Chapter 03

1532 Words
Madilim pa sa labas nang nagising ako. Nang lingunin ko ang maliit na orasan sa lamesang nasa tabi ng kama ay nakita kong alas quatro pasado pa lang ng madaling araw. Ilang minuto rin akong nakaupo lang sa kama bago ako nagdesisyong gawin na ang mga dapat kong gawin at nang natapos na ay lumabas na ako. When I got out of my room, I saw a househelp on the hallway probably doing her usual job. Nang nakita niya ako ay bahagya siyang yumukod pagkatapos ay binati ako ng magandang umaga. "Magandang umaga rin po," I said with a smile on my face. This will definitely be a good day for me… well I really hope so. "Mag-be-breakfast ka na po ba, Ma'am? Ihahanda ko na po kung sakali iyong agahan niyo," sabi niya kaya mabilis akong umiling tanda ng hindi pagpayag. "Ako na lang, ate. Magkakape lang naman po ako. Hindi rin po kasi ako sanay na tinatawag akong Ma'am, e. Francine na lang po." "Sige po kung gan'on. Samahan ko na lang po kayo sa kusina. Ipakikilala ko na rin kayo sa mga kasama pa natin sa bahay." Then she started walking downstairs. Sinundan ko lang siya. Nang nakarating na kami roon ay naabutan namin ang dalawa pang kasambahay. Sina Delia at Frida. Sobrang dami raw kasi talagang mga kasambahay rito kaya nag-aalala sila na baka raw makalimutan ko kung sino-sino sila. Ayon sa kanila ay may labing-anim nakasambahay, pitong driver, at dalampung security guards ang naninilbihan kay Mr. El Sharique. Iniisip ko pa lang, nalulula na ako sa sahod, pero… bakit pa nga ba ako nagugulat? "Huwag kang mag-alala, Francine. Walang maldita rito sa bahay kasi ayaw din ni Sir na mahaluan ng gan'on ang bahay niya. Kung 'di mo rin natatanong… mabait 'yan si Sir. Kapag nga lang sinumpong medyo lumayo layo ka na kasi talagang lalabas pati tutuli mo sa lakas ng sigaw niyan, " pagkukuwento ni Frida. "Minsan lang naman 'yon mangyari. Kapag lang badtrip siya sa isang bagay. 'Di rin naman nagtatagal 'yon kasi kapag nailabas niya na iyong galit niya, okay na ulit." Dagdag naman ni Delia. "Siya lang ba mag-isa rito sa bahay?" Tanong ko bago ako sumimsim sa tinimpla kong kape. Nakasandal ako sa counter table habang pinapanood ko silang naghahanda ng agahan. Kumunot ang noo ni Frida bago niya ako binalingan gamit ang nagtatakang mga mata. "Kasama niya kami, Ma'am?" sagot niya na parang naguguluhan din. Muntik ko nang naibuga iyong iniinom kong kape. Mabuti na lang din ay napigilan ko ang sarili ko. "Gaga!" Hinampas siya ni Delia kaya napangiwi si Frida. "Siyempre ang ibig sabihin ng tanong ni Francine ay kung may kasama ba siyang pamilya o kamag-anak gan'on! Feeling belong na naman 'to," aniya sa kasamahan niya kaya lalo lang akong natawa. It's just really weird for me to feel this way. Para sa akin… nakakapanibago iyong ganito na nagagawa kong ngumiti. Iyong tipong nararamdaman kong masaya ako. Kasi aminin ko man o hindi… may mga pagkakataong ngumingiti lang ako para ipakita sa iba na kinakaya ko pa, pero ang totoo ay gusto ko na talagang sumuko. It wasn't that easy to work in a place where I often get sexually whistled by some random guys. Madalas pagkamalang isa sa mga escorts at madalas ding mahipuan. The urge to slap or punch who did that to me was so strong, but I chose not to dahil ang iniisip ko noon ay baka matanggal ako sa trabaho na baka sa kalsada lang ang kahantungan ko. "Hala. Bakit naman may umiiyak dito? M-May nasabi ba kami? Lagot ka, Frida. Na-offend mo yata…" Nagbatuhan pa sila ng bintang sa isa't isa kaya inawat ko na. Kung hindi lang nila sinabi na umiiyak ako ay hindi ko pa malalaman. Minsan kasi, automatic na iyong pagtulo ng luha ko kapag may naaalala akong mga mapapait na pangyayari sa nakaraan. Kahit pa masaya naman iyong mga nangyayari sa kasalukuyan, everything will be ruined with just a glimpse from the past. "Tears of joy lang 'to. Hindi niyo naman ako na-offend. Natutuwa lang ako na nakikita ko kayong masayang nag-aasaran," I said as a matter of fact. Sabay silang tumango tango. "Ah… mabuti naman kung gan'on. Akala ko kasi may eviction na magaganap, e. Nako huwag naman kasi may binili pa naman akong bra at panty na hindi ko pa mababayaran." Nakahawak sa dibdib na sinabi ni Frida. "Huwag kayong mag-alala, wala naman kayong kasalanan, e. Masaya lang din ako. Promise." I feel like I needed to say those words for them to calm