CHAPTER 3

2095 Words
"Micka!!!!" tili ni Tanya ng sumapit na ang lunch break nila. "Ano na naman lukaret ka umayos ka nga baka pag nakita kang ganyan ng mga empleyado dito eh mawalan na sila ng respeto sa yo bruha ka!" "Edi don't" tapos pasimpleng nagpout nairita naman bigla si Micka "Magsasalita ka o tatampalin kita" banta pa niya sa kaibigan. "Ang liit liit mo ang tapang tapang mo kabwisit ka rin talaga minsan eh!" sagot pa ni Tanya "Bakit nga kasi?" "Bakit ka magleleave sa sabado?" "Uuwi ako ng Montecillo!" "Bakit?" "Gusto ko siguro mag unwind? mag relax? malayo sayo pumili ka?" "Grabe ka sakin girl! sama ako" "Hala siya lalayo nga ako sayo tapos sabay sasama ka?" "Eh... Eto naman parang others!" pamaktol pa na hinawakan ang braso ni Micka. "Eh bakit ka ba sasama tsaka nakakahiya kay lea kung pareho tayong wala dito" sagot pa ni Micka "Para maiba din environment ko noh! tsaka para makalimutan ko si Phillip" sagot pa ni Tanya. "Phillip??? Hindi yun yung kasama natin sa Tagaytay nung isang gabi ah!" "Girl, wala na yun huli ka na sa balita" "Ewan ko sa yo Tanya! Di ko alam kung mandidiri ba ko sa yo or what?!" "Eh grabeh ka sakin" "Anong gusto mong kainin? Pizza?" Yaya pa ni Micka ikaw cge dun tayo sa Greenwhich trip ko din mag lasagna eh" "Ok!" Habang kumakain napansin ni Micka na tahimik si Tanya na nakatanaw sa malayo "Hoy!!!" untag nito sa kaibigan "Hmmm?" tugon lamang nito anyare sayo? tanong pa nito sa kaibigan bumuntong hininga pa ito bago sumagot "Girl" panimula ni Tanya "What?" "I think I'm pregnant" "Really???" eksaheradang pinalaki ni Micka ang mata sa narinig "Congrats friend!!! I'm so happy for you!!!" Tuwang tuwa si Micka kaya napahawak ito sa dalawang kamay nito, pero napansin niyang malaungkot parin ito. "Bakit ka malungkot? Blessing yan girl!" "I know! kaya lang lalaki siyang walang ama!" Malungkot na sabi ni Tanya. "Huh? eh sino ba nakabuntis sayo?" "Yun nga eh hindi ko alam kung sino sa kanila " Namomroblemang nahilamos niya ang kanyang palad sa mukha niya "Tanya!!!! My God ka!!! Ayan ang sinasabi ko sayo eh ayaw mo kasi magseryoso eh." "Lagot ako kina Mama at Papa nito pag nalaman nilang di ko kilala ang ama ng apo nila" Naiiyak na si Tanya. "Teenager lang ang peg?" Natatawa naman na turan ni Micka. "Oh siya sige sumama ka sakin sa province namin, Saturday ng madaling araw ang alis natin kaya, Friday night sa condo ko ikaw matutulog para sure ball na walang hintayang magaganap ok ba?" nagliwanag naman ang mukha ni tanya sa tinuran ng kaibigan "Thank you! Thank you beshy wap! muwah! muwah!" Yumakap at bumeso pa ito sa kaibigan! Mabilis na sumapit ang sabado gaya nga ng napag usapan alas tres ng madaling araw sila umalis at para hindi antukin ay puro rock song ang pinatugtog nito sa kanyang sasakyan, kaya naman ganun nalang ang kunot sa noo ni Tanya sa kaibigan dahil sa ingay nito at sa klase ng sound trip nito, samantalang ngingiti ngiti lang si micka dahil talagang natatawa siya sa expression ni Tanya. 9 hours ang biyahe nila mula manila hanggang Montecillo buti nalang at walang masyadong traffic kaya wala pang alas dose ay nakarating na sila sa bahay nila Micka. Pinaghalong gulat at saya naman ang rumehistro sa mukha ni Nympha ng masino niya ang bumaba ng sasakyan. "Micka! Oh my God my Unica Iha! I missed you so much" mahigpit na yakap ang ginawad nito sa anak "It's nice to be back Mom!" wika naman ni Micka "Ikaw talaga uuwi karin pala bat di pa kahapon! edi sana..." "Edi sana kung kani kanino mo nanaman ako irereto?" putol nito sa sasabihin ng ina "Ikaw talaga anak its for your own sake naman tsaka di naman kung sinu sino lang syempre kelangan kilala ko at alam ko ang family background!" sagot pa ng ina "Miski na Mom ayoko nun kasi feeling ko nagmumukha ako pathetic at desperada pagka ganun eh ayoko ng ganun mom kaya please itigil mo