CHAPTER 4

2102 Words
Sh*t anong oras na? napabalikwas ng bangon si Andrei. "Hey what's wrong?! Usal ng babaeng katabi niya sa kama nakilala niya ito sa club nung nagdaang gabi. "Wala matulog ka lang dyan ilock mo nalang tong unit pag alis mo" "What? Saan ka pupunta?" "I need to go! Birthday ng Tita ko need kong umuwi ng Montecillo." "Seriously? Iiwan mo ko dito? Kelan ba Birthday ng Tita mo sama ako" pagkuway naupo narin ito at ibinalot ang kumot sa hubad nitong katawan "Nope! Hindi pwede galit yun ngayon kahapon ang birthday nun nawala sa isip ko" "Pero".. Hinalikan ni Andrei sa labi ang babae bilang putol sa sasabihin nito "Kita tayo soon Ana!" "Whose Ana? My name is Hya! You ashole!" "Ooppss... My bad!! Sorry Hya! sabay kindat. Wala naman kasing importanteng gamit sa condo na yun, kaya ok lang sa kanya kahit iwan niya iyon at patulugan sa ibang tao. Isa pa, Binili niya talaga ang unit na yun para gawing parausan lamang sa mga babae niya hassle nga naman kasi kung dadalhin niya pa sa motel or hotel mahirap na baka may makakita sa kanyang kakilala ng pamilya niya sa Montecillo edi sermon ang inabot na naman nya and speaking of sermon eto rin ang mas ina alala niya ang tampo ng tita niya kung bakit ba kasi di nya naalala tiyak na mahabang suyuan na naman ito. Mabilis na pinaharurot ni Andrei ang sasakyan and since maalam siya sa mga daan at mga shortcuts bilang isa itong Geodetic Engineer at rider din, Alam na niya kung saan ang mga daan na mas mapapabilis siya at yun nga! after 6 hours nasa bayan na siya. Nasa harap siya ngayon ng pabortio nilang bakeshop at naalala niyang gustong gusto ng tita niya ang strawberry cake doon kaya ibibili niya ito bilang peace offering! Kasalukuyan siyang nasa table nag aantay na tawagin ng tindera ng makita niyang pumasok ang isang pamilyar na babae. "That was her" Hindi siya maaring magkamali siya yung girl sa Tagaytay anong ginagawa niya dito narinig nyang umorder din ito ng strawberry cake. "Wow! Co- insidence ba ito na parehong bakeshop? At parehong bayan ang binilhan nila ng strawberry cake? Pero yung boses niya! Narinig nya na somewhere yun. Iyong ganung boses di niya lang masyadong maalala pero di siya nagkakamali siya talaga yung sa Tagaytay, Side profile palang nung babae alam nya na! But this time kita na niya ang kabuuan nito ng malinaw dahil nasa maliwanag na ito. Naka short shorts ito kaya kitang kita niya ang kinis at kaputian nito, Naka hanging blouse din ito bagamat medyo pawisan dahil nakita niyang nag bike lang ito eh kanina mukha parin itong mabango bahagya ding itinaas nito ang buhok niyang maalon gawa siguro ng init dahil galing nga ito sa pagbike. Naka ngiti siya habang pinag mamasdan ang babae nang bigla nalamang rumehistro sa kanyang utak ang childhood crush niya na si Ikay! Yes parehas sila ng Ikay na crush niya noon parehong pareho ang pigura ng mukha nila, Kaya siguro agad napako ang mata niya dito pero imposible naman! sa pagkakaalam niya Ikay is now 35 pero itong babaeng nasa harap niya she looks younger kaya imposibleng si Ikay ito maliban nalang kung hindi ito tumanda at nag matured at siguro kung makita din siya ni ikay ngayon baka hindi rin siya makilala nito dahil sa laki din ng pag babago niya. Well lahat naman kasi dumaan sa puberty noong bata kaya aminado siya na ibang iba na siya, Di na siya patpatin, Wala na rin siyang braces at higit sa lahat marami na siyang napaiyak na babae bahagya siyang napangiti sa huling naisip kaya naman tinutok nalang niya ang paningin sa kanyang cellphone. Strawberry Cake po for Luciana- Wika pa ng tindera pagka rinig ay agad tumayo si Micka para kunin sana ang cake pero laking gulat niya nang may makasabay siya. "Excuse me Mr.? Sakin yata yan?" wika ni Micka "No Miss sakin to!" Sagot pa ni Andrei "Pero for Luciana yan eh" Sagot pa ni Micka "Yes! So... Kaya sakin nga to miss" sumilay naman ang nakakalokong ngiti ni Andrei kaya kitang kita ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin, napataas naman ng kilay si Micka kaya binalingan ang tindera. "Ate same ba kami ng order?" Agad na tinignan ng naunang tindera ang order slip na nakapatong, Hindi kasi siya ang kumuha ng order ng dalaga kanina. "Ahh.. Yes mam same strawberry cake for Luciana mam bale 10 mins pa po sa inyo mam sorry po" "Ahh ok sige" Agad na tumalikod si Micka. Kitang kita na ngayon ng malapitan ni Andrei ang babae and damn, She is more prettier now napaka kinis ng mukha nito at kahit wala itong make up ay napaka ganda nito simple ang postura pero ang lakas ng dating gusto sana niya sabihin dito na siya ang nagbigay ng bulaklak sa kanya sa Tagaytay pero baka matakot ito at kung ano pa ang isipin. Papasok na sana sa sasakyan si andrei pero muli siyang humabol ng sulyap sa babae sakto naman na napatingin din sa gawi niya si Micka kaya muling nagtama ang kanilang mga mata di niya mawari pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya bagay na hindi niya naramdaman na ng mahabang panahon. "Ano to? Bakit? Isang babae lang nagparamdam sakin ng ganito dati si Ikay lang pero ngayon bakit ganito nararamdaman ko sa babaeng to!" Nang marahil tinawag na ng tindera ang babae ay agad na nag iwas ito ng tingin sa kanya. Siya naman ay pumasok na ng tuluyan sa kanyang sasakyan. "Ano yun same place? Same bakeshop? Same name ng pag re-regaluhan ng cake at take note same flavor din" kausap ni Andrei sa sarili. "Bakit nabahag na naman ang buntot mo Andrei bat di mo nagawang tanungin ang name nya! Haist" Micka's POV "Si Andrei ba yun? Parang si Andrei nga! Ang batang yun bat di niya ako nakilala? Naku humanda siya sakin isusumbong ko siya kay Ninang! Pero.. bakit kasi parang nahiya din ako sa kanya? Kaya di rin ako sure kung siya nga eh, pero feeling ko siya yun eh!" Nagdadalawang isip din si Micka. Nung una kasi sa counter di pa niya sure kung sino ang lalaking kaharap niya pero ng magkatitigan sila habang nasa labas ang binata bigla niyang naalala si Andrei ganun na ganun kasi tumitig sa kanya ang batang yun noon. Di rin niya maintindihan kung bakit at kung anong trip nun?!" Nasa harap na ngayon ng mansion sina Micka at Tanya kasalukuyang inaayos ng dalawa ang pagpuwesto ng kanilang bisikleta. "Nakakagulat talaga dito sa inyo ang yayamanin ng mga tao ah!" Wika pa ni Tanya "Suss.. Nagsalita ang hindi ah!" Sagot naman ni Micka "Di kami ganito kayaman katulad dito sa inyo noh! kung wala siguro yung resort namin sa bohol baka wala kaming pagkukunan ngayon alam mo naman na di narin masyadong umuusad yung tayloring shop namin dahil kulang na sa tao ang bagal pa ng pasok ng mga customers ewan ko ba anong nangyayare dun?" Sagot pa ni Tanya "Baka kasi masyadong old fashion na yung mga designs nyo dapat nakikipag sabayan kayo kung anong latest trends! eto naman parang di nagtatrabaho sa advertising agency magbigay ka kasi ng idea mo sa parents mo para matulungan mo sila!" "Lemme think about it" Tanging sagot ni Tanya "Ang maldita mo kasi kaya hindi kayo close eh" sabat pa ni micka nag pout naman ng nguso si Tanya. "Good Morning po mga mam! sino po kailangan nila?" Bati sa kanila ng isang lalaking may katandaan narin "Mang Berto? Kayo na po ba yan?" Wika pa ni Micka "A-ako nga Ineng ki-kilala ba kita?" nagtatakang sagot ng matanda "Girl nasan ba tayo bat di ka kilala ng matandang to?" Tanong pa ni Tanya "Mang Berto ako po ito si Ikay!" Sagot naman ni Micka at biglang nanlaki ang mata ng matandang kaharap niya at halatang di makapaniwala "I-Ikay??? De Leon? Anak ng yumaong si Dr. De Leon?" panigurado pa ng matandang katiwala "Opo! Mickaela Therese Llanes De Leon po or Ikay for short po at your service Mang Berto!" nakangiti pang sambit ni Micka "Asuss kang bata ka ke tagal mo kasing nawala eh ang Mommy mo bibihira naring madaan dito kaya wala na kaming balita masyado sayo ang alam lang namin ay nasa Manila ka!" "Busy din masyado kasi si Mommy! Dumaan lang po