Story By angelrivera2130
author-avatar

angelrivera2130

bc
Ang Estranghero
Updated at Jan 24, 2022, 07:51
Ito ay isang istorya ng isang lalaki na nagngangalang Don na nakakilala ng isang mahiyain at mahinhin na babae na si Tanya habang naghihintay ng bus na masasakyan pauwi. Nakaramdam si Don ng obligasyon na kausapin ang babae sapagkat ito'y nagmagandang loob na pasilungin siya sa kaniyang payong. Hindi batid ni Don na plano pala siyang patayin ni Tanya at nakawin ang kanyang pagkatao. Ang istoryang ito ay umiikot sa isang mamatay tao na ginagamit ang katawan ng kaniyang mga biktima upang magpatuloy na mabuhay sa mundong ito. Isinasabuhay din nito ang pamumuhay ng kaniyang mga nabibiktima sa kadahilanang napagtanto nito na ang buhay ng tao ay napangungunahan ng emosyon na nagreresulta sa kahinaan at ito ang nag uudyok sa mandaragit na tulad ng nasa katauhan ni Tanya na pumatay. Ang gawaing ito ng mamatay tao ay nagmumulat sa atin kung paano mamuhay ang ibang tao sa katauhan ng iba habang itinatago ang kanilang tunay na pagkatao.
like