Sacrifice For LoveUpdated at Feb 5, 2023, 23:31
Ako si Warren De Guzman, panganay
sa limang magkakapatid, 17 years old ako
ng ako ay makulong , hanggang ngayon ay
natatandaan ko pa rin ang nangyari ng
gabing yun, ang gulo sa pag-itan ng
magkabilang grupo. Magkakasama kami
ng aking kaibigan si Lito ng makita namin
ang grupo ni Lyndon sa isang malaki at
malawak na subdivision na may mga iilan
mga bahay pa lang na nakatayo.
Nakaramdam ako ng panganib para sa
kanila, dahil sa akin kutob ay
sinundan namin sila ng hindi nila nalaman.
Warren bakit natin sila sinusundan?
Wag kang maingay Lito baka mapansin
nila tayo, hindi kase maganda kutob ko.
Hayan kana naman sa kutob mo, alam
mo bang puro kapahamakan lagi ang
dala ng kutob mong iyan.
Tumahimik kana lang pwede.
Nang makarating sila sa gitnang parte
ng subdivision ay may napansin silang
mga grupo ng walong lalaking sa
ginagawang model house. May napansin
silang isang babae na kalakad ng mga ito.
Warren pre umalis na tayo dito, hayaan na
natin sila.
Ano ka ba Lito nandito na tayo kaya
wag ka ngang tanga dyan, sipain ko mukha
gusto mo.
Warren apat lang yan sina Lyndon at isa pa
baka kung mapano tayo dyan.
Pinagmasdan nilang magkaibigan sa di
kalayuan ang magkabilang grupo.
Warren pa Gabi na baka hinahanap na tayo.
Hindi na nya pinansin ang kaibigan at
tuluyan ng nagmamasid kung may ibang
pang kasama ang isang grupo na pumasok
sa ginagawang model house.
Nakita nyang maingat na naglalakad
ang grupo ni Lyndon papasok ng model
house na Yun. Nang mga sumunod na
minuto mga hiyawan at sigawan ang
kanilang narinig , at sigaw ng isang
babae ang kanilang narinig.
Nang malapit na sila sa ginagawang
bahay ay dalawang malakas na putok
ng baril ang kanilang narinig ,
nagkatinginan silang magkaibigan,
Lito bilisan mo , nagmamadali syang
makapasok upang saklolohan
ang grupo ni Lyndon.
Pagpasok nya sa loob ay nakita nya si
Lyndon na nakatutula at may hawak na
baril, ganun din ang mga kasama nito at
ang babaeng kaladkad ng kabilang
grupo.
Tiningnan nya ang lalaking nakahandusay
at alam nyang wala na itong buhay dahil
sa tama ng mga bala sa dibdib nito.
Ang mga kasama naman ng kabilang grupo
ay mga walang malay pero alam nyang
Nakipag buno din ito sa grupo ni Lyndon.
Kinuha nya ang baril kay Lyndon,
Umalis na kayo ng grupo mo Lyndon bilisan
nyo isama nyo na yung babae. Nagising
sa pagkakatulala si Lyndon sa pagkuha
nito sa baril. Nakatulala ang lahat at
para bang hindi pa rin makapaniwala sa
nangyari.
UMALIS NA KAYO BILISAN NYO DAHIL
MAYA-MAYA LANG AY MAY PUPUNTA NA
DITONG MGA SECURITY NG SUBDIVISION
NA ITO.
Lito sumama ka narin hayaan mo akong
mag isa. Lyndon , Bryan , Mark, at Andrew
gusto kong walang makaalam ng dahilan
nito. Ayokong aminin nyo na kayo ang
dahilan ng gulong ito, marami
pa kayong mararating ,hindi gaya
ko na sa baryo lang nakatira at isang
kahig isang tuka. Magpasalamat na
lang kayo dahil walang nangyaring
masama sa inyo dahil mga lasing
na mga ito kaya hindi nila nagawang
makapanlaban ng ayos sa inyo.
Kung maaari umalis na kayo ......
Nang makaalis ang grupo ni Lyndon
kasama ang babae at kaibigang si Lito
ay dumating ang mga security na may
kasamang mga pulis.