"Beth! Please... Gumising ka na! Gusto na kitang makitang ngumiti ulit! Pangako hindi hindi na kita sasaktan! Babawi ako sayo! Gumising ka lang please!" Nangingilid luhang hawak hawak ni Thomas ang kamay ng babaeng animoy mahimbing na natutulog lamang. Mag-iisang buwan na pero hindi parin ito gumigising, Pumayag siyang kunin ng pamilya ng dating nobyo niya na si Calvin ang batang si Miguel ngunit kinakailangan na atleast twice a month ay luluwas ito para makasama at makita ang Ina. "Thomas? Aalis na kami ha!"- Paalam pa ni Micka "Mag-iingat kayo!" "Salamat sa lahat! Dude"- Wika pa ni Andrei Ngayon ang araw ng pag-alis ng mag-asawa pabalik sa Montecillo "Walang ano man! Ingatan mo si Micka ha! Kung hindi aagawin ko yan sayo"- Pagbibiro pa ni Thomas "Hahaha Ulol! Sige na! Salamat!"-