na yan or else di na talaga ako uuwi dito!" "Ikaw talaga di naman yun ganun anak!" "No! ganun yun mommy! ay siya nga pala may kasama ako wait lang po" kinatok pa ni Micka ang kabilang pinto ng sasakyan Mom this is Tanya! Tanya! this is my Mom!" "Hello po Tita nice meeting you po!" Bati naman ni Tanya habang bumeso dito samantalang napaawang lang ang mukha ng kanyang ina "A-anak! kaya ba ayaw mo na ireto kita sa mga anak ng kakilala ko kasi ba-babae ang gusto mo?" Maang na tanong a nito "What?" Mom!" Halos mamula sa pagkapahiya si micka at napakamot nalang ito sa ulo habang humagalpak sa katatawa si Tanya! "No way! Mom of course not! bat mo naisip yan? Yuck as in big yuck! Mommy!!!" "Hahaha i like you tita ang lakas ng sense of humor mo hahaha" tuloy parin sa pagtawa si Tanya siguro kung di lang alam ni micka na buntis ito kanina pa niya ito nabatukan "Eh kasi naman di ko naman alam ang preference mo nak eh wala ka naman sinasabi kung ano talaga gusto mo tsaka ngayon kalang nagdala ng kasama dito eh" ginayak naman ni Nympha ang dalawa sa loob ng bahay "I'm not against Lesbian or ano pamang kasarian Mom pero No! I'm not like what you think of, It's a long story mom!" "Hoy ha gusto mo pala ako di mo sinasabi pwede naman eh papatulan na rin kita hahaha" Muli pang asar ni Tanya sa kaibigan "Shut up! Over my dead body!" Maliit lang ang bayan ng Montecillo kaya halos lahat ng tao doon ay magkakakilala isa pa kilala sa bayan nila ang pamilya nila micka dahil na rin sa yumaong ama nito, isang kilalang doktor sa kanilang bayan si Dr. james de leon at nasa mahihirap na pamilya ang kanyang puso, kaya naman kahit sa gana at likas na angat ang kanilang pamumuhay pinili parin nilang umasta ng payak at hindi inilalayo ang sarili sa iba nagpatayo din ng hospital noon si Dr. de leon para sa mga mahihirap kaya gustong gusto siya ng mga tao doon, siguro kung hindi lang ito namatay sa aksidente noon ay mas marami pa itong kawang gawa para sa mga kababayan, Akala nga ng iba ay tatakbo itong mayor pero ni hindi ito sumagi sa isipan ng ama. Samantalang si Nympha naman ay may ari ng malaking farm sa bayan nila at gaya ng asawa marami din itong tinutulungan. Kinabukasan, Inaya ni Micka na mamasyal sa kilalang Flower Garden sa kanilang lugar si Tanya nag bisekleta lamang sila dahil patag naman ang daan doon at malapit lang iyon sa kanilang Villa. Habang nasa daan madaming tao ang pumapansin at kumakausap dito. "Good morning po mam Micka nakabalik na po pala kayo lalo po kayong gumanda ah" "Teka si Micka ba ito yung anak ni Dr. De Leon? ay kagandang dilag naman nito" wika pa ng matandang babae "Welcome back mam Micka" "Uyy si micka!" "Hi Micka" "Wow! Sikat ka pala dito girl grabe mula pag labas natin ng bahay nyo walang taong hindi pumansin at bumati sayo iba din!!! Parang artista lang ang peg?!" buska pa ni Tanya. "Gaga! dahil yun sa mga magulang ko hindi sakin! Oh dito na tayo" sabay parada ng bike at ituro ang sign board na "IKAY nasa hardin ni THERESE" "Ang weird naman ng name ng garden na to pero wait ummpp... Instagramable ang loob infairness! Wait! Kunan mo ko dito tsaka doon ay doon pa ang ganda syemay!!!" Di magkahumayaw na si Tanya dahil sa ganda ng nakikita. "Anong weird ka diyan! Sakin kaya to!" natatawang sabi ni Micka. "What? No way!" Nanlaki pa ang mata ni Tanya "Yes! you heard me right!! Pinagawa to ni Mom and Dad for me, Mickaela Therese ang name ko diba? And my Dad used to call me Therese when he's still alive!" paliwanag pa ni Micka. "Wow girl, Ang yaman mo pala baka mas mayaman ka pa nga ata kay Lea eh" "Gaga mayaman ang parents ko di ako!" "Eh kanino ba mapupunta yun eh nag-iisa kang anak? Edi sayo din shonga ka!" "Pero gusto kong kumilos para sa sarili ko mas masarap parin gastusin ang perang alam mong pinagpaguran at pinaghirapan mo, all of this? Maybe yes! someday! Pero