Bawat mag-asawa nangangarap magkaroon ng mga munting anghel sa kanilang tahanan.
Mga Anghel na magbibigay kasiyahan at kulay sa kanilang pamilyang bubuuin.
Anghel na bubuo sa pangarap nilang kumpletong pamilya.
Ngunit para sa mag-asawang hindi mabiyayaan ng kahit isang anghel ay pag-aampon ang kasagutan.
Mag-aampon ng hindi nila kadugo at ituturing na tunay na anak.
Paano kung ang munting anghel na kinupkop mo, na inaakala mong magbibigay kaligayahan sa pamilya mo ay..
IMPYERNO pala ang ipaparanas sa buhay mo?
Ang akala mong mabait na anghel ay may nagtatago palang kadiliman sa kanyang katauhan.
Masarap magbakasyon sa malayong lugar..
Sa lugar kung saan makakapag-relax ka..
Kung saan malayo ka sa polusyon at sariwang hangin ang iyong malalanghap..
Tirahan mo'y isang maganda at malaking bahay..
Ngunit ang masaya mo sanang bakasyon ay nabahiran ng kahindik-hindik na pangyayari??
Pangyayari kung saan hindi ka na pala kailan man makaka-alis ng buhay..
Ano ang lihim na misteryo ang nagtatago sa likod ng BAHAY BAKASYUNAN....?