Prolouge:
Naglalaro kami ng kaibigan ko sa labas ng bahay namin. Bigla s’yang lumapit sa’kin, at sabay sabi ng “Ate! Ate! Crush ko yung lalaki doon, yung nandoon sa bahay ni ninang Lanie”
“Ha? Saan? Tingin? Gwapo ba?” nacurious ako, syempre baka pogi.
Hinila n’ya ako papunta kung nasaan yung crush n’ya. “Ayun oh! Hihihi ang tangos ng ilong nya”
Pagkakita ko sa lalaki. Eh? Yan ba yung crush nito? Eh kakilala ko yun eh, di naman ako napopogian doon. “Ah oo, kilala ko yan.”
“Ha? Paano mo nakilala?.” Takang tanong nya.
“Dati ko s’yang classmate. Di naman ako napopogian d’yan. Di kami close che.” Ano bayan akala ko naman kung sino, akala ko sobrang pogi. Hays umasa ako doon ah. “Tara laro na tayo.” Saka hila ko sa kanya palayo sa lugar nayon.
Pero hindi ko alam, na sa lalaking yun ako maiinlove ng ganito....