"Father, bless me for I have sinned."
Tatlong taon nang ikinukumpisal ni Amara Dela Cruz kay Father Gabriel Santillanes ang iisang kasalanan niya. Ang mahalin ang lalaking hindi niya dapat mahalinโang pari na sumagip sa kanya sa pagkakalugmok sa putikan.
Siya ang lalaking nagturo sa kanya kung paano lumuhod... pero hindi para magdasal. Kundi para mabuhay.
Siya ang tanging tao na nakakita sa kanya noong wasak na wasak siya, basang-basa sa ulan, at walang dalang pangalan.
Pero bawal siyang mahalin. Dahil siya'y nakatalaga na sa Diyos.
At siya ay isang babaeng pinagtabuyan ng mundo para parusahan kahit wala naman siyang nagawang kasalanan. May bahid ng dugo. May pilat sa braso at walang karapatang angkinin ng isang banal na naglilingkod sa tahanan ng Diyos.
Hanggang sa isang gabing umuulan...
Nasa loob siya ng kumpisalan, nanginginig ang katawan dahil sa lamig.
"Kasalanan ba ang mahalin kita, Father?" tanong niya.
Hindi siya sumagot.
Sa halip, binuksan niya ang pinto ng kumpisalan.
At sa unang pagkakataon, hindi bilang pari silang nagkaharapโkundi bilang lalaki at babae na handang sunugin ang langit...makasama lang nila ang isa't isa.
He broke his vow. She broke her chains. And God was their only witness.
KASALANAN BA ANG MAHALIN NILA ANG ISA'T-ISA?
Dahil kung oo... handa silang sunugin ang langit at lupa, madamay na ang lahat... huwag lang silang magkawalay.
KASALANAN BA ANG MAHALIN KITA
BY:MISSJ28
Si Elizabeth Dianna Williams ay nangarap na maging isang Human Rights Attorney. Tagapagtanggol ng mga kababaihang sinasampal ng kalupitan at hinuhubaran ng hustisya. At natupad nga ang kanyang pangarap dahil sa bakal niyang didikasyon sa buhay.
Isang araw, dumating ang kasong magbabago sa lahat. Isang kliyente na ginahasa ng mismong Alkalde ng Bayan ng San Agustin. At doon mismo sa loob ng korte, unang magbAbanggaan ang mundo nila ng lalaking magpapabago sa mga prinsipyo niyang matagal niyang iningatan.
Police Executive Master Sergeant Victorino Mondragon Jr.
Arogante. Mainitin ang ulo. Walang modo at higit sa lahat ay bastos kausap.
Siya ang humawak ng kaso dahil "malaking isda" ang kalaban. Isang alkalde na hari sa sariling balwarte.
Sa bawat hearing,daig pa nila ang asoโt pusa. Walang tagpo na hindi nagbabangayan at sigawan. Walang nagpapatalo. Pilit nilang binabali ang katwiran ng isaโt isa. Si Dianna, batas kanyang ang sandata. Si Victorino, kamao at bala ang sagot sa lahat ng kaaway.
Hanggang sa dumating ang araw na kinidnap ang biktima. Sa gitna ng rescue operation, sa gitna ng putukan at madugong labanan ay may nabuo. Hindi lang plano ang nagkaisa kundi pati puso nilang dalawa.
Ang asoโt pusa noon, dinaig pa si Jack at Rose sa pilikulqng 'Titanic. Ngunit sa kabila ng saya, may bagyong nakaabang sa kanila. Dahil si PEMS Mondragon Jr. ay may nobya at malapit na silang ikasal.
Nailigtas nga nila ang biktima mula sa kamay ng Alkalde. Pero si Victorino ay napaharap sa mas malaking problema. Nag-aagaw buhay ang Lolo niya. Ang huling habilin ay dapat sundin ni Victorino. Kailangan nitong magpakasal dahil kung hindi ang lahat ng kayamanan, titulo, at kapangyarihan ng Mondragon ay mapupunta sa pinsan niyang matagal nang kaagaw sa trono. Ngunit paano niya matutupad ang huling kahilingan ng kanyang Lolo kung sumama na sa ibang lalaki ang kanyang fiance. Naalala ni Victorino si Dianna kaya agad itong kinausap na maging subtitute bride. Pumayag si Dianna, pero may Isang kondisyon. Ang kalahati ng kayamanan na maiiwan ng Lolo ni Victorino ay mapupunta sa pangalan ni Dianna pagkatapos ng pinirmahan nilang kontrata.
Lingid sa kaalaman ng lahat. Si PEMS Mondragon ay hindi lang basta alagad ng batas. Dahil siya ang "Ace of Spades" ang Mafia Leader ng pinaka-Notorious Organization sa buong Pilipinas.
Naging pulis lang siya para may pantakip sa mga elligal niyang negosyo.
Pagkatapos ng anim na buwan biglang nagbalik si Karen upang angkinin ang trono ni Dianna bilang isang Mrs. Mondragon.
