Story By Khenneth Briones Dimaala Calangi
author-avatar

Khenneth Briones Dimaala Calangi

bc
10 Years of Waiting
Updated at Dec 15, 2021, 08:24
"Father, pinangarap mo talagang magpari nung bata ka?" "Hindi. Doktor ang pinangarap ko." "E pa'no po kayo napunta sa pagpapari?" "There's this woman na minahal ko 21 years ago." "Talaga po?" "Yes, I even thought na siya na 'yung makakasama ko sa altar. Pero, sadyang mapaglaro ang tadhana, kinuha siya ng parents niya at dinala sa States. She promised before we parted. She promised na babalik siya at papakasalan niya ako." "Ano pong nangyari after n'on?" "No contacts at all simula nung mangibang-bansa siya. I prayed and even asked signs from the Lord— kapag hindi siya bumalik sa loob ng sampung taong paghihintay ko, magpapari ako." "Hindi na po siya bumalik within 10 years ng paghihintay n'yo?" "Bumalik s'ya exactly on the 10th year of my waiting. Kasulukuyan na akong nagpapari no'n. Bumalik s'ya at nagpaplano nang ikasal sa iba. And know what's funny? Ako 'yung nagkasal sa babaeng kay tagal kong hinintay."
like