Story By Sarah T.
author-avatar

Sarah T.

ABOUTquote
I Praise you for i am fearfully and wonderfully made; Your works are wonderful,I know that full well. Psalms 139: 14
bc
The Forgotten Wife (A Beautiful love story of Troy Harris and George Keila)
Updated at Jan 8, 2025, 22:03
George Keila ang babaeng magliligtas sa buhay ni Troy. isang babaeng ubod ng Ganda at mayroong ngiti na kahuhumalingan ng sino man. Isang simple at inosenteng babae na lumaki sa isang pamilya na puno ng pagmamahal at may payak na pamumuhay. Ngunit darating ang isang lalaki na mag papabago sa takbo ng kanyang buhay. Iibigin niya si Troy ng labis at pakakasalan siya nito ngunit darating ang araw na bigla na lang itong maglalaho. Paano kung isang araw ay makita niyang muli si Troy ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na siya naaalala pa nito? Paano nya ipaglalaban ang kanyang karapatan bilang asawa kung mismong si Troy ay hindi na sya maalala pa at ang tanging nakikilala lamang nito na minamahal niya ay ang babaeng minahal niya sa nakaraan na si Kristel.Tuluyan nga bang makakalimot ang puso ni Troy?hanggang saan kayang ipaglaban ni George ang kanyang lalaking minamahal? O tuluyan na lamang syang susuko at aalis sa buhay nito? Troy Harris Fuentabella nag iisang apo at taga pag mana ng isa sa pinaka mayaman na tao sa Pilipinas na si Don Alfredo Fuentabella.Sa murang edad ni troy ay kinakitaan agad eto ng potensyal ng kanyang lolo kung kaya naman ay maagang hinasa ito ni Don Fredo sa pag papatakbo ng kanilang kumpanya at hindi naman nito binigo si Don fredo dahil mas naging maunlad ang kanilang kumpanya sa pamamalakad nito.Gwapo matalino at hinahangaan ng lahat hindi lamang sa larangan ng bussiness kundi pati na rin ng halos lahat ng mga babaeng nakapaligid sakanya.Troy Harris is every woman's dream.sa edad na 25 ay successful na ito subalit sa kabila ng tagumpay na kanyang tinatamasa, iisa lamang ang kanyang pinapangarap at iyon ang makasal na sa babaeng mahal nya na si kristel chantal.Ngunit dadating ang isang balita na gigimbal sa pamilyang fuentabella at mag pababago sa buhay ni Troy.Maaksidente ito dahilan ng pagkawala ng ala-ala ni Troy.kukupkopin siya ng pamilya ng babaeng nagligtas sakanya at di mag tatagal ay Iibig siya dito ng lubos at pakakasalan niya ito Ngunit darating ang araw na magbabalik ang ala ala ni Troy sa nakaraan at ang kasalukuyan naman ang siyang malilimutan nito.
like
bc
The Goddess Of Beauty Behind A Man's Mask
Updated at Jul 27, 2025, 22:37
Rafaela ang babaeng pinagpala ng kagandahan.Mayaman at panganay sa tatlong nag gagwapuhang magkakapatid.Lumaki ang mga ito sa puder ng kanilang Lolo na nag mamay-ari ng isang malaking food company sa pilipinas.Hinahangaan at kinaiingitan ang apat na mag kakapatid ng nakararami lalo na ang nakatatandang kapatid na si Rafaela.Bagot na bagot na ito sakanyang buhay dahil puro pakikipag blind date ang nais ipagawa sakanya ng kanyang Lolo.Bukod sa pressured ito sa pakikipag date ay sumasabay pa sa sakit ng kanyang ulo ang mga babaeng baliw na baliw sakanyang mga kapatid na lalaki.Madalas na makakuha si Rafaela ng kaaway dahil madalas ding napagkakamalan itong kalandian ng kanyang mga nag gagwapuhang kapatid.Si Rafaela ang tipo ng babaeng hindi tipikal na pang babae ang kilos.Black belter ito at miyembro ng Philippine Teakwondo Association.Karamihan ng mga nakaka blind date nito na nag tangkang gumawa ng hindi maganda sakanya ay sa Hospital ang bagsak.Kung kaya't pursigidong pursigido ang kanyang Lolo na pagkatapos n'yang maka graduate ng collage ay makahanap na agad ito ng mapapangasawa .Sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating ang araw na ipinagkasundo na ito ng kanyang Lolo na ikasal sa anak ng isa sa pinaka mayamang negosyante rin dito sa pilipinas.Labis ang kanyang lungkot na nadama sapagkat nais pa nitong ma enjoy ng matagal ang pagkadalaga.Ang masubukan ang mga bagay na tipikal na ginagawa ng iba.Mamuhay ng normal katulad ng ibang estudyante kung saan walang body guard na bumubunot sakanya.Kung kaya't nakipag kasundo siya sakanyang Lolo na ang natitirang isang taon niya sa kolehiyo ay gugugulin n'ya malayo sa mansyon.Malayo sa nakasanayan niyang pamumuhay.At pagkatapos na pagkatapos ng isang taon at naka graduate na ito sa collage ay kinakailangan nitong mag balik upang tuparin ang napagkasunduan nila ng kanyang Lolo.Ngunit papaano kung hindi sumang-ayon ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang plano? Mag papanggap itong lalaki upang iwasan ang mga kababaihan na maaaring mainggit sakanyang pisikal na kaanyuan na posibleng sumira sa natitira niyang isang taon na maging malaya.Papasok ito sa isang kilalang unibersidad bilang isang nag papanggap na lalaki ngunit sa likod ng maskarang ito ay diyosa ng kagandahan.Aakalain nito na magiging maayos na ang lahat ngunit mayayanig ang kanyang mundo ng dalawang lalaki na iibig sakanya.
