MY FATHER'S WIFEUpdated at Jun 7, 2026, 14:44
⚠️🥵 Read at your own risk.
#LoveMeInChaos
Limang mahabang taon na nanatili si Norlea sa tabi ni Hebrew. Sa lahat ng panahong iyon, ibinigay niya ang kanyang buong puso, nagmamahal, tiwala ng buo, at namumuhay sa pangarap na darating ang araw na paninindigan din siya nito sa harap ng lahat. Hindi bilang palipas oras lang, kundi babaeng minamahal. Ngunit gumuho ang lahat ng inaasam niya ng bigla na lamang siya nitong talikuran at iwanan, upang tumupad sa isang kasal na matagal nang inayos at ipinagkasundo ng pamilya nito kay Rian. Ang sosyalista na maimpluwensya. Wasak ang kanyang pagkatao at puno ng sakit ang kanyang damdamin, ngunit sa halip na magpadala sa lungkot at malugmok sa pagkabigo, pinili niyang bumangon. Nag-aral siya ng mabuti, pinaghusayan ang lahat, at ng makapagtapos, nagtrabaho sa isa sa pinakakilalang kumpanya sa bansa. Hindi niya inaasahan na ang mundong pilit niyang tinatakasan ay siya ring muling hahatak sa kanya pabalik. Dahil ang taong tumanggap, umunawa, at nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa at buhay ay walang iba kundi ang ama mismo ng lalaking sumira sa kanya. Hinangaan at lubos na naniwala ang matandang Saavedra sa talino, katapatan, at dedikasyon ni Norlea sa trabaho at buhay. Labis niyang nakita ang halaga ng dalaga na hindi nakita ng kanyang sariling anak, kaya’t nagpasya itong ibigay sa kanya ang lahat ng meron ito, kabilang na ang buong yaman at pamana ng pamilya, bilang patunay ng kanyang pagmamahal at pagtitiwala sa dalaga. Ngunit hindi pa man nagtatagal ang pananatili ni Norlea bilang ginang at tagapagmana ng mga Saavedra, muling sumulpot at bumalik si Hebrew. Ngayon, sa sarili nilang tahanan, pilit na binubuhay ng lalaki ang mga alaala at damdaming akala ni Norlea ay matagal na niyang inilibing at nakalimutan. Kabit ba talaga siya gaya ng paratang ng marami? O siya ang tunay na minahal at pinahalagahan, habang ang iba ay nagpapanggap lamang na perpekto at karapat-dapat?