Natapos ng maayos at matiwasay ang gabing iyon, Sa una'y alangan pa si Micka sa presensiya ni Thomas ngunit di rin naglaon ay napagtanto niya na mabait din naman pala ito. Mahilig din ito magbato ng mga corny jokes na di niya rin niya mawari kung bakit bentang benta rin sa kaniya. Mag aalas dose na nang gabi ng makarating ang dalaga sa kanyang unit kaya naman pagod at antok na rin siya ng mga panahong iyon nawala na rin sa isip niya na iinform ang nobyo sa oras ng kanyang pag-uwi. "Bakit ngayon ka lang?" Halatang galit ang tinig "Ayyy... Kabayo ka!" gulat pang bulalas ni Micka habang ipinapasok ang susi sa tarangkahan ng kanyang pinto. "Andrei.... Ginulat mo naman ako! Ano ba? papatayin mo ba ako?'' "Tinatanong kita bakit ngayon ka lang? sinong naghatid sayo? Alam mo bang dis oras n

