Chapter 1

2000 Words
"Girl! Ano na? Di ka na sumagot sa tawag ko sayo!"- Agad na sinalubong si Atheena ni Lucy "Bakit?" "Naaksidente si Mr. Simon Morales kaya postpone ang wedding pictorial" "What? Kelan?" "Habang papunta daw dito! Malala daw ang kalagayan eh! Kaya nagmadaling pumunta ng hospital ang pamilya nung groom malamang kapatid niya eh!" "Ganun ba? Naku... Kawawa naman! Malamang baka pati mismong wedding nila maapektuhan!" "Ano pa nga ba! Alangan namang magpakasal sila tapos yung kapatid niya nakaratay sa hospital diba?" "Oo nga eh!" "Oh siya tara gala nalang tayo?"- Suhestyon pa ni Lucy "Sige ba!"- Sang ayon naman agad ni Tina "Ang taray! Ang daming magaganda din sa mga binebenta sa shop nila mama mo ah! Infairness halatang yayamanin siguro may ari ng mga antique na to" "Anong sinasabi mo?"- Kunot noo pang tanong ni Tina Nasa loob sila ng isang sikat na coffee shop ngayon "Eto oh nag post si Tita sa face book account niya"- Iniharap pa ni Lucy ang kanyang cellphone sa kanyang kaibigan "Ahh oo nga ano!" "Tara punta tayo!" "Sa shop?" "Oo!" "Kelan ka pa nahilig sa mga antique?" "Tsk! Diba nga magaganda naman! Kahit sabihin mong lumang style! Tignan mo naman very rare na yan ngayon! Ayaw mo nun! Makukunan mo ng photos yung mga antique dun may pagkakataon kang paganahin ang kamay mo sa pagpitik ng magagandang shots! Kabog! Tapos ipost mo online! Makakatulong ka na sa Shop na pinagtatrabahuan ng Mama mo mapapansin pa yung artistry ng mga shots mo!" "Oo nga ano! Sige tara!" "Hahaha ikaw lang eh! Ewan ko ba sayo bakit di mo naiisip yan!" "Oo na! Sige na! Ikaw na ang magaling dumiskarte!" Paalis na sana sila ng Cafe ng magflash sa tv screen doon ang aksidenteng kinasangkutan ng kapatid ng kanilang client. "Hala! Grabe pala talaga yung accident!"- Wika pa ni Lucy "Ha?" "Yung nasa tv! Iyon yung kapatid nung client natin sayang ang guwapo pa naman! Sana makaligtas siya!" "Nasan?" Palibhasay di interesado si Tina at patuloy na ino occupy nung tinig ng lalaki ang kanyang utak kaya di na niya nagawa pang lingunin ang tv screen at patapos na nga ang balita ng masulyapan niya ito at tanging interview nalang sa mga kaanak ng biktima ang kanyang nakita. "Haist! Kawawa naman! Sana maging ok siya!" Di na nagreact pa si Tina dahil nga di naman niya ito nakita sa halip ay ginayak na niya palabas ng coffee shop ang kaibigan Pagdating sa shop kung saan naroon ang kanyang ina, Inabutan nila ang maraming tao na talaga namang nagtiyagang pumila para lamang makapamili ng ibat-iba at naggagandahang antigo "Wow! Daming tao ah! Anong meron?"- Nakangiting wika ni Tina "Uyy... Si ganda pala to eh! Malamang magaganda ang binebenta namin parang ikaw!" "Naku si Ate Tonyang talaga ang lakas mambola baka maniwala na ako nyan!" "Asuss... Maniwala ka na! Totoo naman ang sinasabi ko eh!" "Naku... Eh syempre saan pa ba magmamana yan? Edi sa ina hindi ba?"- Narinig pa niyang hirit ng inang si Merly ng makita sila ay agad na lumapit sa kanila "Naku... Ate Merly talaga! Ang sabihin mo baka kako guwapo talaga ang ama nito!" "Hay naku! Tonyang ikaw talaga! Oo naman guwapo din ang tatay nito siyempre! Sumalangit nawa ang kaluluwa ng aking pinakamamahal na si Alberto"- Nag sign of the cross pa ito pagkasambit sa pangalan ng yumaong asawa. "Tita! Ang ganda ng mga binebenta nyo po today! Saan po galing?"- Tanong pa ni Lucy na ngayon ay hawak ang isang antigong vase "Napansin mo din pala! Oo nga eh! Galing daw sa isang mayamang angkan ang mga kagamitang iyan at sobrang tagal na daw ng mga iyan mga galing pa sa mga kaninununuan pa raw ang mga gamit ang iba nga daw ay umabot na ng 100 years at higit pa!"- Sagot pa ni Merly "Ang OA ng 100 years Ma ha!"- Angal pa ni Tina "Oo kaya! Ayaw mong maniwala! Kaya sobrang mahal ng iba riyan kasi nga wala ng ganyang design sa panahon ngayon Iyang mga yan! (Sabay turo sa iba pang mga babasaging kagamitan) Sobrang mamahal nyan biruin nyo luma na pero sobrang taas ng bidding nyan kaya di magkamayaw ang mga antique collector kasi sobrang rare daw ang mga ganyan! Naku.. Sinuwerte nga ako dun sa nakuha ko sayo kasi isa yun sa pinaka matagal! Iyon daw ay sa pinaka lola ng lola daw nung nagbenta sabi nga niya masakit daw sa kanya na ibenta iyon kaya lang wala daw siyang magagawa kasi kailangan nilang mag migrate sa America" "Talaga? At napreserve nila ng ganun katagal?"- Manghang tanong din ni Lucy "Oo! Kahit kami namangha kasi di mo aakalain na ganun na ang edad nung mga gamit kasi sobrang gaganda pa talaga! Iyon nga lang alam mong luma dahil nga sa mga designs at mga tatak! Iyong salamin na may Kabinet na sinasabi ko sayo anak! 100 years old na daw yun pag-aari daw yun ng anak na babae ng pinaka ninuno nila! Yung lola ng lola nila inshort sinaunang tita nila!" "Naku Ma! Baka may multo yun ha! Kaya binenta!" "Naku... Magtigil ka nagpapaniwala ka sa mga ganyang kuwento!" "Eh ganun sa mga palabas sa tv diba?"- Baling pa ni Tina sa kaibigang si Lucy "Oo nga po Tita!" "Hindi totoo ang mga yun!" "Magkano po dito?"- Agaw attention ng isang buyer "Ayy murang mura lang po iyan Mam! Oh siya maiwan na muna namin kayo asikasuhin lang namin ang mga customer namin"- Wika ni Merly at kinausap ang customer tango nalamang ang naisagot ng dalawa at sa halip ay nag ikot ikot nalamang at kinunan na nga ni Tina ng litrato ang mga nag gagandahang antigo. Kapansin pansin ang patuloy na pagpasok ng mga buyers kaya naman matapos magtingin tingin ng magkaibigan ay napagpasiyahan nalang nilang magpahinga muna sa loob kung saan maaaring mag stay ang mga empleyado at bumibisitang kaanak ng mga ito, Hindi rin naman kasi mahigpit ang amo ni Merly, Sa katunayan nga ay welcome na welcome si Tina doon bata palang kasi ay nakasanayan na niya ang lugar na iyon. Mula kasi ng mamatay ang kanyang ama ay isinubsob na ni Merly ang sarili sa pagtatrabaho doon at sinuklian naman ito ng kabutihan ng mag-asawang may ari ng shop. "Sige puwede kayong maidlip dyan! Buksan ninyo nalang ang aircon para malamigan kayo kung gusto ninyo ng kape ay mayroon din doon, Ganda! Alam mo parin naman siguro kung saan matatagpuan ang lagayan ng kape hindi ba?"- Tanong pa ni Tonyang ng iginayak sila patungo doon "Oo naman po Ate Tonyang!"- Sagot ni Tina "Hahaha .. Ang tagal mo din kasing hindi nagawi dito eh!" "Eto naman parang others! Naging busy lang po kasi!" "Oh siya sige balikan ko lang doon si Ate Merly!" "Sige po!" "Oh Friend etong unan! Tulog muna tayo!" - Wika ni Tina kay Lucy "Sige! Antok na nga din ako eh!"- Sagot din nito Maya maya pa nga ay tuluyan ng nakaidlip ang dalawa "Celestina! Aking Mahal! Malapit na tayong magkita! Pinapangako ko hinding hindi na tayo muli pang magkakawalay!" " Ikaw na naman? Sino ka? Bakit ayaw mo magpakita?" " Ipangako mong darating ka sa ating tagpuan! Maghihintay ako sayo!" "Anong tagpuan? Teka! Hindi kita maintindihan!" "Sabik na akong muli kang masilayan oh irog ko!" "Ha?" "Mahal kita Celestina! Mahal na mahal!" "Sandali! Sandali!" "Girl! Tina! Gising! Nananaginip ka!"- Untag ni Lucy sa kaibigan ng magising siya dahil sa pag ungol nito "Hmm??"- Sa wakas ay nagmulat na ng mata si Tina "Sabi ko nananaginip ka!" Bumangon sa pagkakahiga si Tina saka isinandal ang likod sa pader "Siya na naman!" "Anong siya na naman?" "Palagi ko siyang napapanaginipan kahit sa tuwing maiidlip ako! Parang palala ng palala!" "Ano? Teka! Sino ba ang tinutukoy mo?" "Hindi ko nga alam eh! Ewan ko! Basta may lalaking laging kumakausap sa akin sa panaginip ko hindi ko siya kilala pero pakiramdam ko matagal ko na siyang nakilala!" "Ano? Teka! Ang gulo girl ha! Paki explain nga sa akin ng maayos ng kahit papaano ay maintindihan ko naman! Kahit konti" Napahilamos pa ng mukha si Tina bago muling magsalita "Ganito kasi yun! Last month nag-umpisa tong panaginip ko actually sa mismong birthday ko talaga! Dun ko siya unang naencounter! Yung boses nung lalaki tinatawag nya ako! Para bang kilalang kilala nya ako!" "Tapos?" "Nung una! Pangalan ko lang! Pero ang ipinagtataka ko Celestina siya ng Celestina samantalang Atheena ang pangalan ko! Pero pakiramdam ko kasi ako talaga yung tinatawag niya, Ako yung kinakausap niya! Nung mga sumunod na gabi kung anu-ano na ang sinasabi nya kesyo mahal nya ako! May sumpaan kami! Ewan naguguluhan ako! Pamilyar sa akin ang boses nya pero hindi ko nakikita ang mukha nya! Ang nakapagtataka pa nito yung mga salita nya! The way nya ako kausapin para bang.... Parang sinaunang tao? Masyadong makata! Makatas! Alam mo yun? Yung mga tipong lalaki sa unang panahon?" "Ha? Teka girl! Sigurado ka bang ayos ka lang? Baka nagugutom ka? Ikuha kita ng sandwich?" "No! No! Lucy! Totoo ang sinasabi ko! Kahit ako naguguluhan din! Bakit? At sino siya? Bakit panay ang pag dalaw nya sa akin sa panaginip? Well... Lalong ang creepy pa kasi this past few days naririnig ko narin ang boses nya kahit dilat ang mga mata ko! Yung tipong kusa siyang sumasagi sa isip ko! Naririnig kong tinatawag nya ako!" "OMG! Magpatingin ka kaya?" "Ano?" "Try mo munang kumunsulta sa mga albularyo? Malay mo namaligno ka?" "Seryoso ka dyan?" "Girl! Walang mawawala! Malay mo napagtripan ka!" "Coming from you? Hindi ako makapaniwala na naniniwala ka pala sa mga kuwentong ganyan?" "Sige! Kung hindi iyon ang gusto mong paniwalaan ko! Ano? Gusto mo bang mas isipin ko na nasisiraan ka na ng bait? Ganun ba?" "Ofcourse not!" "Try mo! May kakilala yung tiyahin ko gusto mo pumunta tayo dun bukas na bukas din?" "Pero may Photoshoot tayo bukas!" "Ha? Ahh.. Oo nga pala! Yung sa debutant!" "Oo! Kaya imposibleng bukas!" "Fully booked pala yung sched natin for this month!" "Hindi ba natin puwedeng isingit? Malayo ba yun?" "Girl! Taga Laguna yung sinasabi ko sayong kakilala ng tiyahin ko eh!" "Malabo nga! Panay around Manila and Rizal lang ang mga sched natin for this month!" "Girl! Nagdadasal ka pa ba?" "Ha? Oo naman!" "Baka kasi unti unti ka ng nawawalan ng pananampalataya eh!" "Loka! Hindi no!" "Alam ba to ni Tita?" "Oo! Pero palagi nya lang sinasabi sakin na baka sign na daw to na magiging matandang dalaga daw ako! Kaya panahon na daw na maghanap ako ng mabo boyfriend!" "Ano? Hahahaha si Tita talaga! Ang lakas mang-asar ng Mama mo ha! Di ko siya kinakaya! Bully sa anak!" "Haist! Alam mo naman yun kung minsan baluktot ang pananaw sa buhay!" "Pero malay mo naman tama din siya!" "Ano?" "Malay mo! Baka.. Kung may lalaki ng palaging sasama sayo! Kung may lalaki ng nagmamay ari sayo? I mean kapag may boyfriend ka na! Syempre siya na ang iisipin mo siya na palaging laman ng panaginip mo hindi na kung sino man o kanino mang boses ng lalaki yung mapapanaginipan mo?'' "Ha?" "Oo nga! Girl! Malay mo naman!" "At tingin mo ganun kadaling maghanap ng majo jowa?" "Ang choosy mo kasi eh!" "Eh anong magagawa ko walang dumadating!" "Meron! Sadyang ayaw mo lang! Kasi sabi mo nga Walang spark! Hindi ko maramdaman yung connection"- Ginaya pa ni Lucy ang paraan ng pagsasalita ni Tina kaya hinampas pa ng unan ni Tina ang kaibigan "Kainis ka!"- Wika pa nito kay Lucy "Totoo naman eh!" "Eh totoo rin naman ang sinabi ko! Alangan namang pilitin ko? Tsaka ayaw kong magpaasa din ng tao!" "Oh edi ikaw na ang santa!" "Buwisit ka!" "Try mo na kasi girl!" "Ayoko nga!" "Oh edi hayaan natin yang lalaki sa panaginip mo na guluhin ka! Baka mamaya gaya pala yan sa mga horror movies! Baka kamukat mukat mo isa palang engkanto o kapre yan sige ka!" "Ha? Naku Lucy! Tigil tigilan mo paghithit ng katol ha! Ang lala ng pag o-over think mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD