bc

LIHAM

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
billionaire
reincarnation/transmigration
HE
fated
heir/heiress
blue collar
bxg
serious
mystery
loser
campus
another world
like
intro-logo
Blurb

Isang Simple at mabait na anak si Atheena na nagtatrabaho bilang isang Photographer at kung minsan ay suma sideline din bilang Event Coordinator.

Sa edad na 25 ay hindi pa ito natututong umibig sa dahilang nais muna niyang magfocus sa kanyang career at pagtulong sa kanyang ina na nagtatrabaho din sa isang Antique shop na si Merly. Isang gabi habang mahimbing na natutulog si Tina ay isang lalaki ang nagpakita sa kanyang panaginip hindi niya ito kilala ngunit bakit parang pamilyar sa kanya ang kanyang tinig? Ang noo'y isang gabing panaginip ay naging sunod-sunod hanggang sa gabi gabi na niya itong nakikita at di naglaon ay nakakausap maging ang mukha ng lalaki ay tuluyan ng naging malinaw sa kanya.Si Sebastian Baldemoro isang guwapo at maginoong lalaki ayon sa kanya ay 27 years old ngunit nabuhay sa taong 1896 hanggang taong 1923 ngunit paanong ang lalaking nagmula sa panahon kung saan ay isang daang taon na ang nakalipas ay gagambalain ang buhay ni Tina dahil sa pag-aakala ni Sebastian na ang babaeng matagal na niyang hinahanap at hinihintay, Ang kabiyak ng kanyang buhay na si Celestina ay natagpuan niya sa katauhan ni Atheena?

At si Simon Ben Morales, Isang Bilyonario at guwapong lalaki na kasalukuyang nakaratay sa hospital dahil sa isang aksidente, Aksidente na nagbukas ng pinto sa pagitan nilang dalawa ni Atheena.