Ano kayang delubyong dala ni Karen sa mag-asawa?... abangan.
Warning: This Story contains explicit sexual content and BDSM, and strong language that may be not be suitable for the young readers. Discretion is advised.
Corazon Wylde, anak ng mag-asawang negosyante na nalugi dahil sa pagkakalulong sa sugal na Casino, na naging dahilan na pagkalubog nila sa utang.
Takot maghirap ang mag-asawa, takot mawala ang lahat ng ari-ariann nila kaya ang tanging naisip nilang solusyon sa kanilang problema ay ipakasal ang nag-iisang anak nila sa isang pinuno ng Russian Mafia Organization bilang kabayaran ng kanilang pagkakautang. Ayaw pumayag ng dalaga sa kagustuhan ng kanyang magulang, hanggang isang araw ay may dumating sa kanila na isang sulat na kapag hindi pa nakapagbayad ng utang sa sunod na buwan ay kukunin ang lahat ng ari-arian pati ang mansyon na tinitirhan nila. Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi ang pumayag sa kagustuhan ng kanyang mahal na magulang at dahilan narin na ayaw niyang itakwil siya ng mga ito.
Atin pong alamin ang magiging buhay ni Corazon sa piling ng isang Russian Mafia Leader na si Samuel Jackson Bartolome na walang ibang ginawa kundi pagmalupitan at alilain ang kanyang asawa. Matuklasan din kaya ni Samuel ang lihim ni Corazon?
Ano nga ba ang lihim na itinatago ni Corazon sa kanyang malupit na asawa? At mapapatawad ba n'ya ito sa mga kasalanan at pagmamalupit na ginawa sa kanya noon? Matutunan din ba niya itong mahalin o suklian ng pagmamahal ang kanyang asawa pagkatapos ng mga naging karanasan niya sa piling nito?
๐๐ง๐ ๐๐ข๐ก๐ข๐ฆ ๐ง๐ข ๐๐จ๐ซ๐๐ณ๐จ๐ง ๐๐ฒ๐ฅ๐๐ (๐๐๐)
MissJ28 ๐
Si Caleb Mathew Jenkins ay anak ng isang makapangyarihang pamilya ng Asian Mafia na maimpluwensya sa buong mundo. Siya ay mayaman, makapangyarihan, at may mga kaaway sa lahat ng dako ng mundo. Ngunit sa kabila ng kanyang buhay na puno ng panganib, siya ay may isang malalim na sugat sa kanyang nakaraan na hindi niya kayang kalimutan.
Si Maria Eloisa Amparo Moore naman ay isang guro sa isang paaralan sa lungsod na may nakaraan na hindi niya kayang ibunyag. May mga lihim siya na hindi niya kayang ibahagi sa kahit na kanino, at ang kanyang buhay ay tila payapa sa labas, ngunit puno ng mga lihim at takot sa loob.
Nang magkita sila Caleb at Maria Eloisa, ang kanilang buhay ay nagbago. Sila ay nagkaroon ng isang relasyon na hindi nila inaasahan, at ang kanilang mga nakaraan ay magiging bahagi ng kanilang bagong buhay. Ngunit ang kanilang pag-ibig ay magiging isang labanan sa gitna ng panganib at mga lihim na nakapaligid sa kanila. Magagawa kaya nila na panatilihin ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng isang buhay na mapayapa?
Abangan ang dalawang tao na pinagtagpo ng tadhan sa pinamagatang It's still marry you again in a heartbeat ni MissJ28
Ulila na si Cassandra sa kanyang magulang. Namatay ang mga ito sa isang aksidente sa tricycle ng minsan naisipan nilang mamasyal sa mall noong nasa edad siyang kinse anyos. Nag-iisang anak lang siya ng kanyang ama at ina. Walang kamag-anak ni isa itong kakilala. Tumigil sa pag aaral at naghanap ng trabaho bilang tindera ng gulay, Karne at isda sa palengke upang buhayin mag-isa ang kanyang sarili. Ng sumapit siya sa edad na bente anyos nakilala niya si Wilbert na boy sa bigasan na katabi lamang ng pwesto ng kanyang amo. Naging magkasintahan silang dalawa. Mahal na mahal ni Cassandra Peterson ang kanyang nobyo. Lahat ay gagawin huwag lamang siyag iwan nito. Kahit ang magtrabaho sa club ay gagawin niya para lamang sa kagustuhan ng kanyang mahal na nobyo. Ngunit isang araw, nalulong sa druga at pagsusugal si Wilbert, wala na itong pera na pang gastos sa kanyang bisyo. Habang gumigiling sa gitna ng entablado si Cassandra ay nagawa itong ibenta kay Zachary Levi Zaturnino na isang bilyonaryong binata na naligaw sa club ng gabing iyon. Galit na galit si Cassandra dahil hindi nito akalain na magagawa ito sa kanya ng kanyang nobyo. Oo at pumayag siyang magtrabaho sa club, pero wala sa usapan nila na pwede siyang tumanggap ng costumer at ilabas sa club. Wala na itong nagawa pa, kundi ang sundin na lamang dahil natakot itong makipag hiwalay sa kanya si Wilbert ng bantaan siya nito. Hindi alam ni Cassandra na isang Mafia boss ang bumili sa kanya, at itong Mafia boss ang kauna-unahang umangkin sa kanyang katawan. Naging parausan siya nito sa tuwing pumupunta ang lalaki sa club sa loob ng dalawang linggo. Sukang suka na si Cassandra sa kanyang sarili, at hindi niya matanggap sa sarili na sa ganun lamang mawawala ang matagal na niyang iniingatang pagkababae. Kahit magkasintahan sila ni Wilbert ni hindi nito sinuko ang kanyang bataan. Kahit mahal na mahal niya si Wilbert, nagawa niya itong iwan, nag pakalayo-layo at nagtago sa malayo, na walang nakakilala sa kanya. Ngunit sa kanyang pag-alis don lamang niya matutuklasan na nagdadalang tao siya, at ang lalaking bumili sa kanya ang ama ng kanyang pinagbubuntis. Ayaw na nitong bumalik sa lugar na kung saan nasira ang kanyang buhay dahil ayaw na niyang makita pa ang pagmumukha ng lalaking kinamumuhian niya. Bubuhayin nitong mag-isa ang batang nasa sinapupunan pa lamang na hindi humihingi ng tulong sa kahit na sino, kahit pa sa ama ng kanyang magiging anak.
