
MICKAELA THERESE LLANES DE LEON -
Kilala bilang si Micka ng kanyang mga matatalik na kaibigan. Mabait, Maganda, Mapagmahal, at Maaasahan.
Isang Herederang piniling mamuhay ng simple sa Manila at sa halip ay ninais na maging isang empleyado sa pinapasukang kumpanya na pag-aari ng kanyang kaibigan. Sinasabi ng karamihan na halos na sa kanya na ang lahat ng katangian sa isang babaeng hinahanap ng isang lalaki. Ngunit sa edad na 35 years old ay nananatili pa rin itong single. Ang totoo nito ay maging siya sa sarili niya kung bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi parin matutong mag mahal ang kanyang puso? Hindi naman sa bato o manhid siya sa mga lalaking nagpakita sa kanya ng motibo o mga sumubok na manligaw, kundi ayaw niya lang ikompromiso ang kanyang sarili sa isang taong hindi naman talaga niya lubos na umiibig. Para sa kanya ang pakikipag relasyon ay kaloob ng Diyos, Hindi ito hinahanap kundi kusang dumarating. Wala sa isip niya ang makipag relasyon dahil lamang sa nape pressure na siya sa mga tao sa kanyang paligid, Ano man ang lahat ng desisyon niya ay kaya niyang panindigan. Hindi siya yung tipo nang tao na mahilig magpadalos dalos at higit sa lahat naniniwala siya sa isang tunay at wagas na pag-ibig.
ANDREI SEBASTIAN-
Chickboy, Babaero, Di marunong makuntento sa isa. Ito ang pagkakakilala sa kanya ng karamihan, Palibhasa'y Guwapo, Matalino, Simpatiko at Mayaman. Kilalang Business Tycon at Engineer din ito ngunit piniling mamuhay nang mag-isa at di umasa ng tulong sa magulang at sa yaman na kanyang kinamulatan. Gayunpaman, Ang hindi nila alam may isang babaeng labis na pina ngugulilaan nang kanyang puso. Ang babaeng bata pa lamang ay pinapangarap na niya. Sa napaka murang isip natutong magmahal sa isang babaeng sampung taon ang agwat sa kanya. Isinumpa niya na kapag dumating ang tamang panahon at bibigyan sila ng pagkakatong magkita muli ay hinding hindi na niya ito pakakawalan pa.
Lumipas ang napakaraming taon sa Bayan ng Montecillo kung saan sila unang nagkakilala, Muling magku krus ang landas nilang dalawa.
Babalik ang damdaming matagal na itinago, Sa pagkakataong ito hindi na susukuan ni Andrei si Micka kahit pa merong Paula na pilit na hahadlang mananaig parin ang kanilang wagas na pagmamahalan at patutunayan parin nila na iba parin ang nagagawa ng Pag-ibig.
Sa huli makakamit din nila ang kaligayahan at bubuo ng sariling pamilya.