Paano at Ano ang magiging ugnayan nila sa buhay at nakaraan nila Sebastian at Celestina? Paanong magkakaroon ng karugtong ang nakaraan at kasalukuyan?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Celestina! Kahit na anong mangyari palagi mong tatandaan na ikaw at ikaw lamang ang aking pakamamahalin! Walang sino man o ano man ang puwedeng maghiwalay sa atin! Ipinapangako ko na kahit kailan man mananatili ka dito sa aking puso! Pag-hiwalayin man tayo ng pagkakataon ngunit batid kong muli tayong pagtatagpuin ng tadhana hintayin mo ako aking mahal! Nariyan na ako" "Hmmmm.... Sino? Sino ka? Sino ka?" "Tina! Tina! Tina! Anak! Nananaginip ka! Bumangon ka na riyan Alas nuebe na! Mahuhuli ka na sa event na pupuntahan mo!" "Mama?" "Oo! Bumangon ka na riyan!" "Ahh... Ang sakit ng ulo ko!" "Narinig mo na naman ba ang tinig ng lalaking sinasabi mo?" "Opo!" "Nagpakita na ba siya sayo?" "Hindi pa nga po eh! Paulit ulit lang na iyon at iyon yung sinasabi niya sa panaginip ko!" "Naku... Ganyan na ganyan ang sinasabi ng mga babaeng nagiging matandang dalaga!" "Mama!" "Kaya ako sayo! Maghahanap na ako ng mapapangasawa para hindi ka na pinaglalaruan ng iyong isip! Oh siya bumangon ka na mag handa ka na at malay mo! Doon sa pupuntahan mo ay makilala mo na ang lalaking sinasabi mo sa iyong panaginip" "Mama talaga! Di ko nga po alam bakit ayaw niya magpakita para sana alam ko man lang kung pogi ba siya! Para sana kung sakaling makita ko siya sa daan eh alam ko ng siya yun" "Gaga! Eh kapag nakita mo ang itsura ng lalaking sinasabi mo edi malamang hindi na siya ang mapapanaginipan mo!" "Bakit naman po?" "Siyempre alam mo na eh! Wala ng dahilan pa para mapanaginipan mo pa siya!" "Ganun ba yun?" "Oo!" "Hmmp..." "Ayaw pang maniwala ng batang ito! Bangon na dali at ako ay maaga pa sa shop! Panigurado maraming parokyano ngayon maraming bagong dating na mga antigong kagamitan alam mo bang may nagustuhan akong salamin na may kabinet para sayo! Ipinareserve ko na yun kay Tonyang! Sabi ko ibawas nalang niya sa sasahurin ko ngayong katapusan!" "Salamin na may aparador?" "Oo! Maganda kasi may kasama ng kabinet at lagayan ng make-up! Unang kita ko pa nga lang alam ko na para sayo iyon sigurado akong magugustuhan mo din!" "Hay naku Mama! Huwag ka ngang bili ng bili ng kung anu-ano! Bakit hindi mo nalang ilagay sa bangko yung kinikita mo!" "Naku... At nagkuripot ka na naman! Ayos lang! Di naman ganun kamahal eh! May discount kasi empleyado naman! Oh siya mauna na akong umalis ha! Inihanda ko na ang almusal mo sa ibaba" "Sige po Ma! Ingat po" "Celestina! Mahal ko!" Muling narinig ni Tina ang tinig ng lalaki habang siya ay nag-aalmusal kaya naman nakaramdam na siya ng panghihilakbot at nagmadaling umalis na ng bahay "Girl! Where ka na?" "Malapit na ako sa venue don't worry! Nasiraan din kasi ako eh!" "Sabi ko naman kasi sayo palitan mo na yang sasakyan mo eh! Ang tagal na nyan kaya di na ako nagtataka na talagang sirain na yan!"- Wika ni Lucy kay Tina "Nah... Ano ka ba! Ayos pa naman to! Nagkataon lang yun! Huwag kang paladesisyon! Nandyan na ba yung family?" "Yung Wife and Groom nandito na! Pero hinihintay pa nila yung kapatid ng Groom! Girl mayaman pala tong client natin ngayon! Isa sa mga sikat na business owners dito sa atin!" "Ganun ba? Buti naman kung ganun! At buti naman wala pa yung kapatid nung groom hahaha sinusuwerte padin pala ako kahit paano!" "Naku... Ikaw talaga oh siya! Saan ka na ba banda?" "Malapit na!"- Nagpalinga linga pa si Tina sa daan at batid niyang malapit na nga siya sa venue nila dahil panay puno na ang kanyang nakikita, Ang venue kasi ay malapit sa resort kung saan malapit sa kakahuyan. Sa gitna ng kanilang usapan ay biglang namatay nalang ang kanyang cellphone "Hello? Hello? Lucy?" Patuloy sa pagmamaneho si Tina at napasilip sa labas ng kanyang bintana dahil biglang kumulimlim ang kalangitan Nagulat pa siya ng muling tumunog ang kanyang cellphone "Hello? Mama?" "Anak! Narito na sa kuwarto mo yung sinasabi ko!"- Excited pang wika ni Merly "Po? Bakit ang bilis? Kanina lang magkausap tayo sa bahay ah!" "Eh alam mo naman! Pag gusto ko ang isang bagay di puwedeng hindi ko iuwi kaagad!" "Ahh... Sige po!" "Celestina!" "Ayy kabayo ka!"- Nabitawan pa ni Tina ang kanyang cellphone dahilan para mahulog ito sa kanyang paanan dahil sa pakiramdam niya ay nasa kabilang linya rin ang may ari ng tinig na iyon kukunin na niya pabalik ang kanyang cellphone ngunit ganun nalamang ang kanyang pagkagimbal dahil muntik na siyang sumalpok sa isa pang sasakyang nasa kanyang harapan mabuti nalamang at nakapag preno siya. "He... Hello? Hello?" - Nanginginig parin si Tina habang muling iniangat ang cellphone naroon parin ang takot sa kanyang dibdib dahil sa biglaang muntik na pagkaaksidente, Ngunit pinagtataka pa niya ay bakit tila wala ding reaksyon ang tao sa loob ng sasakyan na iyon. Naghintay pa siya ng ilang minuto ngunit walang lumabas upang magreklamo sa kanilang muntik na pagkakabanggaan sa halip ay huminto lamang ito sa kanyang harapan at di na kumilos pa kaya naman nagpasiya na siyang mauna na at mag overtake nalang dito, Mukhang wala namang balak na magreklamo kung sino man ang nasa loob ng sasakyan na iyon at ng lingunin nga niya ito ay naroon parin ito. "Ang weird!"- Saad niya sa kanyang isip "Mama? Hello? Hello?"- Wala naring tao sa kabilang linya kaya naman napailing nalang din si Tina at tinahak nalang muli ang daan patungong venue.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook