"Ma'am… excuse lang po." Napatigil ako sa pagtakbo sa treadmill nang nakarinig ng maliit na boses mula sa pinto. Lumingon ako roon at nakita ko ang isang kasambahay na nakangiti sa akin.
"Yes po?" I asked habang hinihingal.
“Pinapunta po ako ni Sir dito para tanungin daw po kung gusto niyo raw pong sumama sa pagbisita sa site?” tanong niya.
Napakurap ako at ilang sandaling nag-isip. Wala rin naman akong ibang gagawin ngayong araw. Kaya nga rin ako nandito sa gym para abalahin ang sarili ko at nang hindi mabagot habang nandito sa loob. In that way, I'll forget about the reality where I was practically sold to a stranger.
"Nagmamadali po ba siya? Magbibihis pa po kasi ako kung sakali man," sabi ko. Para din naman makalanghap ako ng hangin sa labas.
Well, hindi naman ako gan'on ka-bored dito sa bahay simula noong napadpad ako rito. The maids were friendly. They never made me feel like an outsider. Sa paraan ng pakikipagsalamuha nila sa akin, pakiramdam ko ay matagal ko na silang kilala. Dagdag pa ang trato sa akin ni Mr. El Sharique.
He looked ruthless kapag tinitignan lang ng hindi kakilala, but if you try to talk to him… hindi naman siya kagaya ng madalas isipin na masungit. He's actually nice and approachable.
"Ay hindi naman, ma'am. Nasa office pa nga po niya, e. Sa tingin ko naman po ay magbibihis pa lang din po siya," aniya kaya napatango ako.
"Sige po. Pakisabi po na sasama ako. Bibilisan ko na lang pong maligo," sabi ko at handa na sanang maghanda para sa pag-alis sa gym nang narinig ko ang boses niya sa likod ng kasambahay mula sa pinto.
"Take your time. May kakausapin pa naman ako. Aalis tayp by eleven," ani Dalton.
Sometimes, I don't really know how to address him. Sabi niya ay tawagin ko siya pangalan niya, but I just can't help to call him by his surname. Masyado raw iyong formal ayon sa kaniya, pero sa tingin ko ay nasa stage pa ako ng adjustment.
Dahan-dahan akong tumango. "Salam… I mean, sure," sabi ko bago ako tumikhim. Naalala ko kasi na ayaw na ayaw niyang nagpapasalamat ako sa kaniya sa lahat ng bagay na ginagawa niya.
Tumango siya bago umalis. Nagkatinginan kami noong kasambahay at sa huli'y pilit na lang na ngumiti sa isa't isa.
I took my time just as he said. Simpleng skirt above the knee at long sleeves lang ang isinuot ko dahil hindi naman pormal iyong pupuntahan namin. I partnered it with a flat white shoes. Hinayaan ko na lang ding nakalugay ang buhok ko. Nang masigurado na maayos ang lahat ay lumabas na ako sa silid.
Dumiretso na ako sa sala para doon na lang maghintay. While waiting, lumapit sa akin si Kiray.
"May lakad kayo, ma'am?" Tanong niya habang nakapaskil sa kaniyang mukha ang malapad na ngiti. She was scanning me with her eyes full of admiration. Mukhang ngayon pa lang yata nakakita ng babaeng nakabihis.
"Nagyaya kasi si Sir Dalton sa pagbisita sa site," sabi ko. "Wala rin naman akong gagawin kaya naisip kong sumama na lang din," dagdag ko.
"Naku naman 'to si Ma'am. Huwag niyo pong tawaging "Sir" si Sir lalo na kapag nasa labas kayo. Iisipin ng mga tao na empleyado kayo kahit na ang totoo ay parang asawa na niya kayo," sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Empleyado niya naman talaga ako," I told her. Kasi bayad naman ako sa ginagawa ko.