down. Mabuti naman din at gumaan ulit iyong atmosphere sa kusina nang nagsimula na ulit silang magkuwento ng tungkol sa buhay naman nila. Dahil sa pagkawili ko ay hindi ko napansin ang pagdating ni Mr. El Sharique. "Good morning," he greeted. Ibinalik ko rin naman sa kaniya ang bati pagkatapos ay nagkunwaring humihigop sa kape kahit na wala namang laman iyong baso. "How's your sleep?" Kaswal niyang tanong habang inihahanda ang baso niya para siguro sa kape. He's just wearing his light gray polo shirt and a black cotton pants. Nakasuot din siya ng reading glass kanina pero inalis niya na rin nang ilapag niya iyong hawak niyang libro sa counter table. "Maayos naman. Salamat ulit." "You don't need to thank me all the time, you know?" He stated, as he lifted his gaze on me while he was mixing his coffee. "For me, it's a basic courtesy and a responsibility. I took you home, therefore, I shall take care of you. As simple as that." I sighed. Tama nga rin naman siya. I just didn't expect someone like him to be this… kind towards a girl like me. "Tapos na kami sa ginagawa namin dito, Sir. Larga muna kami para ma-solo mo naman itong manok namin. Usap well…" Sina Frida at Delia bago sila kumaway sa akin habang nakabungisngis. Napailing na lang ako. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay maiilang ako, pero nakapagtataka talagang hindi ko iyon halos maramdaman kapag so Mr. El Sharique iyong kaharap ko. Parang normal lang kasi lahat kapag magkausap kami, e. Iyong tipong wala akong bigat sa dibdibna nararamdaman. There's just something in him that makes everything light. From the conversation to the ambiance. "As I said yesterday night, I want to know more about you. But of course, I should at least introduce myself first. I know ladies should often come first, but this time, ako na muna ang mauuna." He smiled before shifting on his seat. "May I introduce myself?" He asked, which made me completely baffled. Why… does he have to be like this? I mean… he could just introduce himself, but… permission. Just, wow. He just caught me off guard. Alam ko naman na hindi siya ang unang lalaking humihingi ng permiso bago gawin ang isang bagay, but it's actually the first time I'll encounter one. Bumuka ang aking bibig, ngunit walang anumang salitang nangahas na lumabas kaya sa huli ay tanging tango na lamang ang nagawa ko bilang pagpayag. "Hi, Miss Francine Hernandez. I'm Dalton El Sharique— just a random person you've met, but I really hope we could get along well. I live in this house with the househelps, but I see them more than that. I run some businesses which support all of my expenses and this household of course. I am an architect by profession, but most of the time I am just some weird ass guy you'll bump into anywhere in the streets." He paused for a while. I heard him chuckle as he gently scratched his forehead with his thumb. "My parents died when I was ten as their plane crashed mid flight and I won't go into further details. I have three other siblings; two older brothers; and a younger sister. I'm sure Charlotte will be delighted if she sees you," he continued and I just sat there in front of him as I listened to his every word. "I guess that's it? Ano pa bang puwede kong idagdag?" He inquired while he was looking at me straight in the eye. "Any questions you got there? I'd be happy to answer it," he urged me. But at that moment, I couldn't think of anything. Ang alam ko lang ay may naramdaman akong kakaiba. I know it'd cause me a lot of damage. Akala ko sa palabas at mga libro lang iyong sinasabi nilang nakakatakot kapag nakakaramdam ka ng ganito, lalo na kung sa taong hindi ka sigurado, pero nangyayari pala talaga siya sa realidad. It can't be. Iyong ang sigaw ng isip ko. Hindi iyon possible lalo na at ni hindi pa nag-isang araw simula noong nakilala ko siya. I can't be that easy. So, no. No matter what this is… I will do everything to make this stop. Even if it will cost me everything. I just can't let this feeling ruin me. Hindi ako handang sumugal para sa isang bagay na alam kong dehado ako. I've never been a fan of gambling, and I will never be. Hindi ko pa kayang isugal ang sarili ko sa kahit na ano'ng laro. Siguro kapag maayos na lahat, puwede na. Pero ngayon... hindi muna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD