Story By Angel Ann C. Vera
author-avatar

Angel Ann C. Vera

bc
My Ex-Boyfriend is my Future Husband?
Updated at Jan 19, 2022, 01:05
Prologue Huwag ipilit ang mga bagay na sa simula pa lang ay hindi na p'wede, dahil ikaw lang naman ang masasaktan sa huli. My name is, Alexes Sandria Viera. Slim body, tall, beautiful, cute, and sexy. Almost perfect beauty. Kenny Mendoza, a tall, dark, and handsome. He is my boyfriend. Nandito ako ngayon sa secret garden na palagi naming pinupuntahan ni, Kenny. Actually pinangalanan namin ito na secret garden dahil dito kami nagkikita ng patago sa mga parents ko dahil pinagbabawalan pa nila ako na magboyfriend dahil ang bata-bata ko pa daw. I am thirteen years old and, Kenny is sixteen years old. “Bhaby, i'm sorry na late ako. Katatapos lang kasi ng exam's ko. Ano ba ang pag-uusapan natin?” sabi nito habang nakangiti. “Kenny, let's end this. Break na tayo.” sabi ko habang nakayuko. Hindi ko kaya ang tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata at baka hindi ko pa masabi ang gustong ipagawa sa akin ng mga magulang ko. “No, Alexes. Hindi ako papayag. Mahal na mahal kita!” sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Halos matunaw ang puso ko at nawawalan ako ng lakas ng loob na ituloy ang pakikipaghiwalay ko kay, Kenny. Naisip ko na tama ang mga magulang ko, kaya lakas loob kong itinulak ito. “Hindi kita mahal, Kenny. Kahit kailan ay hindi kita minahal. Sinagot lang kita dahil gusto ko na makisabay sa mga kaibigan ko na may mga boyfriend na. Pero 'di talaga kita mahal, Kenny. Ginamit lang kita para sumikat ako sa school na 'to at makilala ng lahat ng lahat na ang hinahangaan nang maraming kababaihan, ay ang boyfriend ko,” sabi ko. Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito at ramdam na ramdam ko ang sakit at hapdi na kan'yang nararamdaman. “Damm you, Alexes! Minahal kita nang sobra, pero niloloko mo lang pala ako!” galit na sigaw nito. “Ang sakit-sakit nang ginawa mong 'to sa akin! Alam mo ba na ikaw lang ang babaeng kauna-unahang minahal ko! 'Di ko 'to makakalimutan!” sabi nito sabay tingin sa akin ng masama at umalis na ito. Kasabay ng kaniyang pagtalikod ay ang pagbuhos ng mga luha ko sa aking mga mata na kanina ko pa piniigilang pumatak. Halos hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak ko ng walang tunog. Napaupo ako sa damuhan at napayakap sa aking mga tuhod at umiyak na para bang gusto ko nang maglaho sa mundong ito para hindi ko na maramdaman ang sakit na nadarama ko ngayon. “I'm sorry, Kenny. Mahal na mahal kita, higit pa sa buhay ko pero kailangan ko itong gawin!” sabi ko sa aking isipan habang tinatanaw ang kaniyang paglayo
like