Mag e eleven na ng gabi, Isang oras narin ang nakalipas mula ng umuwi at maihatid siya nila Tanya galing Tagaytay. Di siya makatulog, nakatitig lamang siya sa puting rosas na dala niya, na ipinatong sa vase na may tubig.
" Sino kaya yung lalaki? Baka yun na ang destiny ko ah! " pero pinilig niya ang kanyang ulo
"No! Baka naman napagkatuwaan lang ako baka naawa ganun! kasi.. Ako lang yung walang partner? "Saway niya agad sa sarili.
"Matulog ka na nga Mickaela Therese De Leon ipahinga mo na ang utak mo!" Muli pa nyang bigkas sa sarili.
Andrei Sebastian POV
I was in Tagaytay to unwind nag away kasi kami ni Paula. Nahuli niya kong may kahalikang iba! Well masisisi nya ba ako? Palay ang lumapit sa manok natural tutukain ng manok ang palay.
By the way anong karapatan ng babaeng yun? She's not even my girlfriend.Yes we're dating and we had s*x multiple times but, That's it! Init lang ng laman yun, kalibugan ika nga pero seryosohin siya that's a big No! No for me hindi si Paula ang tipo ng babaeng ihaharap ko sa altar! " Nasa ganun state of mind si Andrei nang may dumaan sa harap niyang babaeng kumuha ng attention niya
"Kakaiba na talaga ang kabataan ngayon "Narinig pa niyang turan ng babae ewan ba niya pero natawa man siya ay nacurious din siya sa babaeng ito, Bakit tila matanda ito kung magsalita? Kaya pinagmasdan niya itong mabuti naka jeans ito at naka jacket na maroon naka lugay ang kulay brown na maalon nitong buhok makinis din ang mukha nito ang ilong ay katamtaman lang ang tangos na bumagay sa maliit niyang mukha maganda din ang mga mata nito medyo petite nga ito dahil kung susukatin eh siguro nasa 4'11 or flat 5'0 lang ang height nito pero it doesn't make sense ang cute kaya nya. Mukha din itong bata kaya anong sinasabi nya? Or baka naman matured lang talaga ito mag-isip. Busy siyang pinag-aaralan ang bawat detalye ng mukha ng babaeng nasa gilid na niya ng biglang mag vibrate ang cellphone niya kaya naman agad itong umalis sa tabi nito para tignan kung sino ang tumatawag, naramdaman niya pang tila lumingon sa gawi nya ang babae baka nakaramdam din siya na tinitignan ko siya napangiti naman agad ito sa isip niya umakyat ito sa isang veranda at doon ay nakita niya ang batang lalaking may hawak na mga rosas.
"Boy! Isa nalang Yan?" Tinutukoy niya ang puting rosas
"Opo!"
"Bilhin ko na yan!" At iniabot ang 1000 pesos, Nanlaki naman ang mata ng bata
"Wala po akong panukli dyan kuya!"
"Hindi! Sayo na yan! tapos yang bulaklak bigay mo dun sa cute na babaeng naka jacket na maroon" Sabay turo sa gawi ng babaeng kinagiliwan.
"Girlpren nyo po" Tanong pa ng bata
"Ahh hindi hehehe basta bigay mo nalang" Ewan ba niya pero parang may lumipad na butterfly sa tummy niya ng mapagkamalang girlfriend niya ang babae.
Pinagmasdan niyang makarating ang bata sa kinaroroonan ng dalaga at ng abutin na niya iyon ay umalis narin siya kaagad dahil tumatawag na naman ang tita niya.
" Andrei...." Paglalambing pa ng boses ng tita niya sa kabilang linya
" Tita Luciana? Hi... To my beloved and beautiful Tita" Bati nya sa Tita niya
"Hmmmp... Ayan ka na naman, Ikaw talaga ang galing galing mo talagang mambolang bata ka! "
"No Tita Luciana that's not bola totoo kaya yun! Any way, What's up?"
" Andrei may sinusumbong ang Mommy mo! Akala ko andito ka rin nag ngangawa dito ang Mommy mo at ang kapatid mong si Corine sumasakit daw ulo nila sayong bata ka "
" Why po Tita anong kwento ni Mommy at ng magaling kong kapatid dyan?"
"Andrei! "
"Tita?"
"Umuwi ka muna dito sa atin umiwas ka muna sa mga babae dyan masyado ka ng nagiging playboy!"
"What ? Ako playboy? No.. No Tita! That's not true sila nga ang masyadong inaabuso ang kahinaan ko eh"
"Hay naku! Sige na Iho umuwi ka ha birthday ko naman eh"
"Ayy oo nga pala tita Luciana I almost forgot"
"Naku, kinakalimutan mo na talaga ako eh parehas kayo ni Calvin " Wika pa ng babae sa kabilang linya na tinutukoy naman ay anak nito na pinsan nga ni Andrei.
" No! Tita di kami parehas nyan ni Calvin atleast ako maingat di tulad niya sa sobrang karupukan nagkaanak hahaha "
" Atleast yung pinsan mo nagtino ng magkapamilya! " Narinig niyang sumabat ang Mommy niya
" Love you Mom!" Pang-aasar pa nito
" Tse!! Manang mana ka sa Daddy mo napaka babaero" Masungit na tugon ng Mommy niya
"Oh bat nadamay ako" Narinig naman niyang tutol ng ama kaya natatawa nalamang siya.
Pagkatapos magkulitan at alaskahan ng pamilya niya ay pinatay na ni Andrei ang kanyang phone.
Kakauwi lang niya mula sa business trip sa Canada ay dumeretso na siya sa kanyang condo sa manila at siguro nabalitaan nila ang lahat ng kalokohan nito kay Paula ang babaeng iyon kahit kailan talaga napaka possessive kahit ilang beses niyang ni remind dito na walang feelings involve ang na mamagitan sa kanila ay ipinipilit parin nito ang sarili sa kanya.
Bahagya siyang nadismaya ng di na niya naabutan pa ang sinisilayang babae kanina.
" Sayang naman di ko man lang nakuha ang pangalan niya " Pero bakit nga ba niya na isipang bigyan ng bulaklak yung babaeng yun kung tutuusin nga wala pa siyang nabibigyan ng bulaklak na ibang babae kundi ang mommy, tita at kapatid niya...meron pa pala si.... si Ikay!!!
Napangiti siya ng maalala ang childhood crush nya sa probinsya nila na si Ikay.
" Asan ka na nga kaya ngayon Ikay?" biglang bulong niya sa sarili niya
......flashback.....
10 years ago!!
Andrei who is 15 years old that time, Nag mamadali siyang umuwi ng bahay. Birthday kasi ng paborito niyang Tita si Tita Luciana syempre gusto niyang siya ang unang magbibigay ng gift dito.
Kaya mahal na mahal siya ng tita niya dahil napakalambing ni Andrei dito, Pero hindi lang talaga iyon ang dahilan niya nalaman din niya na uuwi si Ikay, yung ultimate crush nya simula pa nga bata siya ewan ba nya sa mga mata nya si Ikay ang pinaka maganda pinaka mabait at nag iisang babaeng gusto nyang makasama pag tanda niya pero hindi nya alam kay Ikay kung ganun din ba ito sa kanya.
" Happy Birthday Tita! " Humahangos pa na bati ni Andrei, Sa kabilang sulok naman ng kanyang mata nakita na niya ang babaeng nag papabilis ng pagtibok ng kanyang puso si Ikay! Nakangiti siya!.
"Thank you sa pinaka guwapo kong pamangkin!" Sabay halik nito sa pisngi at yakap dito
" Tita naman, As if may iba ka pang pamangkin na lalaki eh kami lang ni kuya andrei pamangkin mo!" Singit pa ni Corine
"Ayy... Oo nga no dalawa lang pala kami ng Daddy nyo na magkapatid " Natawang turan naman ni luciana.
"Ninang gift ko din po " Lapit pa ni Ikay
"Aww... Thank you inaanak " Yakap din nito kay ikay habang si andrei ay parang tuod na nakatanga na naman kay ikay
" He.. Hello Ikay! " nauutal na bati pa ni Andrei
" Anong Ikay? Mommy oh si kuya Andrei di marunong gumalang kay ate Ikay!" saway pa ni Corine
"Andrei how many times do I have to tell you na ate Ikay ang itawag mo kay Ikay! kasi She's like your older sister na She is part of the family narin kasi, friend namin ang mommy nya at inaanak siya ng tita mo" Mommy na ni Andrei ang nagsalita
"Its ok po Tita baka ayaw akong maging ate ni andrei" at nagpout sa harap nya si Ikay
"Oh God! She's so cute doing that! I can't resist her anymore!" Wika pa ni Andrei sa isip niya
"Andrei... Bakit naman ayaw mo kay Ate Ikay mo? Alam mo ba nung baby ka lagi ka nyang kinakarga at ipinapasyal?" kuwento pa ng Tita nya as if naman di nya pa naririnig yang kuwentong yan.
"Baka di po siya komportable sa akin ninang" Narinig nyang sagot ni Ikay
"No! Ofcourse not!" Tanggi naman ni Andrei
"Kung ganun bakit?" Tanong pa uli ni Corine
"Kasi.... Kasi She's so small and tiny to call her Ate!"
