CHAPTER 5

2552 Words
Andrei's POV "Ikay is here!" So siya nga si Ikay? Ang pinaka mamahal ko, kaya pala sa Tagaytay palang iba na ang pakiramdam ko sa kanya, Siya pala talaga ang matagal ng hinahanap hanap ng puso ko at ngayon nandito na siya ulit sa harapan ko ano na? Ano na ang gagawin ko? Paano ko siya kakausapin paano ko siya ia-approach? Andrei mag-isip ka! Huwag kang maduwag diyan! saway pa ni Andrei sa isipan. "Kelan ka pa bumalik Iha?" narinig niyang tanong ng Tita nya sa dalaga. "Kahapon po Ninang! Kaya lang napagod po kasi kami sa biyahe kaya di na ko nakapunta dito sa mismong birthday mo!" sagot naman ni Micka. "Iyang mommy mo nakuhang pumunta sa kasal ng kaibigan mo dating si Dianne, pero kahapon sa Birthday party ko ay hindi! Sabihin mo sa kanya nagtatampo din ako sa kanya!" Wika pa ni Luciana "Hayaan nyo po at makakarating" pagkawikay narinig nya pa ang pagtawa ni Micka. "Iha seryoso hindi ka tumanda parang lalo ka pa atang bumata" narinig niyang Mommy niya ang nagsalita "Oo nga ate! May pagka vampire ka ba?" banat pa ni Corine muli pang tumawa si Micka "Naku ang totoo po nyan wala po akong masyadong ginagamit na kung anu-ano sa mukha ko tsaka di rin po ako masyadong naglalàgay ng make up, depende nalang kung may okasyon! more on soap lang po talaga ako at moisturizer" sagot pa ni Micka. Napa sana all naman ang tatlo sa sinabi ni Micka. Nagulat nalamang si Andrei ng biglang balingan siya ni Micka "Tama ako ikaw nga yan Andrei!" nakangiti ito sa harapan niya parang pinagpapawisan ng malamig si Andrei walang lumalabas na salita sa kanyang bibig nakatitig lamang siya sa mukha ng babaeng kaharap. "I-I-Ikay!" Nauutal utal pa niyang wika "ako nga" naka ngiting tugon ni Micka. "Nagkita tayo kanina, sa bakeshop? Di rin kita nakilala ang laki narin ng pinag bago mo dati rati karga karga lang kita, ngayon Dios ko parang ako na ang bubuhatin mo ah mamang mama ka na ah!" nakangiti parin si Micka. Mapait naman ang ngiting pinakawalan ni Andrei. "Ikay!" narinig pa ni Mickang tawag sa kanya ni Andrei. "Hanggang ngayon? di mo parin ako matawag tawag na Ate?" naka nguso pang sabi ni Micka. Lalong bumilis ang kabog sa dibdib ni Andrei sa ginawa ni Micka parang bumabalik lang sa kanya ang dati. Pinagmamasdan niyang maigi ang labi ng kaharap marahil kung walang ibang tao sa paligid ay kanina niya pa ito siniil ng halik. "Andrei kinakausap ka ni Ate Ikay mo!" narinig niyang saway sa kanya ng mommy niya. "What?? I- I mean gaya ng sinabi ko dati ayoko siyang tawaging Ate! dahil ayoko siyang maging Ate!" wala sa loob na sagot ni Andrei. Nakita naman niyang parang nasaktan si Ikay sa sagot niya hindi kaya na mis interpret nito ang sinabi niya "Ahmmm kasi masyadong bata ang itsura mo para maging Ate ko" pagkasabi ay hinaplos nito ang pisngi ng dalaga at bahagyang inilapit ang mukha nito sa mukha niya. "Ikay ko" mahinang bulong ni Andrei sa tenga ni Micka. parang kinuryente si Micka sa ginawa ni Andrei kaya di niya malaman kung anong magiging sagot niya, dagdag pa ang bulong na parang kumiliti sa kanyang tenga para siyang kinikilig na ewan bakit ba ganito ito sa kanya matanda siya dito ng 10 years bakit di siya makuhang igalang nito bilang Ate. "Ahmmm mi-Micka!" tanging sambit nalang ni micka kay Andrei "What?" kunot noong tanong ni Andrei "From now on Micka na itatawag mo sakin no! ate Micka.. kasi matanda ako sa iyo ng sampung taon ok?'' Para mawala ang tensiyon ay tinapik tapik pa ni Micka ang balikat ng binata at humarap sa lahat. "Micka na po kasi ang tawag sa akin ng karamihan lalo na po sa