like
bc
His Sweetest Temptation (tagalog romance)
Updated at Jul 25, 2025, 20:03
Paano mo ba mapapa-ibig ang isang taong mas malamig pa sa yelo? sa dami ng lalaking nag-kakandarapa para lamang mapansin ni Athena ay ni isa sa mga ito ay wala itong binigyang pansin dahil nasa iisang tao lamang ang kanyang mga mata.Sa lalaking bumihag at nag papatibok ng kanyang puso.Walang iba kundi si Red Lacsamana.Ang kapatid ng kanyang matalik na kaibigang si Rafaela Daniela Lacsamana -Story of Maria Athena Cho and Red francisco Lacsamana from the book of The Goddess of Beauty Behind a Man's Mask
like
bc
And She Never Heard From Him Again (Tagalog Romance)
Updated at Jul 9, 2025, 21:26
Gagawin ni Sebastian ang lahat mapalapit lamang sa babaeng unang bumihag ng kanyang puso.Kahit umabot pa sa pag papanggap bilang isang body guard ng nakababatang kapatid ng babaeng kanyang hinahangaan.Ngunit papaano kung malaman niya na ang babaeng hinahangaan ay isa pa lang malaking kasinungalingan?
like
bc
The Unexpected Deal With Malik The Engkanto
Updated at Aug 12, 2024, 17:36
Isang dalaga na may simpleng buhay at naninirahan sa isang maliit na baryo sa probinsya.Amethyst, simple ngunit may angking ganda at alindog na pumupukaw sa atensyon at damdamin ng mga kalalakihan.Masaya itong namumuhay kasama ang kanyang ina at kapatid na kapwa babae din.Sa edad na sampung taon, ay maaga nawalan ng tatay si Amethyst ngunit hindi iyon naging hadlang upang itaguyod sila ng kanilang ina.Nagsumikap ang kanilang ina upang mapagtapos si Amethyst sa kanyang pag aaral.Dahil nais ni Amethyst na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, nag desisyon itong lumuwas pa maynila at makipagsapalaran doon.Makalipas ang halos dalawang taon na pagtatrabaho sa maynila,nakatanggap ito ng tawag na siyang nagpaguho sa kanyang mundo .Pumanaw ang kanilang ina dahilan upang mapilitan siyang bumalik sa kanilang probinsya.Ngunit sa pagbabalik niya sa kanilang tahanan ay dito na magsisimulang magulo ang kanyang mundo.Ang pagdating ng isang estrangherong lalaki na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.
like
bc
A Heart's Enchantment
Updated at Apr 5, 2024, 21:00
Leo Jace Montenegro.Isang batang ipinanganak na may kapansanan sa paningin.Hindi man niya magawang masilayan ang mundo, ay punong puno naman siya sa pagmamahal ng kanyang Ina.Maninirahan ang mga ito sa isla kung saan matatagpuan niya ang batang babae na magsisilbing mga mata niya.Hindi mararamdaman ni Jace na naiiba siya at nag iisa dahil sa batang si Michaela.Sa loob ng limang taon na pagkakaibigan nila ay nangako si Jace sakanyang sarili na si Michaela na ang babaeng pakakasalan niya pagtanda.Ngunit darating sa buhay ni Jace ang taong magpapabago sa buhay nila na kanyang Ina.Walang iba kundi ang ama nitong bilyonaryong.Mapipilitan si Jace na pumunta ng America dahil sa kagustuhan ng kanyang Ama na maipagamot at mapag-aral siya doon.Maiiwan nito si Michaela sa isla ngunit mangangako siya rito na babalikan niya ito at pakakasalan sa takdang panahon.After 10 years magbabalik si Leo Jace sa Pilipinas. But this time ,nakakakita na ito.Successful,kilalang negosyante, mayaman, gwapo, at kinababaliwan ng maraming kababaihan.Ngunit sa nakalipas na sampung taon ay kay daming nag bago sa buhay ni Jace.Nakatakda itong makasal sa kanyang fiancèe na si Celine.Magbabalik si Jace sa Pilipinas upang hanapin ang matagal ng nawawalang kaibigan hindi para pakasalan ito,kundi para pasalamatan at bigyan ito ng closure.Ngunit tila hindi sa sang-ayon ang tadhana sa kagustuhan nito.Magugulo ang kanyang puso't isip dahil sa isang babae na may angking kakaibang ganda na gaganap bilang kanyang bagong sekretarya. Michaela Luna Alcantara a young girl who have so much love to give.Simple yet beautiful.Ngunit sa pag lipas ng maraming taon ay lalaki itong may trust issue sa mga kalalakihan dulot ng hindi pag tupad sa pangako ng kanyang childhood bestfriend.Nang makapag tapos ito ng pag-aaral sa kanilang Probinsya, ay agad itong lumuwas pa maynila upang makipag sapalaran.Dala-dala ang kanyang diploma at taglay na ganda ay matatanggap ito sa isa sa pinaka malaking Kumpanya sa Pilipinas.Dito niya makikilala ang kanyang masungit na boss na mag papabago sa nananahimik niyang mundo.
like