Sa halip na sagot ni Andrei
well, Obviously Ikay that time is really tiny, Dabi nga nila late bloomer daw kasi ito.
She's 25 already but literally looks 16 or kasing edad lang din ni Andrei, and Andrei that time is already 5'7. Varsity player na din siya ng basketball sa school nila.
"Arayyy naman!" narinig nyang sambit ng dalaga at napangiwi pa si Ikay sa sinabi niya
"Ahmmm no... I don't mean to offend you Ikay but... Your still cute though" Alam nyang namula ang mukha nya ng sambitin nya ang huli niyang sinabi.
"Hahaha ang cute ni Andrei bat ka nag blush? It's ok! Alam ko naman maliit ako tanggap ko yun di naman mashaket! parang kagat lang ng dinosour ahahaha" tumatawang turan ni Ikay.
Ang totoo nyan ang gusto talagang sabihin ni Andrei ay
"Ayaw kitang maging Ate! Ikay kasi mahal kita!" Yes yun ang gusto nyang sabihin pero di nya magawa kasi alam nyang kapatid or baka nga pamangkin lang ang turing nito sa kanya.
"Bakit nga pala di pumunta ang mommy mo iha? Wika pa ni Luciana habang nasa harap na silang lahat ng mesa
"Busy pa po kasi si mommy ninang simula ng mamatay si Daddy di na mapakali si Mommy gusto niya maya't maya may ginagawa tapos idagdag mo pa ang pagiging plantita nya! Natatawang sagot ni Ikay.
"Pati ang mga tawa at ngiti nya napaka cute, Ikay! Gusto kita gusto ko ang lahat sayo" Sambit sa isip ni Andrei.
"Alam mo siguro dapat bigyan mo na siya ng apo" Narinig nyang sabi ng Mommy nya
"NO!" napalingon lahat kay Andrei matapos mahampas sa mesa ang palad nito ng marinig iyon sa Mommy niya
"What's wrong anak?"
"Ahmmm... Mommy... Si.. Corine kasi She's still young pa para makarinig ng mga ganyang usapan sabay turo nito sa kapatid na 11 years old lang ng panahon na yun.
"Ahh ok... Sorry hehehe I just carried away! Sorry babies" Sabi pa ng Mommy niya.
Pero ang totoo nagpupulos sa galit si Andrei.
Ang isipin niyang may ibang aangkin sa pinakamamahal niyang si Ikay.
"Pero seryoso inaanak dapat mag boyfriend ka na rin tutal nasa tamang edad ka narin naman eh"
"Wala pa po sa isip ko yan ninang eh"
nakahinga ng maluwag si Andrei sa sagot ni Ikay!.
--- end of flashback ----
Napahawak sa kanyang sintido si Andrei, oo nga noh? Kaya siguro naaliw siya dun sa babae kanina kasi nakikita niya si Ikay sa kanya.
Ang height nila pati ang amo ng mukha nito, well side view at likuran lang din naman ng babae ang nakita niya, kaya di rin niya sigurado kung kasing ganda rin ni Ikay ang babaeng yun, and speaking of Ikay simula ng araw na yun wala narin siyang balita sa kanya.
Lumuwas din kasi ito kinabukasan ng Maynila dahil sa trabaho. At siya naman ay pinalipad ng daddy niya sa California para doon mag kolehiyo and the rest is history.
Sabagay, Kahit naman dati pa sa probinsya bihira lang din kami magkita eh. Noong bata pa ako? Oo! Pero habang lumilipas ang panahon ay naging madalang na.
She was 10 nung ipinanganak ako ni Mommy, At lagi siyang isinasama ni Tita sa bahay kaya di na talaga siya iba samin pero, Habang lumalaki ako iba ang nararamdaman ko sa kanya eh, Hindi sa pagiging manyak pero I was 10 and she was 20 ng maconfirm ko sa sarili ko na gusto ko siya more than anything else, and that time I saw her wearing two piece, and naramdaman ko kung paano ang epekto nito sa junjun ko pero ikinalma ko ang sarili ko ayokong magduda siya, Pero that time pinag nanasaan ko na siya akala ko nung una yun lang talaga yun pero damn! nagseselos ako sa mga lalaking umaaligid sa kanya at gusto ko siya laging bantayan at protektahan gusto ko akin lang si Ikay ko.. Pero wala eh baka di nga kami pwede baka nga imposibleng maging kami baka may asawa at anak na siya ngayon kaya sa ibang mga babae ko nalang dinadaan ang frustration ko.