ako! Naalala ko kasi si Ninang kaya binilhan ko siya ng strawberry cake favorite nya kasi to!" "Oh siya sige matutuwa yun pag nakita ka halina kayo sa loob" aya pa ni Mang Berto sa dalawa Sa Veranda ng mga Sebastian naroon sina luciana, at mag-asawang Helen at Simon Sebastian. "Luciana! Anong oras ba ang dating ni Augusto?" wika ni Simon "Ipinapasyal pa ang apo niya kuya sa may Plaza" sagot naman ni Luciana "At bakit na naman Simon? Aayain mo na naman mag-inom ng alak? Ikaw yung atay mo ha!" Saway pa ni Helen sa asawa "Tignan mo tong asawa ko hinanap ko lang yung bayaw ko kasi, parang nalulungkot tong kapatid ko dito sa Veranda" paliwanag pa ni Simon "Naku palusot ka pa diyan! eh teka nasan ba yung mag-asawa? Sina Calvin at Dimple?" tanong pa ni Helen kay Luciana "Hayun nag punta ng Hongkong gustong masolo na naman ang isat-isa... Ok na rin yun para masundan narin si Candy malay nyo its a Baby boy naman this time" nakangiting wika pa ni Luciana "Sabagay! Nakakainggit buti ka pa may apo na samantalang ako tong panganay sa ating dalawa pero yung mga anak ko wala pang balak mag-asawa" Banat pa ni Simon sa kapatid na si Luciana. "Dad! I heard you!" wika naman ni Corine na nasa likuran na pala at nakikinig kaya agad itong yumakap sa Ama. "Dad 21 palang po ako! bata pa ako si kuya pwede na kaso mukhang malabo kasi puro kalokohan sa babae yun eh" dagdag pa ni Corine "Hep! Ayan ka na naman Corine sinisiraan mo na naman ako ah!" Agad na intrada ni Andrei na kararating lang. "Andrei" Sabay sabay na bigkas ng tatlo "Oh kuya what brought you here? or shall I say bat dumating ka pa?" Malditang turan ni Corine. Agad na lumapit dito si Andrei at pinisil ang kuntil ng ilong ni Corine "Syempre Birthday ni Tita Luciana palalagpasin ko ba yun?" pagkuway humarap kay Luciana at iniabot ang dalang cake. "Hmmm.. You're late Iho! Kahapon pa ang Birthday ko hmmp.. Nakalimutan mo na talaga ako.." Mangiyak ngiyak pang wika ni Luciana kaya agad namang yumakap dito si Andrei "Tita sorry na! Busy lang kasi talaga kahapon daming ginawa eh pero tignan mo naman andito ako ngayon humahabol, kasi ayoko talaga palampasin ang araw na to! at dahil di ako nakapuntà kahapon dapat nandito ako ngayon at tada!... Binili kita ng favorite cake mo!" "Mmmm... Ikaw talaga! Baka busy ka sa mga babae mo kaya kaming original girls mo dito sa montecillo di mo na maalala kawawa naman kami ng Mommy mo..." may pagtatampo parin sa tinig ni Luciana "Ofcourse not! kayo ni Mommy ang pinaka especial na babae sakin diba dad?" Baling nito sa ama halatang humahanap ng kakampi "Ha? Ahh .... Ofcourse!!" sagot nalang ni Simon "Naku nagkampihan na naman kayo pareho talaga kayong bolero at babaero" banat pa ni Helen "Hala bakit nadamay na naman ako? Hoy Andrei ayusin mo to ah pati ako dinadamay ng Mommy mo" Sagot pa ni Simon kaya nagkatawanan pa sila. Rinig na nila Mang Berto, Micka at Tanya ang tawanan ng mag-anak mula sa Veranda kaya naman si Mang Berto na ang nag patiuna dito.. "Tayo na! Lalong matutuwa ang mga iyon at nandito kayo" wika pa ng matanda habang nakasunod sila dito kumabog bigla ang dibdib ni micka sa di mawaring dahilan nasa veranda narin sila sa wakas ngunit pawang nakatalikod ang mga ito at abala sa pagkukwentuhan kaya di nila naramdaman ang presensiya nila. "Madam Luciana may bisita po kayo!" basag pa ni Mang Berto sa pagitan ng kulitan ng mag-anak. "Sino ho Mang Berto?" wika pa ni Luciana "Narito si Ikay na inaanak mo" wika pa ni Berto lumaki ang mata sa tuwa si Luciana "Ikay????" "Hi Ninang!" nakangiting lumapit si Micka sa ninang niya na hindi niya nakita sa mahabang panahon. " Hala iha! Napakaganda mo! Teka hindi ka tumatanda ni walang wrinkles sa mukha mo anong sekreto mo" sa pagitan ng pagluha at yakapan ay di maiwasang matawa ng lahat "Ninang naman eh! Ok na eh nasa drama na tayo eh ginawa mo pang comedy!" Reklamo pa ni Micka at muling nagkatawanan ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD