Dahil sa labis na pangangailangan sa pera ay napilitang um-extra sa isang bar si Taffy upang mabilis na makalikom ng salapi para sa operasyon ng ina. Ang trabaho niya lang sana ay magbenta ng sigarilyo sa mga bigating customer at umasa sa tip na makukuha mula rito, ngunit hindi niya lubos akalaing may mag-aalok sa kanya ng isang malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama.Isang estrangherong tila inukit mula sa imahe ni Adonis. Matikas. Misteryoso. Ubod ng gwapo. Dahil sa desperasyon ay pumayag siya sa alok nito. Isinuko niya ang kanyang pagkababàe kapalit ng malaking halaga na hindi lang nakatulong sa operasyon ng kanyang ina kundi nakatulong din sa pagtatapos niya sa pag-aaral.Matapos niyang gr-um-aduate ay lumuwas siya ng Maynila para magtrabaho. Tatlong taon din siyang namalagi roon bago niya kinailangang umuwi dahil nabalitaan na lang niyang ikakasal na ang kanyang ina.Ngunit pagkauwi niya ay halos pagbagsakan siya ng langit at lupa nang makilala kung sino ang mapapangasawa ng ina—si Sebastian Von Romano, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking bumili ng kanyang dangal.Papaano niya papakisamahan ang magiging ama kung sa bawat sandaling nagtatagpo ang kanilang mga mata ay naaalala niya ang gabing namulat siya sa makamundong init at pantasya?At paano niya magagawang umiwas, kung sa bawat hakbang niya palayo ay siyang paglapit din ni Sebastian sa kanya na tila ba'y pinapaalala ang gabing pinagsamahan nilang dalawa?
"Sadie, come on let's go home baby," tawag ng binata sa nag ngangalang Sadie. Pero agad namagng umiling iling si Sadie dahil alam niyang hindi siya tanggap ng lalaki. "No! stop caling me that! hindi ako ang babaeng mahal mo, na iintindihan mo ba?!" galit na sigaw ni Sadie rito pero umiling iling naman si Ethan sa sinabi ni Sadie. "I know the woman i love, Sadie and that's you come on," nag mamaka awang sambit ni Ethan pero sadyang ma tigas ang ulo ni Sadie. "Yu're just being blinded, pero hindi ako ang babaeng mahal mo," nata tawang sagot ni Sadie at tuluyan nang tinalikuran si Ethan na mag isang naka babad sa gitna ng ulann. Hindi na rin naka sunod pa si Ethan dito dahil sumakay na sa isang taxi si Sadie at naiwan siyang nasa gitna ng kalsada habang ruma ragasa ang malakas na ulan kasama ang puso niyang nangungulila kay Sadie.
Si Iza ay isang dalaga na lumaki sa piling ng pamilya na kumupkop sa kaniya matapos mamatay ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang Mama Cindy ay may bilin sa kaniya na huwag munang mag-boyfriend hanggat hindi pa siya tapos mag-aral, na naging dahilan ng pagiging maingat niya sa mga lalaki. Lagi rin siyang may mga bantay, ang mga Martin, na tila mga kapatid na rin niya. Ngunit ang lahat ay nagbago ng pumasok si Doz Martin, ang guapo at matalinong professor sa Pamantasan na pinapasukan niya. Hindi niya alam kung paano sisikilin ang nararamdaman niyang paghanga sa lalaki na lagi na lang laman ng kaniyang isipan, lalo na't naging Professor niya ito sa isa niyang subject. Sa gitna ng mga pagsubok at tukso, kailangang harapin ni Iza ang kaniyang damdamin at ang bilin ng kaniyang Mama Cindy, at alamin kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay. Ngunit paano niya ito gagawin kung ang lalaki na kaniyang napupusuan ay ang lalaki na ipinagbabawal sa kaniya?
DIAMOND AWARDEE IN NOW YOU WANT ME? WRITING CONTEST Isang byudong lalaki, na twenty-two years na walang karelasyon ay hindi inaasahang magkagusto sa kanyang bagong katulong na dalaga at mas bata pa ng ilang buwan sa kanyang nag-iisang anak. Sa gitna ng kanilang magkaibang estado sa buhay, si Dax Martin ay nahaharap sa isang mahirap na desisyon: ang sundin ang kanyang puso o ang kanyang prinsipyo bilang isang ama at isang byudo. Si Karyssa De Belen ba ang babaeng magpapatibok ng kanyang pusong matagal nang nakatulog? Samahan ninyo ako sa istorya na puno ng maiinit na tagpo sa pagitan ng mag-amo.
WARNING: MATURE CONTENT! RUTHLESS SERIES 1: TRAPPED BY THE DEVIL MAFIA Tahimik at payapa ang buhay ni Solana Chua—hanggang sa isang gabi’y nagbago ang lahat nang siya ay dukutin ng mga hindi kilalang lalaki. Pero ma-swerte pa din siya dahil iniligtas siya ng isang estranghero na lalaki mula sa kamay ng dumukot sa kanya. Pero mas naging delikado ang buhay nang malaman niyang ang lalaking nagligtas sa kanya ay isang malupit na Underboss ng Mafia.He was Nicolai 'The Devil' Valente—ruthless, feared, and dangerously close to being the devil himself.Iniligtas siya nito sa mga dumukot sa kanya, hindi para palayain, kundi para ikulong sa sariling mga kamay nito.“I’m not your protector, sweetheart. I’m your prison.” Dahil literal siyang ikinulong ni Nicolai sa apat na sulok na kulungan sa basement ng mansion nito. At kahit na anong pagmamakawa niya na pakawalan siya nito ay hindi siya nito pinapakinggan. An eye for an eye. A tooth for a tooth.Gusto siya nitong gamitin para maghiganti sa ama niyang may malaking kasalanan dito. Trapped in his grasp, Solana must choose: lalaban ba siya sa lalaking gustong wasakin siya… o susuko siya sa madilim at pinagbabawal na pagnanasa sa pagitan nila.
