"Aahhh... Bakla! Sobrang lamig ng tubig" Nangangatog na sabi ni Tanya, matapos hilahin ang kaibigan at lumusong sa falls. "Malamig talaga kasi galing taas ng bundok eh! Tapos napapalibutan pa tayo ng mga puno" Sagot naman ni Micka na ngayo'y nawala ang hiya dahil nakababad naman siya sa tubig. "Grrr tapos ang aga pa natin masyado" nangangatog na tinig ni Tanya. "Nung bata pa ako madalas kaming dalhin dito ni daddy tuwing weekend ng ganitong oras sabi nya kasi, Mas maigi daw sa katawan na maligo sa ganito kalamig at ganitong oras, Para sa mas maiging daloy ng dugo sa katawan natin tsaka mas nabubuhay yung mga cells natin ganorn! sagot pa ni Micka "Well... Totoo naman lalo na kung ganito ba naman ang makikita at makakasabay mo sa umaga kahit sino ay mabubuhayan ng dugo eh grrr...." "Hu