Ano kaya ang magiging buhay ni Cassandra kapag dumating na anghel sa buhay niya? Atin pong sabay sabay alamin sa kwento na pinamagatang SALAMIN NG NAKARAAN.
Maria Asuncion, 25 year old. Ang nag iisang anak ng mag-asawa na pinakamayaman sa buong mundo.Nagising ng isang umaga si Maria na hubo't hubad at may katabing isang gwapong lalaki na hindi niya kilala sa isang silid na hindi sa kanya pamilyar.Paano niya sasabihin sa kanyang magulang ang pangyayaring ito kung siya ay nakatakdang ikasal sa lalaking hindi pa niya nakikita o nakikilala kailanman.
Kamumuhian ba si Maria ng kanyang magulang kapag nalaman nila ang nangyari sa ka-isa isang anak nila? At matanggap kaya ng lalaki na ang babaeng ipapakasal sa kanya ay nagdadalang tao na iba ang ama nito? Ano kayang buhay ang naghihintay kay Maria sa piling ni Christopher Martini 27 year old na isang Notorious Mafia. Malaman kaya niya na sya pala ang lalaking naka one night stand ni Maria sa isang hotel na pinagdaosan ng kanyang kaarawan at malalaman din ba niya na sya ang ama ng batang dinadala nito? Ano ang magiging reaksyon niya? Atin pong alamin at subaybayan ang dalawang tao na pinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinamagatang ๐๐๐๐ข๐ค ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ na akda ni MissJ28 ๐
"Mga hayop kayo! Ang kakapal ng pagmumukha ninyo na dito pa kayo sa silid ko gumagawa ng kababuyan ninyo!" Galit na galit na sigaw ni Eva na umiiyak ng mahuli niya ang kanyang ate at ang kanyang boyfriend na magkapatong sa ibabaw ng kanyang malambot na kama. Gulat at takot ang makikita sa mukha ni Arnold at isang malaking ngiti naman ang nakasilay sa labi ni Kristine.
"Babe, magpapaliwanag ako!" Agad na sabi ni Arnold kay Eva ng bumangon ito at lumapit. Ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito mula kay Eva.
๐๐ฏ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐, 25year old, Matangkad at maganda ang hubog ng katawan.Makinis ang kutis at morena na may mahabang itim na tuwid na buhok at mayroong tsokolateng mata na hinahangaan ng kalalakihan sa kanilang Barangay na kinaiinggitan ng malaki ng kanyang kapatid na panganay na si Kristine.
Mayaman ang kanilang pamilya. Mayroon silang tatlong kompanya na pareho sa kanilang dalawa na pinamahala ng kanilang magulang dahil gusto ng mag-asawa na bago pa man sila maglaho sa mundo o iwan ang tatlo nilang anak ay mayroon silang alam kung paano humawak ng isang negosyo. Dalawa silang babaeng magkapatid at isang lalaki na bunso. Hindi pa pwedeng humawak ng kompanya si Robert dahil ito ay studyante pa lamang. Si Eva ay may kasintahan na business partner niya at ito ay si Arnold Victorio, na lihim na minamahal ng kanyang ate Kristine. Sino nga ba sa dalawang magkapatid ang pipiliin ni Arnold Victorio na makasama sa habang buhay? Hindi lang siya isang sikat na businessman kundi isa din s'yang nakakatakot na kasosyo sa larangab ng negosyo.
Atin pong basahin at subaybayan ang kwento ng buhay ni Eva Valencia sa pinamagatang Lihim na ๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐๐ง na akda ni MissJ 28.