Malimit punahin ni Aaliyah ang katayuan sa buhay. Lumaki siyang nakatira sa kanyang Lola kasama ang nakababata niyang kapatid. Nag-aaral siyang mabuti upang makakuha ng magandng trabaho para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Palagi niyang iniisip na magkanobyo ng mayaman o may kaya sa buhay. Iyong buhay na kaya siyang buhayin at may kasiguruduhan sa araw-araw. Nakilala niya ang isang construction worker na si Johann de Silva. Matangkad, matikas, gwapo at malapit na sa pamilya niya. Ninakaw nga lang ang kanyang unang halik! Nang ligawan siya nito ay muntik nang makalimutan ni Aaliyah ang pinapangarap niya. Until she accidentally met, Tyler. Dahil sa nalilitong isip, pinili niya si Tyler. A perfect prince. Ngunit paano na kung ang pagsisisi lamang ang nararamdaman niya mula nang naging sila? Paano niya maitatama ang mga pusong nasaktan na?
WARNING: SPG | R+18 After years of divorce, akala ni Thisa tapos na lahat sa kanila ni Rozen Villaluz, na wala nang balikan. She built herself back up, new city, new title, new life as one of the most sought-after designers in the industry. Hindi na siya iyong nagbebenta ng isda sa palengke, minamata na mahirap lang. Ngayon, confident na siya, hindi na pwedeng maliitin, and completely over her ex-husband. At least, ‘yun ang gusto niyang paniwalaan. Pero sa mundo ng business at creativity, maliit lang pala talaga ang mundo. When their company landed a major collaboration project with a top clothing company, she was appointed as project leader, only to find out na ang kumpanyang makaka-collab nila ay pagmamay-ari ng ex-husband niya. The moment she saw him again, in that tailored suit, everything she buried came rushing back. Every meeting turned into a silent war, every presentation a test of control. Sa ilalim ng mga kontrata at sketches, may tensyong hindi maikakaila. Magawa kaya nilang tumagal sa isa't-isa at manatiling professional? O mauuwi palagi sa mainit na pagtatagpo kahit ang isa sa kanila ay nakatakda nang ikasal sa iba?
❗WARNING❗RATED SPG❗ CONTAINS MATURE SCENES ❗READ AT YOUR OWN RISK❗ Paano kung ang lalaking pinapangarap mo mula pa pagkabata ay matindi ang galit sayo na halos isumpa ka? Papangarapin mo pa ba sya?Si Strike Montañez ang lalaking pinapangarap ni Belle mula noong bata pa sya. Hindi lang kasi ito ubod ng gwapo kundi ubod din ng bait sa kanya. Ito ang lalaking pangarap nyang maka-end game. Ngunit dahil sa kapangahasan na kanyang ginawa ay labis itong nagalit sa kanya. Baon nya ang galit nito sa paglipas ng maraming taon. At sa muli nilang paghaharap ay dama nyang wala pa ring pinagbago ang nararamdaman nya para rito. Ito pa rin ang lalaking pinapangarap nya. And this time, babawi sya rito para patawarin sya nito at baka sakali ay matupad na ang pangarap nyang happy ending nilang dalawa.
"You won, Zarex! You made Lorabel fall for you!" Ito ang salitang narinig ni Lorabel mula sa mga kaibigan ni Zarex na dumurog sa kaniyang puso. Hindi niya akalain na ang lalaking sumagip at tumulong sa kaniya sa mga panahong kailangan niya ng makakapitan ay pinaglalaruan lamang pala siya at lahat ng magandang ipinakita ni Zarex sa kaniya ay bahagi lamang ng isang pustahan. Zarex's ultimate betrayal leads to Lorabel heartbreak. Nangako siya sa sarili na hindi na siya maniniwala pa kay Zarex. Kung kailan gusto na niyang bumitaw, saka naman niya nalaman na buntis pala siya. Pero paano pa niya mabibigyan ng buo at kumpletong pamilya ang batang nasa sinapupunan niya kung ang ama nito ay pinaglalaruan at ginamit lamang pala siya?
Isang simpleng probinsyana lang si Mariz "Izzy" Villoria, na napadpad sa Maynila para kumapit sa pangarap. Pero sa pagdating niya sa isang malaking bahay bilang maid, makikilala niya si Gabriel "Gabe" Alcantara, ang guwapong amo na sampung taon ang tanda, ngunit may pusong sarado sa pag-ibig.Para sa kanya, walang forever. Para sa kanya, laro lang ng apoy ang relasyon. Pero bakit sa bawat ngiti ng bagong katulong ay unti-unti niyang nakikitang may dahilan pa para magmahal?