"Write with Passion, Edit with Precision"
ikanga??? :)
Pero dahil bago pa lang as a writer dito muna tayo??
Embrace the Blank Page?
Itong mga kwento ko po ay pawang kathang isip lamang po. Kaya hagat may naiisip pa ako go lang sulat lang., at enjoy lang po natin ang pagbabasa
LAb yah alL
????
Si Althea Cruz ay isang simpleng babae na may pangarap na makalaya sa mahigpit na mundong ginagalawan niya. Ngunit isang pagkakamali ang nagtulak sa kaniya sa kamay ng lalaking kinatatakutan ng marami—Governor Silas Montenegro, isang makapangyarihan, mayaman, at misteryosong lider na sanay makuha ang lahat ng gusto niya… maliban sa puso ni Althea.
Dahil sa isang lihim at kasunduang hindi niya maiiwasan, napilitang pakasalan ni Althea ang lalaking ayaw niyang makasama. Sa mata ng mundo, isa silang perpektong mag-asawa. Pero sa loob ng kanilang tahanan, malamig ang bawat titig, at mas malamig ang bawat salitang hindi binibigkas.
Ngunit gaano katagal mananatiling bato ang pusong pilit pinapainit ng isang lalaking sanay makuha ang lahat sa pamamagitan ng pwersa?
At gaano kalayo ang kayang gawin ng isang obsessed na gobernador… para makuha ang babaeng hindi siya kayang mahalin?
Sa kabila ng kanyang buong tiwala at wagas na pagmamahal sa asawa, hindi kailanman inakala ni Isabella na sa bawat ngiti at yakap nito ay nakatago ang isang kasinungalingang wawasak sa buo niyang mundo.
Hanggang isang gabi, tuluyang nabunyag ang mapait na katotohanan: ibinenta siya ng sariling asawa.
Hindi bilang katuwang, hindi bilang mahal sa buhay—kundi bilang isang kabayaran sa kasunduan na iniligtas ang naluluging negosyo nito.
Ang kapalit? Isang multi-milyong dolyar na kontrata. Isang kasunduang isinakripisyo ang kanyang dignidad.
Mas lalong bumigat ang lahat nang malaman niyang ibinenta siya kay Sebastian Montgomery—isang kilalang business tycoon na kinatatakutan ng marami. Malamig, walang kompromiso, at may kapangyarihang durugin o buuin ang sinuman sa isang iglap.
Ngayon, ang tanong:
Paano mo lalabanan ang isang lalaking may legal na pagmamay-ari sa’yo… ngunit unti-unting inaangkin pati puso mo?
Ang pangungulila mula sa pag kamatay ng minamahal ay isa sa mga pinakamahirap na karanasan na maaaring harapin ng isang tao. Iyon parin ang nararamdaman ni Marco, pangungulila, lungkot at sobrang pagsisisi sa kaniyang sarili parin ang nararamdaman niya ng mawala si Lexien sa piling niya.Masalimuot, na ang akala niya nauubusan na siya ng pagasang harapin ang bukas.Hanggang sa isang araw biglang nag bago ang lahat ng makita niya ang kamukhang kamukha ni Lexien.Isa ba itong REINCARNATION ni Lexien?Kakampi na ba nila ang tadhana dahil pinag tagpo silang muli o dahil lang sa mag kamukha lang talaga ito ng kaniyang pinaka mamahal niyang asawa?
Imbes na saya labis na nasaktan at kahihiyan ang nangyari nung di tinanggap ni Natalie ang pag propose ni Marco dahil mas pinili pa nitong umalis papuntang New York para sa pag momodel kaysa ang manatili sa kanya, ngunit nagpupumilit parin ang binata na magsama silang dalawa, kaya para matigil na ang kahibangan ng binata gumawa ng paaran ang ina niyang si Donya Esmerald, nagdesesyon ang ginang na ipakasal ito sa Secretary niyang si Lexien upang tumigil na siya sa pangungulit kay Natalie, ngunit ang binata ay tutol sa gusto niya. Kaya naman para mapapayag ang binata sa gusto niya nag kunwaring may malubha siyang sakit at ito na lang tanging hiling niya ang magpakasal silang dalawa, ngunit ang binata ay hindi parin sumusuko kahit sobrang nasasaktan na ito binabalak parin na magpropose kay Natalie.
Matutupad pa kaya ang kahilingan ni Donya Esmeralda?,Ano kaya ang magiging buhay ni Lexien kapag natuloy nga ang kasal nilang dalawa ni Marco?,
I love you captain ball
Volleyball na talaga ang hilig ni Ayalyn kahit bata laging siyang nanonood kapag may pa league sa kanilang barangay sa volleyball, kaya naman nung tumungtong na siya ng high school agad niyang kinuha ang pagkakataon na makasali sa sport na volleyball at dahil nakitaan na agad siya ng kahusayan sa paglalaro ng kanyang coatch ginawa siya nitong Captain sa kanilang team.
Ngunit di sumasang ayon dito ang kanyang itay.
Lalo na din ang kanyang Enemy na Friend daw niyang si William Navarro.
Si William Navarro naman ay isang 3rd year transfere na may gusto naman sa pinsan ni Ayalyn na si Yna kaya choice niyang makipag kaibigan kay Ayalyn para maka da-moves ito sa pinsan niya.
Sa tuwing mag kasama naman silang dalawa parang aso't pusa na kung mag bangayan ang dalawa, hanggang sa tumagal nag kagusto na din si Ayalyn kay William.