Story By Yna Florencia
author-avatar

Yna Florencia

ABOUTquote
I 'am a Pilipino writer (taglish). I love to read, and I also love to write. Isa sa mga pangarap ko ay maging mahusay na writer. " Dont worry about the delay of your success compare to others, because construction of palace takes more time than the ordinary building." STORIES Memories of First (Book 1 of Zaina Jhin Trilogy)( Free and Completed) Greatest Mistake (Book 2 of Zaina Jhin Trilogy)(PTR and Completed Starting Forever Now (Book 3 of Zaina Jhin Trilogy) (Free and On-going) my email accounts joyceann29@gmail.com misxjhoyce29@gmail.com
bc
Memories of First (Book 1 of Zaina Jhin Trilogy)
Updated at Feb 15, 2022, 17:44
Minsan hindi naman talaga ang masakit na karanasan ang nagpapaluha sa atin, kundi ang katotohanang kailanman ay hindi na maaaring balikan ang nakaraan.Hindi na kailanman mababawi ang mga oras na nasayang at hindi na rin maibabalik ang masasayang alaala na siyang minsang nagpangiti sa atin. Zaina Jhin Cruz, isang matapang at responsableng dalaga, mapagmahal na anak at kapatid.Mabuting kaibigan at may mataas na pangarap sa buhay.Ang babaeng matigas ang kalooban subalit madaling palambutin ng mga taong kanyang minamahal. Sa murang edad pa lamang ay nakita na niya ang totoong hirap ng buhay lalo pa at pinanganak siya sa mahirap.Kayat kahit bata pa lamang ay inatang na niya sa kanyang sarili ang isang responsibilidad na iahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.Subalit hindi ito naging madali sapagkat sinubok ng panahon ang kanyang katatagan at doon ay naranasan ang lahat ng paghihirap sa buhay.Buti na lamang ay nariyan si Jude Maikko, ang kanyang kaibigan at kaagapay sa lahat ng hirap mula pa noong bata sila. Kay JM naranasan ni Ina ang lahat ng una sa buhay niya.Ito ang kanyang unang crush,kaholding hands, unang nagpakilig,nagprotekta ,nag alaga at higit sa lahat ang unang minahal. Nanatili is JM sa tabi niya sa kahit anong pagkakataon, at sabay silang nangarap ng magandang buhay balang araw.Nangako rin sila sa isat isa na hindi maghihiwalay at magtutulungan upang makamit ang kanilang mga pangarap. Subalit ang tadhana ay sadyang mapaglaro.Kapwa sila pinaglaruan at sinubok na paghiwalayin.Ang isa ay pilit lumalaban habang ang isa naman ay mas inuna ang kaniyang priority sa buhay.Kapwa nagkamali sa mga desisyon at sa huling laro ni tadhana sa kanilang buhay ay masusubok ang tunay na tatag ng kanilang samahan at pagmamahalan. Paano kung ang lahat ng binuo niyong pangarap at pangako ay tila bigla na lamang naglaho at kung kailan handa kanang harapin ang pagkakamali mo ay huli na ang lahat? Mananatili na lamang ba itong alaala ?
like
bc
Greatest Mistake (Book 2 of Zaina Jhin Trilogy)
Updated at Feb 24, 2023, 06:34
Paano magmomove on sa isang relasyong alam niyong hindi man lang natuldukan. Mahirap ang umasa sa isang taong hindi natin alam kung babalik pa ba. Mahirap mag mahal ng isang taong puno ng lihim at mahirap iparamdam ang pagmamahal kung sasamahan ito ng paglilihim. Mahirap magmahal kung durog at pagod ang iyong puso. Isa lamang naman ang nais ni Zaina Jhin ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya kayat palagi niyang pinapaikot ang mundo niya sa mga taong mahal niya. Labis siya kung magmahal, bigay lahat lahat, ubos kung ubos. Hindi siya nagtitira para sa sarili kayat kung masaktan ay sobrang lalim. Mula pagkabata ay tanging mahalin at manatili sa tabi ng babaeng minamahal ang tanging nais ni Jude Maikko. Handa siyang maghintay alang alang sa sinumpaang pagmamahalan at pangakong pilit pinaniniwalan. Pag ibig, isang makapangyarihang tunay, kaya kang pasayahin sa isang iglap lamang. Subalit ang pag ibig din minsan ang siyang maghahatid patungo sa mga pagkakamali. Dalawang taong pilit sinusubok ng tadhana. Sino ang bibitaw, sino ang kakapit?
