Ikalawang araw na nila Micka sa Cebu, mag aalas kwatro na din ng hapon katatapos lang ng conference meeting nila Thomas at nangako ito na may pupuntahan daw silang isang magandang isla. Kaya naman excited na nagprepare sina Micka dahil base palang sa mga pictures ng lugar na ipinakita sa kanila ay daig pa nito ang ilang mga beaches sa luzon sa sobrang ganda ng tanawin, tubig at sobrang puti ng buhangin kaya naman sobrang tuwang tuwa sila pare pareho na naghahanda na sa kanilang pag-alis. "Kelan kayo uuwi?" - katawagan na naman niya ang kanyang nobyo pero this time naka video call sila "1 week kami dito diba?" "Ang tagal naman! Sabik na akong makita ka eh!" "Grabe ka 2 days palang akong wala dyan huwag kang umeme!" "Eh sa namimis na kita eh!" "Tsk! Huwag kang mag-alala palagi naman ak