"Hay nako, ma'am. Hindi ka kaya empleyado. Amo ka kaya namin dito. Ngayon lang may inuwi 'yang si Sir na babae bukod sa miyembro ng pamilya kaya pagbigyan niyo na kami sa kung ano ang gusto naming isipin kasi dito na lang din kami kinikilig. Nakikita pa lang nga namin kayo na nasa iisang space, e kinikilig na kami. Ano pa kaya iyong nakikita namin kayo na nag-uusap at nagkatinginan?" Aniya at mas lumapad pa iyong ngiti niya.
"Huwag niyo na lang din pala akong tawaging Ma'am. Pakiramdam ko kasi ay ang layo ko sa inyo. Gusto ko kasing isipin na pare-pareho lang tayo ng estado rito. Iyong tipong abot natin ang isa't isa," iyon na lang ang sinabi ko.
Tumango siya. "Sige… pero iisipin na lang namin na para kay Sir, super special mo," wika niya at napailing na lamang ako.
"Hoy, Kiray. Ano na namang ginagawa mo riyan? Ikaw na bata ka… ang dami mo pang nakabinbin na labahan sa laundry room pero dinadaldal mo na naman so Francine diyan," dinig kong saway ni Manang Sonya kay Kiray na kaagad namang napangiwi sa sinabi ng matanda.
"Ayan kasi… ang aga mo na namang kasing maging chismosa," ani Delia na napadaan lang at may hawak na isang basket ng labahan.
"Isa ka pa!" Pagbunton naman ni Manang Sonya sa kaniya ng atensiyon nito kaya napaigtad sa gulat si Delia. "Kanina ka pa riyan, hindi ka pa rin natatapos," dagdag pa nito.
"Kalmahan lang naman natin, Manang. Ang puso…" anito habang nakangiti nang pilit.
"He!" Ani Manang.
I watched them as they argued. Natatawa na lang din ako sa kung paano sila mag-usap. Halatang kumportable na talaga sila sa isa't isa.
Naaasar si Manang, pero pakiramdam ko ay sanay na siya sa gan'ong ugali ng mga kasama niya. Hindi rin naman kasi nila mabibiro ng gan'on kung may ilang pa rin.
"Ang ganda mo, Francine. Bagay sa'yo iyang suot mong damit. Mukha kang model," ani Delia na hindi pa rin makaalis-alis sa kinatatayuan niya.
Hindi rin ba siya nangangawit?
"Salamat," I said and smiled at her.
"Ganda rin ng hubog ng katawan 'no? Madalas ka bang mag-gym?" Singit naman ni Frida na may hawak na walis at tambo.
"Ano 'to? Live interview, mga aber?" Pagalit na namang sabi ni Manang Sonya sa kanila.
"Sandali lang naman, Manang. Ina-appreciate lang naman namin si Francine, e. Huwag kang mag-alala, sexy ka rin naman at maganda," si Delia iyon.
Inirapan lang sila ni Manang bago ito naiiling na umalis.
"Hindi naman. Ngayon na lang din ulit," sabi ko.
Noong unang pasok ko sa trabaho ay nag-eehersisyo ako dahil sa takot na baka mapabayaan ko ang katawan ko. Sa trabaho kasing pinasok ko, kahit hindi naman ako isa sa mga escort, kailangan pa rin na ma-maintain ko iyong hubog ng katawan ko dahil iyon ang patakaran ng may-ari ng club kung saan ako nagtatrabaho noon.
Pero noong nagtagal, napansin ko rin naman na kahit anong pagkain ang kainin ko ay hindi naman naaapektuhan ang katawan ko kaya tumigil na rin ako, lalo pa noong naging mas abala na sa trabaho.
"Alam mo, noong nakita ka pa lang namin… sinabi na namin sa sarili namin na sa wakas at naisip na rin ni Sir na mag-asawa. Alam mo kasi 'yan, masyadong obsessed sa trabaho. Sa katatrabaho, akala nga namin balak na lang tumandang binata, e. Sayang din kasi ang lahi kung sakali. Kaya noong dumating ka rito, halos magpaparty pa kami," pagdedetalye ni Frida.
"Ay sa true ka riyan, sis! Mabuti nga ngayon at mukhang na-realize ni Sir na malungkot din ang walang asawa," segunda naman ni Delia.
Napailing na lamang ako. "Hindi naman kasi gan'on 'yon. May tamang oras para sa lahat," I said. "Hindi puwedeng madaliin kasi ang pag-aasawa, hindi 'yan basta-basta. Isa pa, choice naman ng tao kung mag-aasawa siya o hindi. Siguro sa iba, malungkot ang walang asawa, pero may mga tao kasi na ayaw talagang mag-asawa, and I think we should respect that. Lalo na iyong pagkakaroon ng anak? I think hindi rin dapat iyon nakikita as something na sayang kasi choice rin ng isang tao kung gugustuhin niya man o hindi ang magkaroon ng gan'on," dagdag ko pa.
Natahimik silang tatlo, but I didn't see disappointment or any negative emotion from their eyes, most likely… they looked amazed and in awe kaya nagpatuloy ako.
"Lalo pa kung gusto lang magkaanak para may asahan kapag matanda na? Hindi dapat gan'on kasi hindi naman tamang gawing retirement plan ang mga anak. Kung gusto natin magka-anak, hindi dapat iyon ang rason."
"Ay grabe! Kaya sa'yo kami, e! Alam mo, Francine? Ipaglalaban talaga kita hanggang maubos ako. Kung hindi kayo ni Sir ang magkatuluyan? Ako na lang ang papalit sa kaniya!" Ani Kiray na ngayon ay nakaluhod na sa paanan ko.
Kaagad ko siyang pinatayo. "Huy, ano ka ba? Tumayo ka nga diyan. Hindi naman ako Santo para luhuran, at saka… grabe naman kayo kung makapuri," sabi ko sa kanila.
"Totoo naman kasi, Francine. Kung hindi ikaw, huwag na lang," ani naman ni Frida. "Ang gaan kasi talaga ng loob namin sa'yo, e. Kumbaga, napapantayan mo iyong gaan ng loob namin kay Sir Dalton," she added.
"Oo na…" nakangiti kong sinabi. "Kahit ako rin naman ay magaan ang loob sa inyo. Salamat sa pagpaparamdam sa akin na hindi ako iba at sa mainit niyong pagtanggap sa akin."
Kung hindi pa dumating si Dalton ay hindi pa sila aayos. I really enjoy talking to them. Ang dami naming napag-uusapan na minsan ay kahit iyong mga random na lang na mga bagay ay nakatutuwa pa rin. Life with them so far never went boring.
"Sorry for making you wait," aniya habang pinapasadahan ng tingin ang aking suot. Nang natapos ay bumalik sa mukha ko iyong mga mata niya.
"Okay lang."
"Are you comfortable with your outfit?" He asked.
Tumango ako. "Oo," sagot ko.
He was wearing something formal. Suite and tie. Siguro ay formal din iyong lalakarij niya.
Siya naman iyong tumango. "Okay, then. Are you ready to go?" Tanong niya ulit. I said yes, at sabay na kaming lumabas.
"Kumain ka ba kanina? Tinanong ko si Manang, hindi ka raw niya nakitang nag-agahan," sabi niya habang inaayos ko iyong seatbelt ko.
"Uh… diet kasi," sagot ko.
"Hmm," he hummed. "Maganda naman na ang shape ng katawan mo," he pointed out kaya napatingin tuloy ako sa katawan ko.
Hindi ko tuloy alam kung paano mag-re-react. Ayaw niya ba?
"Thanks, but I just think I need to maintain this shape…" I uttered trying to balance my words.
"If that's what you want, then I have no say with that. I just hope you're not doing it for me. Not to be assuming, but I just want to be clear. You don't need to feel pressured just to please me, okay? I'm fine with whatever body you want to live. As long as you're happy and healthy, then I'm fine with it" aniya bago niya binuhay ang makita habang ako naman ay naiwang nakatanga lang doon dahil hindi makapaniwala sa sinabi niya.