What\'s my secret superpower? -- I can write a beautiful story without relying on a toxic male character or unhealthy settings, providing readers with a thrilling yet stress-free experience, full of exciting chapters they\'ll look forward to. --- KARA NOBELA
Magbibihis pa sana si Mutya ng marinig ang bahagyang pag galaw ni Drake. Nagmamadali nyang dinampot ang tuwalya at itinapis ito sa hubad nyang katawan. Ang nais nya ay makaalis na agad sa kwarto ng amo habang tulog pa ito upang hindi sya nito makita. Mahimbing pa rin ang tulog ni Drake marahil ay epekto ng pampatulog na inihalo sa inumin nito. Isa-isa nyang pinulot ang kanyang mga damit at panloob. Isusuot na lang nya ito mamaya sa pinakamalapit na banyong madadaanan. Nasa resort sila ngayon at kabi-kabila ang palikuran. Ang mahalaga ay makaalis sya habang tulog pa ang amo. Dahan dahan nyang pinihit ang seradura ng pinto upang hindi sya makagawa ng ingay.
Laking gulat na lamang nya dahil hindi pa man nya tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may tumulak na nito mula sa labas kasunod ang maraming kislap at tunog ng camera. Napakaraming reporters sa labas ng pintuan na kinatatayuan nya.
“Miss ikaw ba ang bagong girlfriend ni Drake Rufino?”
“Nasa loob ba sya?”
“Gano na kayo katagal?”
Sunod sunod na katanungan ng mga reporters. Sa takot ay napaurong sya. Hindi nya alam ang gagawin. Napatigil ang dalaga sa pag-urong nang bumangga sya sa matitipunong dibdib mula sa lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Gising na si Drake.
“What’s going on here?” halata sa mukha na bagong gising pa ito. Nakapulupot sa hubo’t hubad nitong katawan ang puting kumot.
17 years old pa lang si Tintin ay crush na crush na niya si Andrew. Nagnurse siya upang mapalapit sa lalaki na noon ay nag-aaral pa lang ng medicine. Hindi lingid sa kaalaman ni Andrew ang nararamdaman ng dalaga sa kanya ngunit masyadong bata pa ang tingin niya dito. Samantalang gagawin ni Tintin ang lahat upang mapa-ibig niya si Andrew ngunit hanggang kailan niya susuyuin ang binata?
Paano kung gusto ka nga niya pero may mahal siyang iba? Yan ang katanungan ni Mira sa kaniyang sarili. Kontento na ba siyang pangalawa lang siya sa puso ng lalaking mahal niya na sa simula't simula pa lang ay naging tapat na sa kaniyang totoong nararamdaman?