ipag mamalaki ko parin na natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa! at ganun ako pinalaki ng parents ko" "Very well said!" sabay palakpak pa ni tanya "Eh bakit pala namatay ang Dad mo?" "Car accident pauwi na siya nun galing sa hospital ng may iniwasan daw siyang bus sabi ng nakakita tapos sumalpok sa poste yung sinasakyan ni Dad!" malungkot na wika ni Micka "Aww so sad friend!" "That was 20 years ago naman na kaya ok na kami ni mommy naka moved on na kami pareho! ikaw? paano ka?" baling pa nito sa kaibigan "Nakakainis ka pinaalala mo pa!" nalukot ang mukha ni tanya "Di mo ba talaga kilala kung sino ama nyan?" "Girl alam mo naman diba?! mabilis akong mag sawa kaya every week iba iba jowa ko!" "Tapos bawat jowa bumubukaka!? haliparot ka kasi eh sorry sa term ah pero masahol ka pa sa pok pok dzai sa true lang!" sermon pa nito sa kaiabigan "Oo na alam ko naman na yun eh! kaso anong magagawa ko nandito na to eh" "So, anong balak mo mag papatawag ka ng meeting sa mga lalaking naka kama sayo?" "Ayy sobra siya di naman! nakakahiya naman yun!... Ang tabil din talaga ng dila mo minsan eh noh?" "Syempre real talk tayo dito, ano na nga?" "Ewan ko!" "Sure kana bang buntis ka talaga?" "2 times ako nag pt parehas ng result di pa ko nag papacheck up pero 2 months na kong delayed eh" "2 months you mean nag punta tayo ng Tagaytay nakipag jugjugan ka dun sa allan may laman na yan?" "O-oo" nahihiya pang tugon ni Tanya napahilamos naman si micka ng palad nya sa mukha. "Kakastress ka girl" "Oo na nga eh! alam ko naman yun kesa naman patayin ko to?! tsaka baka.. way narin to para tumigil na ko sa pag lalaro ko ng apoy! you know tumatanda na tayo atleast magkaka baby na ako" napangiti naman si micka "sa wakas may nasabi ka ding tama kung hindi tatamaan kadin sa kin eh!" Ilang oras pa silang nagtagal doon dahil panay picture at selfie pa si Tanya. "May falls dun sa kagubatan puntahan natin bukas tapos malapit din ang dagat dito siguro mga 45 minutes kapag naka sasakyan tayo ipapasyal din kita dun magdala ka narin ng pang swimming mo bukas" "Ayy sige bet ko yan!" "Behave ha! may baby ka na" saway naman sa kaibigan "Yes Mam!" sumaludo pa ito kaya natawa nalang din siya "Pero bago yun punta tayong bayan ngayon! bili tayo ng cake birthday pala ni ninang ngayon muntik ko ng makalimutan daan tayo sa mansion nila! tutal maaga pa naman!" "Nang naka bike?" reklamo pa ni Tanya "Oo malapit lang yun! tara na" Pagdating sa bayan ay halos lumuwa ang dila ni Tanya. "Lintik ka girl! balak mo ba kami patayin ng anak ko? sabi mo malapit lang daig ko pa ang nag gym sa pawis oh 1 hour and 30 mins... woohhh lapit nga!" atungal ni tanya "Hahaha di kalang sanay! wait ako na papasok sa loob antayin mo nalang ako dito" sabay pasok sa kilalang bakeshop sa lugar nila "Good Morning mam! bati ng tindera" "Good Morning po isang strawberry cake nga po" sagot niya dito "Sige mam pero mga 30 mins po mam may nauna po kasing order din ng strawberry cake eh" tugon pa ng tindera "Sure! No problem" Umupo muna si micka malapit sa glass door at tinext nalang si tanya na 30 mins pa siyang mag aantay sa labas nakita naman niyang padaskol na naupo ito sa waiting shed, natawa na naman tuloy siya. Habang naghihintay ay nagbrowse nalang siya ng sss niya. Maya maya pa ay nagpasiya siya mag patugtog nalang gamit ang paborito niyang music apps pero hininaan niya lang para kung sakaling tawagin na siya para sa order niya ay maririnig niya, Ngunit sa di niya malaman, pakiwari niya ay may nakamasid sa kilos at galaw niya, kaya naman ibinaba muna niya ang kanyang phone at lumingon lingon sa mga tao doon pero puro busy din sila sa kanilang mga ginagawa at gaya niyang mga nag hihintay ipinilig nya ang kanyang ulo at inisip na marahil ay guni guni lamang niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD