatid ko, nagiisip bata nanaman—" "Kuya Jude! Pedeng pahatid? Please. Si kuya nakakainis, nagpapahatid lang naman ako. Dadaanan naman siya dun. Ayaw niya lanv talaga ako isabay." Napasimangot ako. Inagaw sakin ni kuya ang phone niya. "Talaga? Sensya ka na sa kapatid ko 'bigan!" Pinatay niya ang tawag. "Pasalamat ka sadyang maawain si Jude. Hahatid ka daw. Mag-ayos kana." 'Hmp!'
like