Forging life with words alongside with dreams! 🥀
Started: May 14, 2025
Genre: Romance - Steamy
STAND ALONE NOVELS:
1. HIS PERFECT OBSESSION (On-going)
2. PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (On-going)
PROFESSIONAL LEAGUE SERIES (SSPG) (COMING SOON)
#1 NANG LARUIN NI DOC
#2 NANG HIMASIN NI ENGINEER
#3 NANG LANTAKAN NI ARCHITECT
#4 NANG DILAAN NI ATTORNEY
#5 NANG WASAKIN NI CHEF
#6 NANG KAMBYOHIN NI PILOTO
Si Clarissa ay isang simpleng babae lamang, lumaki sa kandili ng kanyang Ama't Ina na nagturo sa kanya ng maganda at mabubuting bagay. Lumaki siyang walang alam sa kung ano man ang makamundong bagay ang nangyayari sa mundong kanyang ginagalawan, wala rin siyang alam kung para saan ginagamit ang mga bagay na nasa ibabang bahagi ng bawat tao na hindi man lang nasabi ng kanyang mga magulang hanggang sa pumanaw ang mga ito noong edad trese pa lamang siya. Sa madaling salita, inosente si Clarissa at wala pa siyang karanasan sa mga senswal na aktibidad. Bagama't nasa tamang edad na ay marami pa siyang hindi alam patungkol sa kung ano at paano ginagawa ang mga bagay na minsan niya na rin naririnig sa ibang mga tao. Wala sa isip ni Clarissa ang mga ganoong bagay, mga bagay na nagbibigay init sa katawan, nagpapawala sa isipan at nagbibigay kaligayahan sa bawat taong gumagawa nito.Hanggang sa dumating ang lalaking magpapamulat sa kanya sa kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng bawat makamundong bagay na hindi pa alam ni Clarissa. Makikilala niya si Tyron, isang lalaking nagmamay-ari ng pinakamalaking Jewelry Company sa bansa, kinilala rin na isa sa pinakamayamang tao sa loob at labas ng bansa. Siya ang magiging boss ni Clarissa, at si Clarissa naman ang magiging sekretarya ni Tyron. Dahil sa ugnayan na mangyayari ay ang malinis na isipan ni Clarissa ay mababahiran ng init dahil sa lalaking si Tyron. Mamumulat si Clarissa sa mundong nagliliyab sa init, sa bawat haplos at dampi ng labi ay dala ang pinakamasarap na pakiramdam. Pakiramdam na tanging nagpapaligaya at lulunod sa isipan ni Clarissa at magdadala sa kanya sa isang paraisong mahirap nang takasan.Sa pagkakataong ito at dahil na rin sa init na ibinibigay ng mga katawan nila. Malulunod sila sa nagbabagang apoy ng makamundong gawain. Gawaing parehong magmumulat sa kanila sa isang bagay na hindi nila lubos akalaing mangyayari, dahil hindi nalang ito init ng katawan.
Si Selene Amerie Constancia ay isang dalagang lumaki sa hirap ng buhay. Salat man sa mga materyal na bagay at nag-uumapaw na pera ay lubos lubos naman ang natatangap niyang pagmamahal na nagmumula sa kanyang Ina at Ama. Sa hirap ng buhay ay nakapagtapos siya ng kolehiyo, isang karangalan kanyang pinanghahawakan upang maiaahon ang kanyang pamilya sa hirap ng buhay. Ngunit kahit na nagtataglay ng talino, pagiging masipag at pagiging matiyaga ay hirap siya na makahanap ng trabaho. Lugmok na siya at dismayado sa sarili ng dumagdag pa ang isang problema na tila hindi mabibigyan ng solusyon. Problemang matagal na inilihim ng kanyang mga magulang. Ang lihim na utang sa pamilya ng mga Hidalgo na umabot sa isang milyon upang matustusan lamang ang pagaaral ni Selene.Ang utang na ito ay hindi kailanman palalagpasin ng panganay at nag iisang anak ng mga Hidalgo at kasalukuyang namamahala sa Hidalgo Corporation; Si Zacharius Valentin Hidalgo. Isang lalaking may kalupitan na tila namana niya sa yumaong ama niya. Matagal na niyang alam ang tungkol sa utang ng pamilya ni Selene sa kanilang pamilya at gagawin niya ang lahat makuha lamang ang kabayaran nito. Ngunit sa pag-iisip ni Zach ay napagtanto niya na wala namang kakayanang mabayaran ng pamilya ni Selene ang utang sa itinakdang oras kaya nagdesisyon siya ng isang planong bahago hindi lamang sa isang buhay, kundi sa lahat ng nakapaligid sa kanya — Kung hindi mababayaran ang utang ay ang anak ng mga Constancia nalamang ang magiging kabayaran. Si Selene ang magiging kabayaran sa utang, kahit pa sapilitang kuhanin ang dalaga.Ang mga desisyon ni Zach ang siyang magbubukas ng kakaibang pagkakataon sa kanilang dalawa ni Selene. Isang pagkakataong kailan man ay hindi na nila mababago pa. Pagkakataon na magbibigay liwanag sa kanilang kuwento, na kahit pagsubok at hadlang ay walang magagawa. Magiging daan ba ito upang mas maisulat pa ang kanilang kuwento? O magiging isang utang sa tadhana?