like
bc
You're Still The One
Updated at Jan 5, 2023, 00:37
Makalipas ang maraming taon,nagpasya nang bumalik si Hanna sa lugar na iniwan niya noon upang tumakas. Sa kanyang pagbabalik ay muli silang magkikita ng lalaking minsan na niyang minahal at minsan naring nanakit sa kanyang damdamin. I still love you". ito ang katagang narinig niya mula sa lalaking iyon matapos nilang magkita ulit. Ilang taon ang ginugol niya upang makalimot ngunit sa muli nilang pagkikita ay isang damdamin ang nagbabalik. Kasabay nito ang pagkabunyag ng mga lihim. Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita? Masasayang lang ba ang mga taon na inubos niya upang makalimot? Magiging maligaya na kaya ang pusong minsan ng nasaktan o mauulit lamang ang nakaraan?
like
bc
Starting Forever Now (Book 3 of Zaina Jhin Trilogy)
Updated at Dec 17, 2022, 06:27
Ever since pagkabata ay sinubok na nang panahon si Ina. Lahat nang paghihirap sa buhay ay kanyang pinagdaanan. Mahirap ngunit lahat iyon ay pinilit niyang lagpasan para lamang magpatuloy sa buhay. It all starts with her sweet memories of first. Ang bawat magaganda at malulungkot na alaala na dala nang kanyang kabataan. Mga alaala na siyang tumulong sa kanya upang patuloy na mangarap. Until she made a lot of mistakes, she used every lesson she gained from it until she became a better person. Zaina Jhin tried to pursue all her dreams, to help her family have a better life. She even sacrifices her happiness for the sake of her family. Pero sabi nga nila, kapag may tyaga ay may nilaga. Lahat nang pagsisikap at pagsasakripisyo ni Ina ay matatapos na. Maaari na rin niyang piliin ang tunay at karapat dapat para sa kanya. “Mula pagkabata, alam ko na sa sarili ko na ikaw na talaga. I tried to stay by your side. I wish I was there all the times to help and to show how much I really love you. Pero sadyang kalaban natin si pareng tadhana, pilit siyang namamagitan sa atin. All I want is to see you reach all your dreams because I know that makes you happy. Mahal ko remember this, ilang taon man ang lumipas, pilit man tayong paghiwalayin nang pagkakataon, you will always be in my heart. Ina, mahal na mahal kita, my first love,” JM “I don’t know but I found myself inlove with you the moment I saw you. Para bang noon pa man ay nandito kana sa puso ko. Sinubukan kong ipaglaban ka kahit alam kong mali na. Ina, I’m really sorry if I made a mistake, but I want you to know that I really love you,” Jai “Noon pa man ay gusto na kita. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil batid kong mas mahal mo siya, na mas liligaya ka sa kanya. Handa akong manatili sa tabi mo hanggat kailangan mo ako. Ina, remember that it’s not my feelings that matters, it’s about yours. All I want is you to be happy, because I love you,” Jovann Tatlong lalaki, tatlong pag ibig. Iba’t iba nang pagkatao, iba iba nang paraan nang pagmamahal. Kapwa naglaan nang pag ibig para kay Ina ngunit tanging isa lamang ang karapat dapat at siyang dapat manatili. Ngunit sino nga ba ang siyang mangingibabaw sa puso ni Ina? Sino sa kanilang tatlo ang siyang karapat dapat at tunay na nagmamahal kay Ina? Who will be the man that stays on Zaina Jhin’s side and be with her to start their forever?
like
bc
Beauty and the Ghost
Updated at May 4, 2021, 23:14
Nagising si Cheska ng may magandang ngiti sa labi matapos makita ang mga petals ng red rose sa kanyang kama at buong kwarto niya.Doon ay nakita niya si Migs na may hawak ng isang red rose at nakangiting papalapit sa kanya.Sobrang saya ang nadarama niya ng mga panahong iyon ng bigla na lamang ito napalitan ng takot. "Migs anong nangyayari sayo?" natatakot niyang tanong "Hindi ko alam." natatakot naring sagot ni Migs habang pinag mamasdan ang unti unti ng pagkawala ng kanyang mga kamay. Nagmamadaling tumayo si Cheska upang lumapit kay Migs subalit huli na ang lahat. "Oh my god! Migs!! Hindi ito maaari!" nanginginig na sigaw ni Cheska Tuluyan na ngang naglayo sa mga paningin ni Cheska si Migs, naiwan siyang lumuluha habang naguguluhan sa mga pangyayaring naganap.
like