Story By Hanako-kun
author-avatar

Hanako-kun

ABOUTquote
Give up your dreams and die. -Levi Ackerman That’s my favorite line from my baby Levi. So, hello guys... I’m Hanako-kun, a writer from the toilet. Lol. So please support me so that I can renovate my toilet. Hanako is sad since no one visiting his toilet for a wish. Guys! I still exist! Lol. Since no one likes to visit me at midnight, I decide to write for you guys. Lmfao...
bc
When Everyone Doesn’t Know Cahliee
Updated at Dec 3, 2021, 03:08
May pares ng asul ngunit mala kristal na mga mata. Balat niyang kay kinis at may balangkinitang pangangatawan. Ang mahaba ngunit maalon niyang ginintuang kulay-kapeng buhok na umaabot sa kanyang bewang. Napakaamo ng kaniyang mukha na para ba siyang isang anghel na bumaba mula sa kalangitan. Marami ang nahuhumaling sa taglay niyang kagandahan. Ngunit, sa malaanghel niyang mukha'y walang emosyon ang siyang bumabahid. Sino nga ba siya?... Siya si Cahliee Aristia Arbelaez, isang banyaga na inampon ng mag-asawang Arbelaez at kababata naman ni Adryan Than Feralgo. Pitong taon na ang nakakaraan nang magkrus ang landas ni Adryan at Cahliee nang lumipat ito sa eskwelahan ng binata. Hindi lang iyon, nang magkataong ding magkaibigan ang kanilang mga magulang. Naging malapit silang dalawa sa isa't isa kalaunan. Si Adryan ay tumayong kaibigan at tagabantay ni Cahliee dahil na din sa pagiging kakaiba ni Cahliee sa lahat. Ngunit hindi din nagtagal, sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Sa loob ng pitong taon ay hindi man lang nagawang makilala ni Adryan kung sino nga ba si Cahliee. Matapos ang trahedyang nangyari tatlong taon ang nakalilipas... nagkaroon ng distansya sa kanilang dalawa. Ang malalahanin at maunawain na si Adryan kay Cahliee ay ngayon napalitan ng poot at galit. Ano nga ba ang dahilan?... Tatlong taon din ang nakakalipas nang lumisan si Cahliee at bumalik sa London. Ngunit dahil sa isang trahedyang nangyari doon ay muli siyang bumalik sa Pilipinas. Muling nagkita ang dalawa at ang mas nakakabahala ay kasalukuyan munang titira si Cahliee sa puder ni Adryan bilang kasunduan sa kanyang ina. Ano ngayon ang mangyayari ngayong muling nakasama ni Adryan ang taong nagbigay sa kanya ng bangungot?... Mapapatawad ba ni Adryan si Cahliee o mananatili itong magtatanim ng sama ng loob?... Sa muling pagbalik ni Cahliee, malaking pagbabago ang kanyang mararanasan. At sa pagbabagong iyon ay sino ang tunay na kikilala sa kanya?...
like