Tahimik na binabantayan lamang ni Micka ang bawat oras na dumadaan. Ewan niya pero tila wala siya sa sarili, Di parin kasi mawaglit sa kanyang isipan amg mukha ng lalaking nakita niya kanina sa daan. Bagamat matagal na panahon ng wala ang kanyang ama tanda niya parin ang itsura nito, Ngunit tama din naman si Andrei nakita niya noon na nasa kabaong ang kanyang Doktor na ama kaya imposobleng buhay pa ito, Isa pa bakit naman hindi ito magpapakita sakali mang buhay pa nga ito? Marahil nga guni guni lamang niya iyon o siguro nga ay kamukha lamang ng lalaking iyon ang daddy niya. Saglit na ipinikit ni Micka ang mga mata habang nakasandal ang balikat sa swivel chair at bahagyang itiningala ang ulo saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Damn.... Micka! This is not right! Nakalimutan

