Addicted to every inch of you (by Zorah)Updated at Jul 13, 2023, 14:40
Darwin Dela Vega is one of the most eligible bachelor in the country. Matalino, mayaman at higit sa lahat, gwapo. Kaya nga andaming kababaihan ang nanghinayang nang isapubliko ang nalalapit na kasal nito sa kasintahan na si Rhianne Villaflor. Isang architect mula sa kilalang angkan. Hindi matatawaran ang ganda ng dalaga. Kaya nga kolehiyo palang sila ay hindi na siya pinakawalan ni Darwin.
Ngunit hindi niya inaasahan ang balitang nakarating sakanya na may lalaki ang kasintahan. Pumunta siya sa isang bar kung saan madalas daw nagpupunta ang mga ito. Hindi sya makapaniwala nang makita niya mismo ang kasintahan na may kayakap na lalaki. Kita niya ang saya sa anyo ng nobya. Pero iba ang nararamdaman niya. Sunod-sunod mura ang lumabas sa bibig niya. Galit na galit siya at gusto niyang sugurin ang dalawa. Nakikilala niya rin ang lalaki. Ito ay nakita niya na minsang kasama ng kasintahan ngunit ipinakilala sakanya bilang isang kaibigan. Pero sa oras na ito, hindi kaibigan ang ikinikilos nito. Nakikita niyang hinahalikan nito ang kanyang nobya. Wala pang sinomang nagtangkang lokohin siya. Simula pagkabata ay namulat siya sa isang pamilyang respetado, kinatakutan at tinitingala. Isa siyang Dela Vega at hindi niya ito mapapalampas.
Akmang susugurin niya na ang dalawa nang bigla siyang mabangga ng isang babae. Amoy na amoy dito ang alak. "Sorry", wika ni Celine. Pero bumabaliktad na talaga ang sikmura niya sa dami ng kanyang nainom kaya hindi na siya umabot pa sa banyo. Nasukahan niya na ang damit ng lalaking nabangga. Hilong hilo siya at ni hindi niya maaninag ng maayos ang muka ng kaharap. Pero malinaw sa kanyang pandinig ang sunod-sunod na murang sinambit nito.
Darwin's POV
Galit ang nararamdaman ko ngayon. Sisiguraduhin kong hindi na makakatayo ang lalaking ito pagkatapos ko bugbugin ngayong gabi. Wala pang nagtangka na kalabanin ako, lalo na ang pagmukain akong tanga. Akmang susugurin ko na ang lalaking yon nang bigla akong nabangga ng isang babae. Amoy na amoy ang alak sakanya. Lasinggera. Napayakap pa siya sakin, sa tingin ko ay lasing na talaga siya. Pero hindi inaasahan nang bigla siyang sumuka at mapunta lahat yon sa suot kong coat. Damn! What's wrong with this girl! Narinig ko siyang humingi ng sorry pero agad ko ring inilayo ang aking sarili at nagpunta sa banyo. Nang malinis ko ang aking sarili ay wala na si Rhianne at ang kalaguyo nito. Naisip kong uminom muna at sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang babaeng nakabangga sa akin. Maganda siya, maamo ang muka, may hubog ang katawan. Pero ano to? may kasamang matanda? Gusto kong matawa sa nakikita ko. Lasenggerang pumapatol sa matanda.