manila" paliwanag pa ni Micka sa lahat "Tsaka ikaw lang naman talaga ninang ang tumawag sa akin ng ikay eh pauso karin kasi ninang eh!" sabay lapit nito kay luciana "Ang cute kaya ng Ikay iha!" wika pa ni Luciana "Pero hindi na po ako bata" "Ate ikay este ate Micka may boyfriend ka ba o baka asawa na?" tanong pa ni Corine "Naku wala single yan!" nagulat pa ang lahat ng sumabat si Tanya mula sa likuran. "Ayy sorry po nakalimutan ko pala may kasama po pala ako hehehe" sabi pa ni Micka "Ahh yes po opo! andito po ako nag e-exist po ako, Hello po sa inyong lahat my name is Tanya po, friend and kasama po sa work ni Micka po opo!! hehehe..." Pag papakilala pa ni Tanya bahagyang nag katawanan pa ang lahat. Ilang sandali pa matapos ang kamustahan ay napagpasiyahan na nila micka na umuwi na sa kanilang Villa dahil marami pa daw silang aasikasuhin at maaga din silang mamamasyal ng kaibigan bukas. "Aalis na kayo kaagad parang kararating nyo palang eh" lungkot na saad pa ni Luciana "Hayaan mo may next time pa naman Ninang" "Kelan kaya ulit yun? hmmp..." "Hay naku Tita kung pwede lang talaga di na kami bumalik ng manila dito nalang kami eh" wika pa ni Tanya. "Oh eh dumito nalang kasi kayo" saad pa ni Simon. "Tito di po namin puwedeng iwan ng matagal ang work namin nakakahiya naman po dun sa friend namin na si Lea" sagot pa ni Micka. "Dumaan kayo bukas dito bago kayo mamasyal, pasasamahan ko kayo dito sa binata namin" wika pa muli ni Luciana na ang tinutukoy ay si Andrei. "Ay sureness Tita!" sagot pa ni Tanya na agad namang kinurot sa tagiliran ni Micka at pinaalala dito na buntis siya. "Haliparot bata yan tumigil ka!" Banta pa muli ni Micka "Bata yung edad pero yung looks at yung ano nyan naku syempre kayang kayang bumuo ng bata alam mo na hotness pa dzai oh!" Makahulugang sabi ni Tanya. Napaismid naman si Micka sa kanyang tinuran. "Eh ok lang ba sayo Andrei baka nakaka abala kami sayo nyan?!" pag-aalala pang tanong ni Micka "No! It's ok sasamahan ko kayo kahit saan nyo gusto!" maagap na sagot ni Andrei na tutok na tutok sa mukha ni Micka. "Girl kung ako titigan ng ganyan ng isang lalaki, maghuhubad na ko kaagad grabeh tagus tagusan kung makatitig para kang kinakain ng buhay! sinasabi ko sa yo iba ang tingin sayo ni Andrei!" sita pa ni Tanya. "Maghunos dili ka nga dyan babaita ka! Napaka dumi ng utak mo, Ganyan talaga siya dati pa, Kaya minsan naiilang din ako sa kanya kasi kakaiba talaga siya tumitig." Bulong ding tugon ni Micka sa kaibigan " Sige ganito nalang Andrei Iho! ihatid mo ko bukas sa Villa nila Ikay! para maka musta ko narin ang kumare ko tapos sabay sabay na kayong umalis bukas" wika pa ni Luciana. "Sama ako Luciana!" sabat pa ni Helen "Sige ate Helen, Kuya Simon pano ba yan kayo nalang ng asawa ko maiwan dito bukas? May girls hang out kami" sabay apir pa ni Luciana at Helen napakamot nalang sa ulo si Simon. "Sige po paano po mauna na po kami tito! tita! Corine! Ninang! alis na po kami" nagpaalam at bumeso na si Micka sa mga ito "Andrei bukas nalang ha!" Akmang bebeso na sana si Micka ngunit naunahan siya nito at dinampian ng halik sa pisngi. "I'll be there exactly 8:00 in the morning sweetie! " sagot pa ng pabulong ni Andrei sa kanya napaigtang at tila may kung anong kuryente ang gumapang sa pagkatao ni Micka sa ginawa at sinabing iyon ni Andrei. Kaya nanlaki ang mata nito na napatitig sa binata, ngunit nginitian lamang siya nito na lalong nagpanginig ng kanyang tuhod, kaya minabuti nalamang niyang bumalik na kaagad sa pwesto kung asan ang kaibigan upang walang makahalata sa kanila sa nangyari. Malapit na sa kanilang villa sila micka at tanya ng muling magsalita ang kaibigan. "Si pogi feeling ko may gusto sayo!" "Ha?! Ano?" Patay malisyang tanong kunwari ni Micka "Di kita marinig malakas ang hangin!" "Bruha ka! Napaka impokrita nito halata ko kaya yung mga ganung tingin napaka lagkit uyy patusin mo na!" buwelta pang muli ni Tanya "Kilabutan ka uyy! Di ako pumapatol sa mas bata sa akin isa pa parang pamangkin or kapatid ko lang yun! Ako pa nag-aalaga at nag papasyal dun dati tuwing dumadalaw ako kina Ninang kaya napaka imposible nun" sagot pa ni Micka "Bakit? Age does'nt matter when it comes to love di mo ba alam yun? Tsaka hindi na bata yung Andrei kita mo nga papabol, ang yummy! yummy! naku kung ako lang ikaw humanda sakin yan walang kawala sakin yan!" Saad pa ni Tanya. "Ewan ko sayo! Ang harot mo talaga kahit kelan lahat nalang binibigyan mo ng malisya!" "Pero seryoso girl what if yung batang minsan mong kinarga at inalagaan ay ang lalaking makakasama mo pala habang buhay? Diba? Destiny pala kayo? at kaya di ka pa nagkaka boyfriend kasi, inaantay mo talaga siya?! diba? diba?" kulit pa ni Tanya. "Naku! tumigil ka na Tanya sumasakit na ulo ko sayo! Naririndi na din tenga ko! huwag kang magsasalita ng ganyan sa harap nila! kahit kay mommy nakakahiya yang mga linyahan mong yan eww..." Banta pa ni Micka- totoo naman kasi wala sa hinagap ng buhay niya na inisip ang bagay na iyon talagang nakababatang kapatid o pamangkin lamang ang tingin niya kay Andrei noon.. pero kakaiba kanina, bakit tila bumibilis ang pintig ng puso niya sa harap ni Andrei kanina? Pakiwari rin niya ay ibang tao na ang kaharap, wala na ang dating andrei na nakilala niya noon... No! stop! he's still the same Andrei that you used to know before! magtigil ka Micka wala kang dapat maramdaman huwag kang padadala sa pinagsasabi ng magaling mong kaibigan! saway pang muli sa isip ni Micka sa sarili. -Alas onse na ng gabi, ngunit di parin dinadapuan ng antok si Micka kaya bumangon ito para magtimpla ng gatas sa kusina naka pajama ito ng pikachu ewan niya pero di niya nakaugaliang mag suot ng mga nighties sa gabi kahit meron naman siya nun mas gusto niya eh yung mga pajamas, madalas pang mga pajamas eh mga pambata print like pikachu, hello kitty at kung anu-ano pa kaya siguro hindi siya tumatanda dahil isip bata parin siya or sabihin na nating nag fi feeling bata parin talaga pero, pag siya ang tatanungin kung bakit mukha siyang bata tignan lagi niyang sagot late bloomer daw kasi siya. Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom ng gatas ng mapansin ang mga puting rosas na nakalagay sa vase na malapit sa malaking wall picture ng yumaong ama! agad itong napatitig dito. "Hi dad! I'm back kamusta ka na? Palagi mong bantayan si mommy ah alam mo naman palagi akong wala dito! love na love ka parin talaga ni Mommy di niya parin pinapabayaan ang mga tanim mong puting rosas" napangiti naman si Micka. "Anak! bakit gising ka pa? Diba dapat natutulog ka na sabi mo maaga kayong susunduin ni andrei dito bukas?" nagulat pa si Micka ng marinig ang tinig ng ina "Mom!" agad lumapit ang kanyang ina dito at yumakap sa kanya "Namimis mo ba ang Daddy mo?" "Sobra po!" "Ako din pero huwag kang mag-alala kahit wala man siya sa tabi natin alam ko nandyan lang siya sa tabi tabi at binabantayan tayo" "Mom!! ang creepy nun! parang sinabi mo naman na nag mumulto si Daddy!" "Ano ba naman tong batang to wala na kong sinabing hindi kinontra para ka talagang daddy mo!" "Syempre nag-iisang anak lang ako nang pinaka magaling na doktor dito sa Montecillo si Dr. James De Leon." "Sige na! Oo na! Kaya mahal na mahal ka rin ng Daddy mo eh kahit di mo siya napag bigyan sa course na gusto nya para sayo!" "Mommy naman! di ko kaya mag doktor eh!" "Naiintindihan naman namin yun kaya nga di ka namin pinilit dun eh, pero nak! maiba tayo" "Hmm... Ano po yun?" nakayakap parin ito sa ina "35 ka na!" Ang mga linyahang ganito na naman ng ina ang nag papa angat ng kilay niya. "Mom! nag-uumpisa ka na naman" "Matanda na rin kasi ako darating ang araw susunod na ko sa Daddy mo" "Mommy!" Napabitaw pa siya sa yakap sa ina at sumimangot dito pero niyakap siya ulit pabalik ng ina "Totoo naman eh, Syempre gusto ko bago ako mawala sa mundo makita kitang magkaroon ng sarili mong pamilya at magkaroon ng mga anak" "Ang hirap kasi mom eh!!... Mom! Soryy!" "Sorry for what?" "Kasi nagiging frustration nyo ako" "No! Baby its ok! Ang akin lang sana dumating na yung lalaking mamahalin mo at mamahalin ka! yung taong katulad ng Daddy mo." "Kaso Mommy nag-iisa lang po si Daddy!" "Basta anak kapag may lalaking handang gawin lahat para sayo kahit sino pa siya at kahit ano pa siya basta malinis ang intensyon nya sayo huwag kang mag atubili na bigyan siya ng chance ok?" napangiti naman si micka "Mom? Hindi kaya nagsasawa na si Daddy panay white roses binibigay mo sa kanya?" Pag-iiba pa ng topic ni Micka "Mga tanim kasi ng Daddy mo yan dati nung nabubuhay pa siya alam mo bang gustong gusto nyang binibigyan ako ng white roses? Sabi niya kasi ang puting rosas daw ang sumisimbolo ng kanyang pure and sincere love para sa akin kaya ngayong wala na siya ako naman ang nag aalay nyan para sa kanya, kasi kahit wala na siya gusto kong iparamdam sa kanya na siya lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako." "Aww... So sweet!" "Si Andrei Baby?" "Hmm... What about Andrei Mom?" napukaw naman si micka ng banggitin niya si Andrei. "Noong nabubuhay pa si Daddy mo! sabi pa nya! sana magkaroon siya ng anak na tulad niya, ang cute kasi ng batang yun noon kaya giliw na giliw kami sa kanya di na kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na masundan ka gawa na nagkaroon ako ng problema sa matres kaya minabuti ni Daddy mo na tanggalin nalang yun kaya kahit gustuhin ko pa magka anak di na puwede..tapos dumating si Andrei, tuwang tuwa siya na makitang giliw na giliw ka sa batang yun tanda ko pa bago siya mawala gusto sana nya ipamana kay andrei yung hospital na pinatayo nya sa bayan at kayong dalawa ang hahawak nun since anak din turing nya sa batang iyon" "Close talaga family natin sa kanila no?" tanong pa ni Micka "Sobra! Mula pa sa mga magulang kasi namin, Ang mga Sebastian at mga De leon ay matalik na magkaibigan." "Lagot ka!" pananakot pa niya sa ina "Bakit?" "Nagtatampo sayo si Ninang Luciana!" "Ayy.... Alam ko na yan! Nung Birthday nya di ako nakarating, Ang babaeng yun talaga! kasi naman sinabi ko na aattend ako ng kasal, para isang birthday lang naman niya ang di ko napuntahan eh" natatawa naman si Micka. "Ikaw na magpaliwanag dun" "Sabagay matagal na din kasi akong di napupunta dun ewan ko ba iba na talaga Pag tumatanda! pero ikaw iniiba mo usapan bata ka kelan mo ko bibigyan ng apo?" "What? Hala Mommy apo agad?" "Oo anong petsa na kinakabahan ako sayo lagpas ka na sa kalendaryo baka mahirapan ka na nyan!" "Mom ano kaya kung mag ampon nalang ako?" Agad naman nahampas ito ng ina "Nakakainis ka mas maganda parin kung galing sayo para ramdam mo ang pagiging ina ano ka ba!" Tumawa ulit si Micka bilang pang aasar sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD