My Possessive Ex-BoyfriendUpdated at Apr 15, 2022, 08:49
Pagmamahal na siguro ang isa sa pinaka-masaya na bagay na maaari natin matanggap. Lalo na kung ang pagmamahal na iyon ay galing din sa taong pinaka-mamahal mo. Pero sabi nila kapag nagmahal ka ay dapat handa ka rin masaktan. Kaya ikaw ba? Kaya mo bang magmahal kahit ang kaakibat nito ay kailangan mo rin masaktan?
Bata pa lang ng mawala ang ina ni Amethyst, kaya naman ang kanyang bruhang step-mother ang kasama nito hanggang sa lumaki. Mula pagkabata ay nakakaranas na si Amethyst ng pagmamaltrato mula sa step-mom niya at sa anak nito na si Jasmine. Si Jasmine ay ang inggetera niyang kapatid sa ama, gusto nito siya ang angat sa lahat. Kaya naman palagi nilang sinasaktan at minamaltrato si Amethyst dahil takot silang lamangan sila nito. Hindi kayang labanan ni Amy ang mag-ina sapagkat takot itong malaman ng kanyang ama ang nangyayari sa kanya sa kamay ng kanyang madrasta. Kaya naman pilit na lamang tinatanggap ni Amy ang bawat sampal, sipa at sugat na nanggagaling sa malupit niyang madrasta. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Kiro, ang kanyang knight in shining armor at ang magpapatibok sa natutulog niyang puso.
Si Kiro na nga ang lalaking nagpatibok sa puso ni Amy, ngunit ito rin ang lalaking dumurog ng kanyang puso. Nagpakalayo si Amy ng malaman niya na may affair pala ang kanyang boyfriend at ang kanyang half sister na si Jasmine. Ngunit apat na taon ang nakalipas, pilit pa rin siyang hinahabol ng nakaraan. Pilit pa rin siyang inaangkin ni Kiro na akala mo pagmamay-ari niya. Pilit pa rin itong humihingi ng tawad sa bagay na hindi raw niya sinasadyang nagawa.
Kaya mo bang patawarin ang taong minsan ng sumira ng puso at tiwala mo? Kaya mo bang tanggapin muli ang taong naging dahilan ng pagkawala ng anak mo? Halika na at atin subaybayan ang mala-roller coaster na buhay ni Amethyst Perez. Paano nga ba siya makakawala sa possessive niyang ex-boyfriend?