Story By SUMMER BLOOM
author-avatar

SUMMER BLOOM

ABOUTquote
I know you’ve heard it a thousand times before, but it’s true — hard work pays off. If you want to be good, you have to practice, practice, practice. If you don’t love something, then don’t do it.” -Ray Bradbury
bc
THE BILLIONAIRE'S TRUE LOVE
Updated at Oct 12, 2025, 18:14
HUNTER MONDRAGON, isang bilyonaryong hindi naniniwala sa ngalan ng pag-ibig.Galit siya sa lahat ng babae, dahil iniwan siya noon ng girlfriend ng walang sapat na dahilan.Makikilala niya si CELEEN SANTOS na isang hamak na probinsyana.Dahil sa pagkamatay ng kapatid at ang asawa nito ay naulila ang isang musmos na bata.Wala silang nagawa ng dalaga kundi pagtulungang alagaan ito.Noong una, para silang mga aso at pusa, hindi magkasundo sa lahat ng bagay pero sa paglaon, naging komportable na sila sa isat-isa.May mabuo kayang pagmamahalan sa pagitan nila upang mabigyan ng buo at masayang pamilya ang pamangkin?Paano kapag bumalik ang unang babaeng minahal niya ng lubusan?Makakaya ba ng konsensiya niyang iwan na lang ang nakasanayan?
like
bc
ALL THIS TIME
Updated at Dec 17, 2023, 16:52
Ano ang gagawin mo kapag hindi ka tanggap ng pamilya ng taong pinakamamahal mo dahil isa ka lang hamak na dukha?Ipaglalaban mo parin ba ang pagmamahalan niyo o isusuko na lang ito dahil kahit ang tadhana ay mailap para sa inyo? Siya si Isabelle Madrigal, Isang simpleng babae na magmamahal sa nag-iisang tagapagmana ng mga Villegas. Hanggang saan siya kayang ipaglaban at panindigan ng nobyo? Magkaroon kaya ng katiwasayan ang kanilang pagmamahalan? Sampung taon na nakalipas mula noong iwan siya ni Ram ng walang sapat na dahilan, at ngayon na nakabangon na siya mula sa bangungot na iyon, saka naman ito babalik at guguluhin ang tahimik na niyang buhay. Ang masaklap, ito pa ang may ganang magalit at kasuklaman siya pagkatapos lahat ng nangyari. Susugal ba siya ulit sa pag-ibig na iniluluhog nito at iiwan ang  lalaking tumulong sa kaniya na nagparamdam ng totoong pagmamahal? Paano niya iiwasan si Ram kung isang haplos pa lang nito ay nag-iinit na ang buo niyang sistema?
like
bc
TILL I MET YOU
Updated at Oct 3, 2023, 22:46
Siya si Tricia Miranda, maganda, simple, mabait at papangarapin ng isang matinong lalaki na maging may bahay pero sawi naman ito sa pag-ibig. Dahil sa labis na sama ng loob ay napadpad siya sa isang bar at doon niya makikilala ang guwapo at Bilyornaryo na si Jacob Fuentebella. Dahil sa paninibugho ng damdamin, naipagkaloob niya ang sarili dito at nagbunga ang isang gabing pagkakamaling iyon. Paano niya sasabihin at hahanapin ang estrangherong iyon kung ni pangalan nito ay hindi niya alam?  Pagkalipas ng limang taon, muling nag krus ang kanilang landas at nalaman nito ang tungkol sa kanilang anak at pilit inaako ang responsibilidad nito bilang padre de pamilya. Ipagkakait pa ba niya iyon kung ito na ang matagal ng pangarap ng anak, ang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya.  Nakahanda ba nilang isakripisyo ang pansarili nilang kaligayahan para sa anak? May mabuo kayang pagmamahalan sa pagitan nila gayong pareho ng nakatali ang puso nila sa iba?
like