CHAPTER 1

1263 Words
"Mom! Please not now di pa ako makakauwi ngayon ng Montecillo busy pa ako sa work eh" Madiin na tugon ni Micka sa ina habang kausap ito sa kabilang linya. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Nympha alam kasi niyang buo ang desisyon ng anak at imposibleng mabago na "Pero kasal iyon ni Dianne iha!" Muli pa nyang pukaw dito si Dianne ay isa sa matatalik na kaibigan ni Micka noong bata pa sila. "Mom! I know! nagkausap na kami and besides matutuloy naman ang kasal nya with or without me eh so, No need pang umuwi diyan, I know you mom ano na naman bang agenda mo? magpapadala ako ng gift kay Dianne kaya di ko magets ang point mo!." muli pang atungal ni Micka sa ina "Anak I missed you! Gusto kitang makasama ang tagal mo ng wala dito sa Montecillo" "Mommy! Last 6 months ago nandyan ako remember?" "Yeah pero ang tagal na nun namimis ko na ang anak ko" Tampo pa ng ina nito "Mom ano na naman ba to? kanino mo nanaman akong anak ni Poncio Pilato irereto? umamin ka!?" "Anak! Mabait to sigurado akong magugustuhan mo to!" Napahawak sa batok si Micka tama ang hinala niya may irereto na naman ito sa kanya kada magtatangka kasi itong pauwiin siya laging ganito ang eksena nito "Sabi ko na eh! Sabi ko na!" "Anak! You're not getting younger anymore nag aalala lang ako sa future mo!" "Mom! Stop it na ok? That's not gonna make it" "Anak try mo lang anak to ni Zeny yung classmate ko nung highschool wala parin daw nobya yung lalaki ahmm bata nga lang sayo ng mga tatlong taon pero di naman halata kasi mukha ka namang bata tsaka wala kang aalalahanin anak may business yung tao sigurado ako buhay ka dun di mo na kailangan pa mag work" Litanya pa ng ina. "Mo....mmmmy!!!!" muli pang saway ni Micka "No... My decision is final! Not this time Mom!!! Bye uuwi po ako pag may free time ako and I'll surprise you nalang!! When? I don't know basta uuwi ako ok?.. Bye Mom! love you!!!" Agad na pinatay na ni Micka ang end button at di na inantay pa makapagsalita ang ina. "Arrrggghhhh...." Inis na sumalampak si Micka sa kanyang sofa. Linggo na linggo ang init kaagad ng ulo niya kung bakit ba kasi ganito ang ina niya. Actually di nya din ito masisi she's now 35 years old and still single siguro nag-aalala nga lang ito sa kanya kung kailan ito mag-aasawa. Bumuntong hininga nalamang si Micka at humarap sa salamin. "Bakit nga ba kasi Micka? Di ka naman pangit! Actually may itsura ka naman! Di nga lang pang beauty queen o pang model ang katawan mo'! pero atleast may itsura ka!! Haist... Ano ba nangyayare sakin" Ginulo gulo pa nito ang buhok sa sobrang inis, maya maya pa ay nagring muli ang cellphone nito at agad na sinagot ng makita kung sino ang tumatawag. "Hello!" Agad niyang bungad "Bakla!!!! Tara gora na tayo!!! Malanding sagot ng kaibigan at kasama sa trabaho na si Tanya kasing age niya ito, But unlike her Tanya has lots of boyfriends. Halos linggo linggo iba ang jowa lapitin kasi talaga ito ng boys dahil sa taglay na ganda at pamatay na hubog ng katawan pero sobrang jolly at masayahin kaya naman kasundo niya ito "Saan na naman yan? " Maikling sagot niya "Tagaytay tayo sagot ni Allan" "Allan? Sinong allan?" Takang napatayo si Micka "Girl! Allan is my boyfriend!" Sagot pa ni Tanya "Ha? Eh di ba si Joseph yung kasama mong naghatid sayo kagabi?" "Wala na kami kagabi lang din!" "What??? Paano? Eh ang sweet nyo kagabi ah! At paanong umeksena itong Allan?" "Well masyadong mabilis eh basta wala na kami ni Joseph ayoko na sa kanya si Allan na gusto ko now! Ano na? Sama ka ah daanan ka namin in just 30 mins nandyan na kami" "Ha? Wait! Di pa ko nag aalmusal at naliligo uyyy... Aga nyo saglit lang naman!" Nataranta bigla si Micka narinig naman niyang humalinghing ng tawa ang kaibigan mula sa kabilang linya alam na niya nakikipag landian na naman ito sa bago nitong nobyo. "Sige na maliligo na ko mamaya kayo dumaan please lang! Or else di ako sasama!" Banta pa nito sa kaibigan "Ok... Ahh... Ahh.." Sagot naman nito sa kanya napapikit nalamang si Micka dahil alam niyang may milagro na namang ginagawa ang kaibigan, kaya pinatay na niya ang kanyang cellphone. "ahaissttt.... What a day!!!" Napasigaw nalang si Micka. Alas tres na ng hapon ng makarating ang love birds sa condo unit ni Micka upang sunduin ito. Alas nuebe pa nang umaga ng tumawag ito at syempre alam na niya kung bakit ito natagalan di naman siya ipinanganak kahapon para di malaman ang bagay na iyon. Di lang niya maisip kung bakit di pa magpakatino sa iisang lalaki itong si Tanya, kahit ilang beses na niya itong binalaan sa kung anong maaring sakit ang makuha niya dahil sa iba ibang lalaki ang nakakapasok sa kanya ay di naman siya nito pinapakinggan. Gabi na ng makarating sila ng Tagaytay at sa inis niya dahil panay lampungan ng dalawa sa loob ng sasakyan na animoy wala siya sa loob ay agad siyang bumaba at naglakad lakad na lamang. Ngunit sa di niya mawari bakit parang mapang asar talaga sa kanya ang araw na iyon lahat ng madaanan niya ay puro magkasinatahan. Kung hindi magka holding hands ay naghahalikan oh di kayay kulang nalang ng langgam dahil sa sobrang tamis nila sa isat-isa "Grabeh ang babata pa naglalampungan na! naku iba na talaga ang kabataan ngayon!" Nasapo naman niya ang kanyang ulo dahil sa mga nakikita niya ng biglang maalala ang kanyang ina. "Ano nga kaya kung umuwi muna ako ng Montecillo total naman wala naman masyadong ganap ngayon sa company dahil katatapos lang ng project namin!" Financial Manager si Micka sa Advertising agency na pinapasukan niya pag-aari ito ng kaibigan ding si Leah. Siya, si Tanya at Leah ay magkakaibigan at magkakaklase nung College sinuwerte lang si Leah at natipuhan ng isang foreign investor at naging asawa kaya nang mag tayo ng sariling company sila tanya at micka din ang kinuha niya para tulungan siya sa negosyo. "Tama! Sa saturday na ko uuwi patapusin ko muna yung kasal ni dianne" Friday kasi ang kasal ni Dianne kaya naiisip niyang kinabukasan nalang umuwi at huwag ipaalam sa ina. "Pagrerelax ang punta ko dun hindi pakikipag blind date sa mga irereto ni Mommy!" Buong loob na sambit ni Micka sa sarili napahinto siya sa paglakad ng matanawan ang overlooking view na punong puno ng makukulay na ilaw na nag pamangha sa kanya. Nakaramdam naman siya ng pangangatog, nang dumampi sa kanyang pisngi ang malamig na simoy ng hangin ng Tagaytay mabuti nalang at naka jacket siya pero ewan niya tila naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya nilinga linga niya ito ngunit wala naman siyang nakita. "Grabe na talaga to kung anu-ano na ang naiisip ko." Kasalukuyang abala sa pagkuha ng magandang selfie si Micka ng lapitan siya ng isang batang lalaki. "Ate! Ate! Para sayo daw po!" Sabay abot ng isang puting rosas nanlaki naman ang mata ni Micka "Sa akin? Sure ka?" "Opo pinapabigay po ni kuyang pogi'' "Ha? Sino?" Sabay lilingap lingap habang hinahanap yung lalaking sinasabi ng bata "Umalis na po eh kanina pa po siya nandyan nakatingin sa inyo" "ha?" Takang napaawang ang bibig ni Micka sino ang lalaking tinutukoy nung bata? Kung ganun tama ang pakiramdam niya kanina may nakatingin nga sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD