Story By Ms.gemini02
author-avatar

Ms.gemini02

ABOUTquote
im a gemini with a crazy mind expect me to write stories lots of hugot stories and ps most of my stories ay hinugot ko din sa mga tunay na karanasan ng buhay binibigyan konlang din ng ibang flavor at kakaibang twist.
bc
My Greatest Love
Updated at Jun 21, 2023, 22:00
MICKAELA THERESE LLANES DE LEON - Kilala bilang si Micka ng kanyang mga matatalik na kaibigan. Mabait, Maganda, Mapagmahal, at Maaasahan. Isang Herederang piniling mamuhay ng simple sa Manila at sa halip ay ninais na maging isang empleyado sa pinapasukang kumpanya na pag-aari ng kanyang kaibigan. Sinasabi ng karamihan na halos na sa kanya na ang lahat ng katangian sa isang babaeng hinahanap ng isang lalaki. Ngunit sa edad na 35 years old ay nananatili pa rin itong single. Ang totoo nito ay maging siya sa sarili niya kung bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi parin matutong mag mahal ang kanyang puso? Hindi naman sa bato o manhid siya sa mga lalaking nagpakita sa kanya ng motibo o mga sumubok na manligaw, kundi ayaw niya lang ikompromiso ang kanyang sarili sa isang taong hindi naman talaga niya lubos na umiibig. Para sa kanya ang pakikipag relasyon ay kaloob ng Diyos, Hindi ito hinahanap kundi kusang dumarating. Wala sa isip niya ang makipag relasyon dahil lamang sa nape pressure na siya sa mga tao sa kanyang paligid, Ano man ang lahat ng desisyon niya ay kaya niyang panindigan. Hindi siya yung tipo nang tao na mahilig magpadalos dalos at higit sa lahat naniniwala siya sa isang tunay at wagas na pag-ibig. ANDREI SEBASTIAN- Chickboy, Babaero, Di marunong makuntento sa isa. Ito ang pagkakakilala sa kanya ng karamihan, Palibhasa'y Guwapo, Matalino, Simpatiko at Mayaman. Kilalang Business Tycon at Engineer din ito ngunit piniling mamuhay nang mag-isa at di umasa ng tulong sa magulang at sa yaman na kanyang kinamulatan. Gayunpaman, Ang hindi nila alam may isang babaeng labis na pina ngugulilaan nang kanyang puso. Ang babaeng bata pa lamang ay pinapangarap na niya. Sa napaka murang isip natutong magmahal sa isang babaeng sampung taon ang agwat sa kanya. Isinumpa niya na kapag dumating ang tamang panahon at bibigyan sila ng pagkakatong magkita muli ay hinding hindi na niya ito pakakawalan pa. Lumipas ang napakaraming taon sa Bayan ng Montecillo kung saan sila unang nagkakilala, Muling magku krus ang landas nilang dalawa. Babalik ang damdaming matagal na itinago, Sa pagkakataong ito hindi na susukuan ni Andrei si Micka kahit pa merong Paula na pilit na hahadlang mananaig parin ang kanilang wagas na pagmamahalan at patutunayan parin nila na iba parin ang nagagawa ng Pag-ibig. Sa huli makakamit din nila ang kaligayahan at bubuo ng sariling pamilya.
like
bc
LIHAM
Updated at Oct 25, 2024, 08:01
Isang Simple at mabait na anak si Atheena na nagtatrabaho bilang isang Photographer at kung minsan ay suma sideline din bilang Event Coordinator. Sa edad na 25 ay hindi pa ito natututong umibig sa dahilang nais muna niyang magfocus sa kanyang career at pagtulong sa kanyang ina na nagtatrabaho din sa isang Antique shop na si Merly. Isang gabi habang mahimbing na natutulog si Tina ay isang lalaki ang nagpakita sa kanyang panaginip hindi niya ito kilala ngunit bakit parang pamilyar sa kanya ang kanyang tinig? Ang noo'y isang gabing panaginip ay naging sunod-sunod hanggang sa gabi gabi na niya itong nakikita at di naglaon ay nakakausap maging ang mukha ng lalaki ay tuluyan ng naging malinaw sa kanya.Si Sebastian Baldemoro isang guwapo at maginoong lalaki ayon sa kanya ay 27 years old ngunit nabuhay sa taong 1896 hanggang taong 1923 ngunit paanong ang lalaking nagmula sa panahon kung saan ay isang daang taon na ang nakalipas ay gagambalain ang buhay ni Tina dahil sa pag-aakala ni Sebastian na ang babaeng matagal na niyang hinahanap at hinihintay, Ang kabiyak ng kanyang buhay na si Celestina ay natagpuan niya sa katauhan ni Atheena? At si Simon Ben Morales, Isang Bilyonario at guwapong lalaki na kasalukuyang nakaratay sa hospital dahil sa isang aksidente, Aksidente na nagbukas ng pinto sa pagitan nilang dalawa ni Atheena. Paano at Ano ang magiging ugnayan nila sa buhay at nakaraan nila Sebastian at Celestina? Paanong magkakaroon ng karugtong ang nakaraan at kasalukuyan?
like
bc
UNreQUITed LOVE
Updated at Jul 5, 2023, 22:06
Jane and Luke are Bestfriends simula pa ng Elementary sila, sabay silang lumaki at nag kaisip halos alam na nila ang ugali ng bawat isa ika nga kahit hininga't utot ay kilala na rin nila. Ngunit paano kung isang araw marealize nila na ang isa sa kanila ay nagmamahal na ng higit pa sa isang kaibigan? pero hindi ito kayang maipagtapat dahil sa takot na maaring pwedeng hindi kayo parehas ng nararamdaman? kaya mo bang isugal ang friendship over love? ano ang pipiliin mo?. Jane's POV: alam kong hindi ito madali pero paano ko malalaman kung hindi ko susubukan? mahal ko si Luke ng higit pa sa buhay ko at gusto kong malaman nya yun kahit na hindi man ako ang piliin nya ok lang basta maipagtapat ko lang sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya! desidido na ako!. matulin ang takbo ng dalaga patungo sa building ng pinagtatrabahuan ng kaibigan, ito kasi ang araw na nagpasiya na siyang ipagtapat dito ang 10 years n niyang kinikimkim sa kanyang puso maybe this is the right time para ipaalam na sa binata ang damdamin niya para dito. "I love you Ida! please be my girl?" "OMG Luke! yes!! ofcourse you know how much I love you diba?!" hindi makapaniwala si Jane sa narinig at nasaksihan.. "Luke?..." garalgal ang boses ngunit pilit ikinakalma ang sarili "oh Jane? you're here sorry... hindi ko nasabi sayo agad but yeah this is my surprise to my special girl! thanks to you bestfriend!" "ye-- yeah... this is all my idea right?" "yes! and it's all worth it ang galing mo! siya nga pala ano pala yung sasabihin mo? diba sabi mo kanina may sasabihin ka?" "ahh.... i...iyon ba?? ahmmm... na-- nakalimutan ko na wait! ahh... oo.. naalala ko na! (tumikhim muna para alisin ang bara sa lalamunan) ahmm... vacation oo tama vacation meron kasi akong 2 tickets oo tama yun balak kong ibigay sayo at sa babaeng nagugustuhan mo si Ida pala yun... hehehe yun lang sige una na ko ah! bye! congrats! agad na tumalikod ito at tumakbo na palayo at sa kanyang pagtakbo ay tuluyan ng pumatak ang kanyang butil butil na luha eto ang pangalawang pagkakataon na naramdaman nya ang rejection na hindi pa man siya nabibigyan ng pagkakataong magsabi ng nararamdaman pinutol na kaagad ang pag-asa niya to think na same person lang naman but different situation siguro kung may pangatlo pa hindi na niya kakayanin pa!.
like