Story By Hybie Morta
author-avatar

Hybie Morta

bc
The Last Semester.
Updated at Apr 3, 2026, 09:11
Sa isang Unibersidad may isang babaeng nag ngangalang Dhalia na puno nang pangarap, laging nasa utak nya ang pagtupad ng pangarap nya na maging isang ganap na lisensyadong Enhinyero at magkaroon ng sariling Construction Company. Maganda't matalino sya kaya hindi nakakapagtaka na isa syang Eskolar. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa angkin nya talino, minsan perfect scores pa sa mga major exam tulad ng calculus, Structural at iba pa. Tulad ng karamihan at normal na tao hnd nawawala ang mga hadlang sa mga pangarap, mas masaklap pa maging ang pamilya nito ang hindi nagtitiwala sa kanya, mabuti nalang may mga kaibigan syang tagasuporta tulad nila Nicole, Sophia, Jerico, Nathan at Angel na minsan kasama nya na tumambay sa kung saan saan sa loob ng campus pag vacant hour nila, lalo na malapit sa tennis court, maraming puno kasi at sa ilalim nito may ginawang upuan na gawa sa semento na nakapalibot sa puno. At tulad din ng ibang tao, Nakaramdam din si Dhalia ng sinasabing Pag ibig na muntik ng sumira sa lahat ng pangarap nya, dahan dahang pinapatay nito ang kanya sarili dahil lang sa lalaking kanyang nakilala sa campus na si Joshua, isang tennis player, walang masyadong pumapansin dahil sa hnd kagwapuhan pero may dating. Nagkaroon sila ng relasyon ni Joshua na naging dahilan ng hindi magandang resulta sa unang hakbang sa pagtupad nya sa kanyang mga pangarap.
like